Chapter 2

342 89 29
                                    

Kinaumagahan naglinis ng bahay at naglaba ng damit sa bahay ang ginawa ko, walang pasok si nanay sa mansion tuwing sabado at linggo pero ako ang gumagawa para makapagpahinga siya, tuloy pa rin trabaho ni tatay sa tubuhan.

"Saan mo ngayon ililibot si sir Laz?" - tanong ni Nanay, nananghalian kaming dalawa, nagpa alam na ako kagabi.

"sa tubuhan lang po kami nay"

"Masungit ba anak?"

"Medyo po"

"Umuwi ka kaagad, huwag kang magpapagabi" - tumango ako, matapos kumain, naglakad na ako papunta sa mansyon.

Pagpasok ko sa mansyon nila kita kong nakahilig siya sa gilid ng isang itim na sasakyan. Magsasakyan pala kami ngayon.

"Your'e late" - yun lang sabi niya at pumasok sa pathfinder niya, I doubt ito ang sasakyan niya sa syudad.

"Pasensya na" - sabi ko at umupo.

"Ituturo ko ang daan" - tumango siya.

Dumaan kami sa highway at umikot , mas madali kung sa highway dadaan.

"Pag nandito ka may magandang puwedeng tambayan dito kung bored ka sa mansyon niyo"

"You always go there?" - bumaling ang tingin niya sa akin. Tumango ako.

"Doon kami minsan tumatambay ng mga kaibigan ko" - tinuro ko sa kanya ang daan paliko sa tubuhan.

"Maliit na burol yun, kita ang mga bundok at ang dagat mula doon kaya maganda" - dagdag ko, dapat meron siya tambayan dito bukod sa mansyon nila

"Samahan mo ako doon?"- napatingin ako sa kaniya mukhang interesado siya.

"Oo naman, ako ang tour guide mo kaya ipapalibot ko sayo ang mga magagandang lugar dito"- masayang sabi ko, ngumiti naman siya, mukhang excited din siya.

" We can go there next week if your still available" - binalik niya ang tingin sa daan, medyo malubak na.

"Oo naman, available ako, walang problema sa akin kung kailan" - sagot ko, Scholarship ko ang nakataya dito.

"You don't have anything to do this summer break?" - tanong niya, totoo itong pagsama ko sa kaniya ang trabaho ko, pero hindi ko sasabihin baka magalit at hindi pa matuloy ang scholarship ko.

" Wala naman, bukod sa pagtulong kay Nanay at Tatay ay wala" - sagot ko.

"Ikaw wala kang gagawin iba?" - kailangan namin maging kaibigan para mas gusto niya dito dahil may mga kaibigan siya, bukod sa Manila, ipakilala ko siya minsan sa mga kababata ko.

"Nothing, Im grounded here"

"Isipin mo na lang na bakasyon ito para ma enjoy mo"

Hininto niya ang sasakyan sa harap ng maliit na bodega ng tubuhan. Lumabas agad ako, sumunod naman siya sa akin.

"Sana nagsuot ka ng long sleeve baka magka rashes ka sa tubuhan" - sabi ko at patuloy na naglalakad.

"My skin is not sensitive" - weh? ang sensitive ng mga mayayaman eh.

"Ikaw bahala" - dumaretso ako sa mga trabahante sa tubuhan.

"Stancia, tapos na ang tanghalian ha" - bati ni Mang Isko, nagbubuhat ng mga dahon ng tubu, iniisip siguro na maghahatid ako ng pagkain ni Tatay.

"Sinamahan ko pong maglibot si sir Laz Mang Isko, anak ni sir lazaro" - sagot ko, nasa likod ko lang si sir Laz.

"Oh siya ba yung anak ni sir Lazaro na bulakbol?" - mahinang tanong ni Mang Isko at tinuro gamit ang labi sa likod ko. Tumango ako.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon