Chapter 2 - Rewind

658 86 1.2K
                                    

***

17. September.
Saturday, 1:19 PM.

"Ang sakit ng ulo ko," I groaned as I got up from the bed after taking an afternoon nap.

Bakit nga ba masakit ang ulo ko? Tanggalin ko na kaya? Joke.

Anyway, sakto naman ako sa tulog. At bakit feeling ko, may nakalimutan ako?

Sign of aging? Huhu.

Tinignan ko ang alarm clock sa gilid at malapit na palang mag 1:30. Dali-dali akong bumangon at naligo na para pumunta sa coffee shop malapit lang dito sa apartment na inuupahan ko.

Makiki-wifi ako doon. Aja! Para sa thesis na by group pero sinolo ko nalang dahil ang bait-bait kong leader. Hays.

Habang nagsusuklay, I caught myself staring in my own reflection at napatulala. Something's really wrong with me. Hindi ko maintindihan. Yumuko ako bago pulutin ang laptop bag kong nakalagay sa sahig.

"Someone call the police!"

"Wow, your Highness."

Agad akong napatayo at nagulat sa mga boses na pumasok sa ulo ko. O—kay. What was that? 'Di naman siguro ako minumulto dito, diba? Huhu. Medyo takot pa naman ako doon.

I placed the keys in my keyholder at lumabas na sa apartment. Nakakalungkot talaga kapag mag-isa ka nalang sa buhay. I lost my mother, the only family I have last year due to her chronic illness at hindi ko naman kilala ang tatay ko.

Nevertheless, I chose to be positive everyday. Malay ko ba, baka manalo ako sa lotto bukas o 'di kaya makahanap ng gwapong mayaman ta's papakasalan ako. Joke.

Nang makalabas na ako sa apartment, I felt someone staring at my direction kaya bigla akong napalingon sa isang poste. There, I saw a girl staring at the sky.

Hindi niya naman ako sinusundan, diba?

But her soft features were familiar. Nakita ko na ba siya noon?

"...one of us."

I flinched in surprise habang nakahawak sa ulo ko. I heard the voice again. It was a voice of a girl na sobrang pamilyar. Sa'n ko na ba 'to narinig?

I just shrugged at sumakay na ng jeep papunta sa isang coffee shop. Nang makarating ako doon, malapit ng mag-alas tres. Pagkatapos ko namang umorder, pumwesto ako sa isang table na malapit sa bintana para mas makaconcentrate ako.

17. September.
Saturday, 2:47 PM.

"Sorry Ja, wala kasi silang cheesecake dito. Hindi ko naman alam kung ano pang gusto mong kainin."

"Palagi ka naman talagang palpak. Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan ni Ian sa'yo at binigyan ka pa talaga niya ng mamahaling locket."

Ang ingay.

Akala ko ba nasa coffee shop ako kung saan kadalasang nakatambay ang mga taong gusto ng tahimik na lugar? Grr.

Agad akong napatigil sa pagtipa sa laptop ko when I realized something. Bakit parang nangyari na ang lahat ng 'to?

Déjà vu? Hindi, e.

Napatingin ako sa kabilang table kung nasaan nakaupo ang mga taong pamilyar sa akin. They were composed of three girls and a boy na parang hindi nalalayo ang agwat ng edad namin. In their table were three shortcakes at wala pa yata silang mga inumin.

I heaved a sigh in relief. At least, the girl who complained is still aliv...aliv? Ano nga dapat ang sasabihin ko? Why am I so distraught?

Nakakabawas ng ganda. Chos.

The Olympian ThroneWhere stories live. Discover now