Chapter 19 - Abducted

251 33 1K
                                    

***

Sino si Thyria Eanne?

"Tea!" 

Nabalik ako sa ulirat when I heard a familiar voice screaming my name from a distance. Muli akong lumingon sa harapan at wala na dito 'yung demigod na hinahanap namin.

"Sofie," I mumbled when I saw her approaching my direction.

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala kung ano ang nangyari sa akin. 'Di naman ako makapagsalita and I'm still in daze kung ano ba talaga ang nangyari.

"Bakit ka nandito po?" she asked and looked at the surroundings.

Nang mahanap ko na ang boses na nakakulong sa kaloob-looban ko, I faced her direction.

"Sofie, listen. Masama siya," I said and gasped. "H-Hindi ko alam kung bakit pero—"

"Are you okay po? Who are you talking about po?"

I took a deep breath. "'Yung hinahanap nating demigod. Masama siya!"

Sofie raised her brows at me bago natawa. "Okay ka lang po? Hinabol po namin nila Arri 'yung demigod but it turns out na hindi po siya demigod."

Naguguluhan akong tinignan siya. "Pero sino 'yung—" Natigilan ako.

Don't tell me, I was just imagining things?

"Anak po siya ng isang demigod. Hence, the presence po. Pero hindi po siya sa isang Olympian deity," Sofie further explained.

I looked at her in horror.

But how do you explain what I saw? Sino ba 'yung nakausap ko?

"My deity presided over the cycle of life and death."

Am I really out of my mind?

"But you can tell us anything when you're already alright po. Para po kasing nakakita kayo ng isang multo."

Bigla naman akong kinalibutan.

Multo nga ba 'yung nakita ko?

Nakabalik na kami sa inn wherein we stayed pero tulala pa rin ako sa nangyari. There are a lot of questions encircling in my head and all of those were still left unanswered.

Just when I decided to tell them what happened to me, biglang nagsalita si Arri.

"The academy has been sending us to missions na wala namang saysay."

Nakaupo kami ngayon sa pwesto namin kanina and we were conversing with a canned beer.

Finally, nakainom na rin ako. And I need this.

"I agree. Una, kailangang i-retrieve 'yung notebook ni Raoul. Pangalawa, ito," kamot-ulong reklamo ni Jack.

"But at least we know there's really something going on. The academy seldom makes mistakes on the missions," Than spoke and ate the chips na binuksan ko kanina.

"You're having doubts on the academy," Ridan said.

Natahimik naman kami.

"I'm not," pagbabasag ni Than. "I think there's a traitor in the admin."

"Same," Arri said.

I don't know kung sino ang admin o kung ano ang mga posisyon nila sa academy. Hindi ko pa naman kasi sila nakikita harap-harapan. But for them to doubt the academy, may nangyayari talagang kaiba.

"Or there's someone giving them wrong information po," Sofie said. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

Of course. Sofie's opinion on this really matters. Sa aming lahat, siya ang may pinakamabilis na brain processing.

The Olympian ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon