Chapter 27

167 11 1
                                    

"Sino yun Stancia?" - tanong ni Renan ng nilapag ang mga order namin, pinili ko ang pinakamalayong table, gusto ko na sanang umuwi, ayokong nasa parehong lugar kami, ayokong iisang hangin lang ang nilalanghap namin, pero nakakahiya kay Renan.

"Just a stranger, akala ko vacant table, hindi pala" - sagot ko, pinilit kong huwag lumingon sa table niya, hindi ko alam kung andoon pa siya o lumabas na.

Nagsimula kaming kumain, pinilit kong kumain kahit parang nawalan na ako ng gana. Nakakawalang gana ang pagpapakita niya sa akin. Ano pa ba ang kailangan niya sa akin? Matagal ng wala at tapos kung ano mang meron kami noon.
Bakit siya lang mag-isa, asan si Ellen? Pinilig ko ang ulo ko, matagal na akong walang pakiealam.

"Sure ka bang hindi mo kilala yun? Kanina pa nakatitig sayo eh"

"Huwag mo ng pansin"

"Sa bagay, sa ganda mong yan, imposible hindi ka titigan" - ngumiti lang ako sa compliment niya.

"Hindi ka ba nilapitan ng talent scout para mag modelo?" - maya't tanong niya,  noong college ay inofferan ako pero hindi ko tinanggap, bukod sa wala akong interest sa ganoong bagay ay busy ako sa pag-adjust sa bagong buhay ko, hanggang ngayon ay may lumalapit minsan pero nirereject ko agad.

"Hindi" - sagot ko, para hindi na siya magtanong ng tanong, wala ako sa mood para sa sagutin siya.

Nagvibrate ang phone ko, kinuha ko sa bag ko.

Jessel:
Remind lang kita, 2 days from now ay kasal ko na, you better show up!

Ako:
Alam ko, babiyahe ako bukas.

Jessel:
Dapat lang! Hindi puwedeng wala ang maid of honor ko!

Ako:
Yes ma'am

Binalik ko sa bag ko ang phone ko, nakapamili na ako ng wedding gift ko sa kanila, mag-iimpake na ako mamaya at babiyahe na sa madaling araw.

"Tapos ka na?" - tanong ko kay Renan, tumango siya.

"Ihahatid na kita, kukunin ko lang ang kotse ko" - tumango ako, una siyang lumabas, nakasunod lang ako sa kaniya, hindi ko na tiningnan pa ang side ng table ni Laz, kanina pa siguro rin yun lumabas.

"Dito mo na lang ako hintayin"- tumawid siya papunta sa building.

Nakatayo lang ako sa gilid ng daan, sa gilid ng poste ng ilaw,  hindi malayo sa Jolibee.

"That's your boyfriend?"

"Ay palaka!" - napahawak ako sa dibdib sa gulat.

"Sinusundan mo ba ako!?" - tanong ko ng makabawi sa gulat, tiningnan niya lang ako ng seryoso.

"That skinny guy is your boyfriend?" - skinny? tinatawag niyang skinny si Renan, palibhasa kasi puro siya muscle, kung makapagsalita.

"Ano naman sayo?"- tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi kayo bagay" - napatawa ako sa sinabi niya.

"Wala ka na don" - seryosong titig ang pinukol niya sa akin.

"I have the right to say anything" - tinaasan ko siya ng kilay.

"And why? As far as I remember you dont" - humakbang siya papalapit sa akin, umatras ako.

"Because as far as I remember Im still your boyfriend and we don't have a break-up, you just left" - napatawa ako sa sinabi niya, hindi pa break-up yun? Boyfriend nagpapatawa ba siya?

"We already broke up, many years ago, it may not be official break up but we broke up" - napasandal ako sa poste ng ilaw, mas lumapit siya sa akin.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now