Chapter 10

228 55 4
                                    

Pissed? Hindi naman ako na iinis sa kaniya. Hindi pa rin siya gumalaw sa pagkakaupo.

"Hindi ako naiinis sayo, ang dami mo kasing tanong"- sabi ko, nakasakay sa balikat ni Gino si Jessel at si Maria kay Kentoy, mukhang masayang, sayang.

"Ayaw mo talagang maligo?" - tanong ko, nakatanaw lang rin siya sa dagat.

"Later, samahan muna kita dito" - sagot niya, hinayaan ko siya.

"You dont have menstrual cramps?" - maya't tanong niya, ewan ko hindi ako komportable pinaguusapan namin ang menstruation, kahit na alam ko normal naman yun. Awkward lang kasi lalaki ang nagtatanong.

"Sa first day lang masakit" - sagot ko, sobrang sakit actually, na kailangan ko pang iipit ang tiyan ko para maibsan lang ang sakit.

"In the scale of 1-10 , how painful? 10 is the highest" - humarap siya sa akin, hindi ko makita ang mata niya dahil sa sunglass.

"10, kung may 11 ay 11" - ganyan kasakit.

"That painful?" - kumunot ang noo niya. Tumango ako.

"Oo nga, sobrang sakit" - pinagpagan ko ang kamay ko may mga buhangin, tinuko ko kasi.

"You don't take pain killer?" - umiling ako.

"Hindi, kasi baka masanay at hindi na huhupa ang sakit ng natural" - sagot ko.

"Bakit ka ba tanong ng tanong?" - inis na sabi ko.

"May mens ka nga, mainitin ang ulo" - hinubad niya ang sunglass niya at pinasuot sa akin.

"Stay here, I will be back" - umiwas ako ng tingin ng naghubad siya ng t-shirt, wala man lang pasintabi. Kumabog ang dibdib ko.

Rinig ko siyang tumawa, ang malapad na likod niya lang nakita ko pagbukas ng mata ko. Nagdive agad siya sa dagat, matagal at malayo na ng umahon siya para huminga, pinanood ko lang siya sa paglangoy, pinagsawa ko ang mata ko.

"Kainan na" - masayang sabi ni Maria ng umahon sila sa dagat, umahon na rin si Laz.

"Kanta mo na tayo"- sabi ni Jessel, tapos kami magpicture gamit ang cellphone ni Jessel, latest kasi ang sa kaniya.

"Huwag na, kain na tayo" - nahihiyang sabi ni Gino, nilabas ni Jessel ang cake sa box, kumuha ako ng posporo para sa kandila.

"Happy Birthday to you" - kanta namin, ngumiti lang si Laz sa tabi ko.

"Salamat, huwag na sabing kumanta eh" - naiinis na sabi ni Gino pero nakangiti naman.

Kumuha kami ng kaniya-kaniyang paper plate, nagsimula na silang sumandok ng kanin at pancit.

"Kumakain ka nito?" - pinakita ko ang lumpiang shanghai kay Laz, tumango siya. Nilagay ko sa paper plate niyang walang laman.

"Masarap yan, kami nagluto niyan"- sabi ni Maria, nagsimula na kaming kumain, kaniya kaniyang kuwento.

"Balita ko entrance exam na sa sunod na buwan, first week daw" - sabi ni Jessel ang tagapangalap namin ng balita.

"Sabay tayo magpasa ng application ha"- sabi ni Maria, tahimik lang si Laz na kumakain, nilalagyan niya ng kanin ang paper plate ko.

"Huwag na, busog na ako"- nilayo ko ang paper plate sa kaniya.

"Ang liit ng kinain mo" - sabi niya, awkward na nakatingin sila sa amin.

"Huwag na, kumain ka na diyan" - sabi ko sa kaniya, nilapag ko ang paper plate kong wala ng laman. Nang-uuyam ang tingin ni Jessel at Maria sa akin.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now