Chapter 3

308 86 14
                                    

"Saan ka gumraduate Laz?" - tsismosa talaga nitong Jessel.

"Ateneo"

"Wow Sosyal!" - sabi ni Maria.

"Anong course mo?"

"Business Management"

"Kahit kurso pang mayaman" - rinig kong bulong ni Maria.

"May girlfriend ka sa Manila?" - tsismosang tanong ni Jessel, ako nahiya sa tanong niya. Obvious namang may girlfriend siya Manila, sa gwapo niya, papasa siyang modelo o artista sa syudad.

"Wala" - weh di nga? baka private ang relationship nila. O ayaw niyang makarating sa pamilya na, kasi panigurado babalikan niya ang girlfriend niya doon, at doon manirahan.

"Weh? Pa showbiz talaga ang mga mayayaman hahaha" - tawa ni Maria. Tumawa rin ako, tumingin si Laz sa akin.

"Gwapo mo, panigurado may girlfriend ka" - dagdag ni Jessel, tumango ako.

"Wala talaga" - sagot niya. Baka hindi girlfriend mga fling niya lang.

"Hoy! Mahiya ka naman sa tanong mo!" - bulong ni Kentoy, rinig naman namin. Personal naman talaga ang tanong.

Mahinang nagbabangayan silang dalawa.

"Nagtanong lang naman eh" - bulong din ni  Jessel, katabi ko kaya rinig ko.

"Pasensya kana sa mga kaibigan ko" - personal na masyado ang mga tanong.

"Its fine, I dont mind, Its true though" - Sagot niya, tumango ako para matapos na ang usapan.

"Tara ligo na tayo" - tumayo si Maria. Sumunod si Jessel at Kentoy sa dagat. Niligpit ko ang mga pagkain.

"I dont have a girlfriend" - sabi niya, tinulungan ako magligpit.

"Ako na dito, ligo kana" - inagaw ko ang hawak niyang tupper ware.

"Tulungan na kita"

"Ikaw bahala"

Ng matapos namin pagpatungin ang mga tupper ware, bumalik na ako sa dagat. Lumusong agad ako.

Nag uunahan sa paglangoy silang tatlo.

"Totoo na walang girlfriend si Laz? " - tanong ni Jessel.

"Hoy! Jessel, yan ka na naman" - sabi ni Kentoy

"Nagtatanong lang eh, di ako naniniwala na walang girlfriend yan, mukhang matinik sa babae eh"

"Hindi ko alam eh, pero feeling ko merong girlfriend yan" - sagot ko.

"Feel ko rin eh, hindi nababakante ang ganyang mukha eh"

"Oo, baka nga maraming babae yan eh!"

"Judgemental talaga nito!"

"Malay ba natin, anong buhay meron yan sa syudad"

"Mukhang habulin rin ng babae eh"

"Hoy, tumahimik nga kayo"

Tumahimik agad kami ng kita namin ang likod niyang lumangoy papalapit.

Nag kanya kanyang langoy kami, guilty na pinagtsitsismisan namin, hahaha.

Sumisid ako palayo. Pag angat ko kita ko ang likod ni Laz papalapit sa akin. Bat lapit ng lapit to.

Umahon siya sa gilid ko. Umiwas ako ng tingin.

"Namumula ka" - hinawi ko ang kamay niya sa mukha ko.

"Ikaw rin naman" - sabi ko. Lumayo ako bahagya, ang touchy naman nito.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon