Chapter 9

219 59 5
                                    

Usap-usapan sa bayan gaano ka ganda at gara ang birthday party ng Don. Usapan rin ang mga mayayamang pamilya na dumalo, ang mga politiko at negosyante.

"Sana sinabi ko kay Tiya Nena na tutulong ako" - sabi ni Jessel, nasa palengke kami. Inutusan ako ni Nanay na mamili at sinamahan niya ako dahil bored siya.

"For sure maraming gwapo don" - sabi ni Jessel, nagbayad ako para sa isda.

"Marami nga" - tumawa ako, si Laz ang pumasok sa isip ko. Pinanliitan niya ako ng mata.

"Talaga? Balita ko yung anak ni Mr. Chong, dumalo eh, ang pogi non" - dreamy ang boses niya.

"Hindi ko kilala yun" - hinampas niya ako ng mahina.

"Eh kasi puro ka lang libro" - naglakad kami palabas ng palengke.

"Ni hindi ko alam kung may nagugustuhan ka ba, si Jonathan gwapo yun, ayaw mo talaga sa kaniya?" - naghintay kami ng tricycle sa gilid ng daan.

Nakuwento ko sa kaniya na, inaya ako ni Jonathan lumabas pero hindi ako pumayag. Ewan ko, gwapo na man talaga si Jonathan pero hindi ko siya gusto romantically, masaya siyang kaibigan.

Sinilip ko ang cellphone sa bulsa, walang text galing kay Laz. Simula kahapon ay nagtetext na siya sa akin, last text niya ay kaninang umaga, pinag-aaralan niya ang distribution ng mangga sa lalawigan.

"Hoy, may hinihintay kang magtext no?" - hinampas ko siya ng mahina.

"Wala, tangek" - wala pa ring dumadaan na tricycle, hapon na rin.

"So bakit ayaw mo nga kay Jonathan, andaming naghahabol don eh?"- tanong niya ulit.

"Ikaw bakit ayaw mo kay Gino?" - balik ko sa kaniya, inirapan niya ako, tumawa ako.

"Tsee! Alam mo namang pangit non, ayoko sa pangit okay?" - hindi naman pangit si Gino, kahit na moreno dahil laking bukid rin eh, gwapo at matipuno, matalino rin.

"Change topic ka eh!" - may dumaang tricycle pero puno.

"Baka ayaw mo kay Jonathan kasi may iba kang gusto? yung totoo? Best friend mo ko pero wala akong alam sa lovelife mo!" - mahabang lintya niya.

"Wala naman akong ishashare kasi walang ganap ang lovelife ko" - sabi ko matter factly, wala talaga.

May huminto na familiar na sasakyan sa harap namin, binaba niya ang bintana, si Laz.

"Hop in, I will drop you home" - sabi niya, rinig kong mahinang tumili si Jessel.

"Pasecret-secret pa si beshy" - bulong niya sa akin, mahina ko siyang siniko.

"Brutal ng ate mo" - hinila niya ako papalapit sa sasakyan.

"Ako rin ba Laz?" - walang hiya talaga.

"Of course, hop in" - ngumiti siya, pang boyish na ngiti.

Dali-daling sumakay si Jessel sa backseat, susunod na sana ako.

"Sa front seat ka Stancia, mukhang driver ang friend mo pagdito ka rin" - sinirado niya ang pinto, kaya umikot ako para sa front seat.

"Ay gusto ko to, sinusundo" - sabi ni Jessel, pinaandar na ni Laz. Ako ang nahihiya sa pinagsasabi ni Jessel.

"Hoy, tumahimik ka nga" - nginisihan niya lang ako, tumawa si Laz.

"Pasensya na sa kaniya, medyo may sayad kasi yan" - sabi ko at umayos ng upo. Tumawa silang dalawa.

"Pikon talaga tong beshy ko" - tumawa siya, mukhang bruha.

"Saan ka galing? Akala ko nag-aaral ka lang?" - mahinang tanong ko kay Laz, baka marinig ni Jessel.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now