Chapter 1 - First Case File

1K 121 1.3K
                                    

***

17. September.
Saturday, 2:47 PM.

"Sorry Ja, wala kasi silang cheesecake dito. Hindi ko naman alam kung ano pang gusto mong kainin."

"Palagi ka naman talagang palpak, Kate. Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan ni Ian sa'yo at binigyan ka pa talaga niya ng mamahaling locket."

Ang ingay.

Akala ko ba nasa coffee shop ako kung saan kadalasang nakatambay ang mga taong gusto ng tahimik na lugar? Grr.

"Dark Chocolate Latte for Theia," the guy at the counter called out kaya tumayo na ako at pumunta sa counter to get my drink.

Nakikiwifi ako sa isang coffee shop na malapit sa inuupahan kong apartment at gumagawa ng thesis mag-isa kahit by group naman 'to.

Aish, pabuhat. Mga dumbbell.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng mga kagrupo ko nang sinabi kong magkita kami dito para tapusin ang thesis namin.

"Hala, Tea. may family outing kami. Sorry!"

"Walang mag-aalaga sa kapatid ko bukas. Pwedeng online nalang?"

"Kayang-kaya, Tea! Para sa'n pa't napaka-optimistic mo!"

I sighed while thinking about those. Oo nga't maraming nagsasabi nakakahawa ang pagiging postive ko to the point na hindi ako nagagalit pero nakakapagod din naman. Akala siguro nila okay lang sa'kin ang lahat. Chos.

Bumalik na kaagad ako sa pwesto ko nang bigla akong napatingin sa tatlong na babae at isang lalaki na nag-uusap sa kabilang table. Sila 'yung maiingay kanina.

All of them have a cup of iced coffee in their table. I think hindi nalalayo ang agwat ng mga edad namin. They also have strawberry shortcakes except for the girl with a pixie cut na mukhang mataray. Panay inom lang siya sa kape niya. I think her name was Ja kasi ito ata 'yung naghahanap ng away kanina. Katabi naman niya 'yung lalaki.

The girl with a perm immediately looked at my direction while sipping on her coffee and smirked. Huh?

Suddenly, biglang sumakit ang ulo kaya bigla akong napayuko at napahawak sa table. Kulang ba ako sa tulog or what?

"Ja? Ja! Anong nangyayari sa'yo?!"

"Someone call the police!"

"H-Hindi...hindi maaari."

"Wow, your Highness."

"...the antidote."

"Ikaw ang pumatay sa kanya..."

Agad akong napadilat nang may biglang tumapik sa balikat ko. What was that?

"Hey, you okay?"

I immediately gasped for air at agad kong naramdaman ang butil ng pawis na namumuo sa noo ko. Tumingin sa table kung saan nakapwesto ang mga maiingay na babae kanina. They were still talking with each other pero wala namang problema.

The Olympian ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon