Chapter 7

242 65 3
                                    

"No she lives here" - hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, magiging masaya ba ako na taga dito ang nagugustuhan niya at may chance na hindi na siya aalis sa lugar nato, pero parang may binagsakan ng isang sakong asukal ang dibdib ko.

Umiwas ako ng tingin, di ko kaya ang intisidad ng tingin niya, halo halo ang emosyon sa kanyang mata, hindi ako sanay.

"Laz, I have your suit" - biglang pumasok si Maam Stella. Tumayo ako.

"Oh ! Your're the girl from the kitchen"- tumango ako, nanatiling naka upo si Laz.
Mukhang wala lang sa kaniya na pumasok si Maam Stella.

"You work here?" - lumapit siya sa amin.

"Yes Maam" - kinuha ko ang tray sa mesa, para maka-alis na.

"Stay here" - binawi niya ang tray at nilagay sa parteng malayo, kailangan ko pang dumikit para makuha.

"What are you doing in Laz's room?" - nagtaka siguro hindi pa rin ako umaalis.

"Naghatid lang po ng pagkain ma'am, alis na po ako"- tumayo ako, bahala na si Laz sa tray ng pagkain.

"No, stay here" - pinaupo ako ni Laz, hinila niya ang kamay ko.

"We are talking Stella, you can go" - seryosong sabi niya kay Maam Stella, nakatayo lang siya sa harap namin. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Can't you talk even Im here?" - nilagay niya ang mamahaling clutch niya sa mesa.

"Its serious, and dont just brag in someone else room, knock next time" - tinaasan siya ng kilay ni Maam Stella.

"Why ? Its not that its new to us, remember we are arria-"

"Just get out" - putol ni Laz, umirap siya.

"Why? Ano ba pag-uusapan niyo ng muchacha niyo?" - nang-iinsulto ang tono niya, nangmamaliit. Bakit hindi na ba puwede mag-usap ang mahirap at mayaman? may invisible barrier, ano estado sa buhay yun lang ang kausapin mo.

"She's not a maid, she's my friend here, so now get out, before I drag you out" - galit na sabi ni Laz, palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"You now have a cheap friend? Is there a scarcity of rich people here? Really?" hinead to foot niya ako.

"Shut up and leave" - napigtas na ang pasensya ni Laz, tumayo ako at umalis.
Tinawag pa ako ni Laz bago ko masara ang pinto ng kuwarto niya.

Alam ko saan ako lulugar sa mansion na to at sa mga San Gabriel, sobrang linaw sa akin ang agwat ng mundo namin, pero feeling ko nitong mga nakaraang araw na nakasama ko si Laz ay lumiit ang mundo namin.

"Ang maldita talaga ng Stella na yun, sabi niya ipagtimpla ko siya ng juice pero sinigawan ako, gusto niya yung fresh, eh hindi naman niya sinabi" - sabi ni ate Manda, papasok sa maid's kitchen. Kumakain kami ng tanghalian.

"Mukhang badtrip ang senyorita" - dagdag ni ate Lana, katabi ko.

"Mukhang nag-away sila ni sir Laz, rinig kong sinigawan niya kanina ng "I said leave" dumaan kasi ako sa kuwarto niya" -sabi rin ni Aleng Inday.

Tumahimik sila ng pumasok si Aleng Soledad, ayaw niyang pinagchichismisan ang mga amo namin, hindi daw tama yun kasi sila nagpapasuweldo sa amin.

"Stancia, hinahanap ka ni ser Laz, kanina pa yun mukhang importante, hindi mapakali" - sabi niya, umupo sa tapat ko.

"Bakit raw po?" - wala naman siyang inutos sa akin.

"Puntahan mo muna nak, tapos ka na rin naman kumain" - sabi ni Nanay.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum