Chapter 5

268 75 3
                                    

Sa biyahe pauwi tahimik lang siyang nagdadrive, pero kita pa rin ang inis sa mukha niya, nakakunot ang makapal niyang kilay ,seryoso ang mata at naka isang linya ang labi. Ina ano ba siya?

Wala ring imik si Nanay sa likod at abala sa pagbabasa ng niriseta sa kaniya. Inabala ko na lang ang sarili sa mga puno sa labas.

"Gutom ka na ba hijo? Bibilisan ko ang pagluto" - sabi ni Mama, unang pumasok sa bahay. Sumunod ako papuntang kusina. Pinark ni Laz ang sasakyan niya.

"Ako na po maglilinis sa isda" - nilabas ko ang isda sa plastic.

"Kumuha ka na lang ng malunggay at tanglad sa likod, ako na bahala dito" - inagaw ni Nanay ang isda at pumunta sa lababo para linisan.

Pumunta ako sa likod ng bahay, mataas na ang puno ng malunggay hindi ko na abot. Tinalon-talon ko ang pinakamalapit na sanga para makuha at mabali ang sanga.

"What are you doing?" - nilingon ko ang nagsalit, ang englisherong Laz. Bat sumunod?

"Kumukuha ng malunggay" - nilundag ko ulit ang sanga. Lumapit siya sa kilid ko at sa wala lang niya inabot ang sanga at binali.

Sana all matangkad, hanggang balikat niya lang ako.

Tiningnan ko siya habang kumukuha pa ng dahon, binalio ko agad ang tingin sa malunggay ng sumulyap siya.

"Salamat" - sabi ko at aabotin ang mga malunggay pero inangat niya.

"Akin na" - sinubukang inabot ang malunggay sa kamay niya.

"Not so fast" - itinaas niya pa lalo ang isang kamay. Ano trip nito?

Tinigil ko na lang ang pagaabot. Ano ba problema nito? Kanina pa siya ha.

"Ano?" - seryoso pa rin siyang nakatingin. Ano ba kinaiinisan niya?

"Whos that guy from the market?" - tanong niya, sinagot ko na siya kanina ha.

"Classmate ko nga noon" - paulit-uli tayo dito ha.

"Does he like you?" - kumunot ang noo ko sa tanong niya, ano naman ngayon kung oo.

"Ano naman sayo, akin na nga yan" - mas lalo siyang na galit sa sagot ko, muntik na magdugtong ang makapal niyang kilay.

"Yeah, its none of my business" - mahinang sabi niya. Tinalikuran niya ako dala ang malunggay. Inaano ba siya ni Jonathan? Sumunod ako papasok.

"Bat ang tagal mo" - salubong ni Nanay sa akin

"Mataas na ang puno Nay, hindi ko na abot" - sabi ko, nilagay ni Laz ang malunggay sa mesa at lumabas ng kusina.

"Uuwi na daw si ser, hindi siya kakain dito" - sabi ni Nanay, bumalik sa niluluto.

"Bakit daw po?" - tanong ko, nagtataka.

"Ewan ko, baka pinauwi na sa mansyon" - sagot niya lang, narinig ko ang sasakyan paalis.

Ano ba problema niya, mukha siya galit o nag-aasume lang ako. Bahala siya sa buhay niya.

Matapos mananghalian ay tinulungan ko lang si Nanay paglilinis, inabala ang sarili, ayokong isipin bakit ganoon ang asta niya, kanina pa siya palengke.

Kinabukasan ay nagbabasa ako sa sala, umalis na si Nanay at Tatay para sa trabaho. Hindi nag text si Laz hanggang sa naghapon.

Abala ako sa binabasa ng tumunog ang cellphone ko. Dali-dali kong tiningnan, ah si Jessel, kala ko si Laz na.

"hello?" - sabi ko sa kabilang linya.

"Punta ako diyan sa inyu may chicka ako"- sabi ni Jessel, ano namang chismiss nasagap niya?

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now