Chapter 7 - Light

419 54 1K
                                    

***

"From the S-Class, let's all welcome, Theia!"

I tried to mask the nervousness that crept unto my system through my smiles. Bahala na nga kung anong mangyari dito. Siguro, magbobow nalang ako at bababa na kaagad.

Kunyari, pa-mysterious effect. Chos.

Nang makarating ako sa gitna, the dining chamber stood in silence unlike kanina na sobrang ingay nila.

Hala, bakit?

I bit my lower lip before bowing my head at bababa na sana ako nang biglang magsalita si 'yung host na si Master Prax.

"We haven't seen Apollo's offsprings for years now," he commented at biglang lumapit sa akin.

Tinapat naman niya 'yung mic sa bibig ko. "G-Gano'n po ba? Hehe."

Bakit ba kasi nilapit niya 'yung mic sa bibig ko? Hindi naman siya nagtanong!

"Kaya mainit ang tingin sa'yo ng mga kapwa mong demigods," he said. Napatingin naman ako sa mga estudyanteng tingin nang tingin sa akin. "Can you let us witness Apollo's grace through you?"

I gulped. Ano nga bang gagawin ko? Ikukwento ko na ba sa kanila 'yung mga pangitain ko or what? Huhu.

"No."

Gulat akong napalingon sa nagsalita and saw a scary middle-aged man na mariin ang tingin sa akin. He was wearing a black cloak at ang kanyang mga mata ay kulay abo. He averted his gaze at doon ko lang napansin na nandito na pala siya sa gitna kasama namin ni Master Prax.

May ibinulong siya dito at magiliw na tumango naman ang bwiset na host na 'to. Sorry naman sa term pero nakakagigil kasi. Huhu.

"Students of Theos Academy, I'm afraid we'll cut this short," he announced. Hala, bakit? "Once again, I'm your host for today, Master Prax. Enjoy the school year!"

Para naman akong nabunutan ng tinik nang sabihin 'yon ni Master Prax. Dali-dali akong bumaba sa entablado and returned to the table.

"Anong nangyari?" bungad ni Arri nang makabalik ako.

Napailing lang ako sa kanya bago tumingin ulit sa platform. Hinanap ng mga mata ko 'yung mentor na nakaitim na cloak and caught him staring blankly ahead sa gitna kung saan may mga estudyanteng naglalakad. Some students were already leaving the dining chamber, tapos na siguro kumain.

"Ewan ko. Basta nalang lumapit ang isang mentor kay Master Prax," sumbong ko at ininom ang natitira kong kape.

"Si Sic po ba? 'Yung may itim na cloak po?" tanong ni Sofie. Agad ko naman siyang tinanguan at ngumuso.

"Head mentor 'yan ng A-Class," Jack commented kaya napatingin ako sa kanya. "That dark mentor."

Head mentor pala. Bakit feeling ko, may kakaiba sa kanya?

"Drink this po," Sofie said and offered me a glass of something. Ano ba 'to?

"Ano 'to?"

"Ambrosia po," she said. "To further materialize your godly powers."

Kinuha ko naman kaagad ito at ininom. And just like the last time, gumuhit ang pait sa aking lalamunan.

Madaling dumaan ang oras and the morning went by fast. In our curriculum, we still have classes similar to the ones I had in the mortal realm. Mathematics, Language & Grammar, and Physics. Akala ko nga makakatakas na ako sa madugong labanan ng Math at Physics, e. Hindi pala. Syempre, nangunguna sa klase si Sofie and surprisingly, si Than din.

The Olympian ThroneWhere stories live. Discover now