Chapter 24

134 9 0
                                    

"Stancia!" - binuksan ko ang pinto si Jessel at Maria

"Ang tagal mong nagpakita sa amin ha!" - pinapasok ko sila, dalawang araw na akong hindi pinapalabas ni Nanay.

"Hindi ka rin nagrereply, kumusta ka na?" - concern na tanong ni Jessel, ngumiti lang ako.

"Stancia Sino yan!?" - lumabas si Nanay sa kusina at tiningnan sila Maria at Jessel, mukhang nakahinga ng maluwag si Nanay, sa loob ng dalawang araw ay hindi na nagpapakita si Laz dito sa bahay, pero praning pa rin sila Nanay at Tatay.

"Magandang hapon po Tiya Nena, napadalaw lang po" - nagmano sila Jessel at Maria kay Nanay.

"Mabuti at binisita ninyo itong kaibigan niyo" - pinaupo sila ni Nanay.

"Maiwan ko na kayo" - bumalik si Nanay sa kusina.

"Bakit di ka nagrereply?" - tanong ni Jessel

"Wala kasi akong load" - sagot ko, hindi pa rin binibigay ni Nanay ang cellphone ko.

"Ang boring ng sem break mo, gala tayo" - umiling agad ako kay Jessel.

"Hindi ako papayagan" - tiningnan nila ako ng nagtataka.

"Bakit naman? Bakasyon naman ha, hindi naman ganyan ka higpit si Tiya Nena" - sabi ni Maria.

"Ipagpa-alam ka namin kay Tiya Nena, kami bahala, hindi ka ba naboboryo dito sa bahay?" - sabi ni Jessel.

"Hindi naman, nasanay na" - sagot ko.

"Minsan na nga lang tayo magkasama, ayaw mo pa" - nagtatampong sabi ni Jessel.

"Hindi kasi puwede eh" - sagot ko.

"Bakit kasi hindi?" - hindi ako makasagot.

"Tinutulungan ko kasi si Nanay dito" - sagot ko na lang.

"Ang kj" - sabi ni Jessel, wala naman akong magagawa, ayoko ring lumabas

"Nasagap mo na ba ang chismiss?" - pag-iiba ng usapan ni Jessel, mataas ang radar nito sa chismiss eh.

"Tungkol saan?" - tanong ko.

"Kay Laz, ikakasal na siya, bali balita sa palengke ang chismiss" - tiningnan ako ni Maria na parang binabasa ang iniisip ko, ngumiti ako.

"Alam mo Stancia?" - tanong ni Maria sa akin, tumango ako.

Siguro naghihinala na si Maria kung magkaibigan lang ba talaga kami ni Laz, sa mga panahon na sinusundo ako ni Laz ay hinahayaan niya lang akong sumama at hindi na siya nagtatanong pa. Alam kong hindi ko maitatago sa kanila ang totoo.

"Nasabi sa akin ni Ate Lory" - sagot ko, hindi na binabanggit ni Nanay sa akin ang mga San Gabriel at kung ano man ang nangyayari sa mansion.

"Balita ko, minamadali ang kasal eh, baka buntis ang bride" - sabi ni Jessel, seryosong nakatingin sa akin si Maria, pilit ko hindi pinakita ang totoo kong nararamdaman.

"Sigurado akong sobrang engrande ng kasal, Mendoza at San Gabriel pa naman!" - exaggerated na sabi ni Jessel.

"Kita ko ang post ni Elyse at may story siya na weeding invitation" - sabi ni Maria.

"Invited kaya tayo? Diba friends naman tayo ni Laz?" - kinurot siya ni Maria.

"Gaga! Bakit tayo invited may malaking hacienda ka ba? " - tumawa kami.

"Baka lang naman, gusto ko lang namang makawitness ng engranding kasal" - dreamy na sabi ni Jessel.

"Mayayaman lang ang imbitado roon, sige mangarap ka ng gising" - ngumuso si Jessel kay Maria, tumawa lang ako.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now