Chapter 9 - Oracle

528 48 1K
                                    

***

"Laki ng eyebags mo."

I yawned at ipinikit na muna ang mga mata ko. "Kulang ako sa tulog, Arri, e."

Wala naman akong jowa pero kung makapagpuyat, wagas. Chos.

Kasalukuyan akong nakasalampak ngayon sa sahig ng training room at nakasandal ang ulo sa pader. After eating my lunch at the dorm, I decided na dumiretso nalang dito kaysa matulog sa dorm at 'di na magising sa oras ng training. Tulog-mantika pa naman ako at ang hirap gisingin kapag pagod na pagod.

For a brief overview, may nakalatag na kaming schedule. During Mondays to Thursdays, may training kami sa hapon at regular classes naman sa umaga. Sa Friday naman, whole day 'yung training namin. Saturdays and Sundays were intended for our rest days though may mga special trainings din naman like individual trainings and dual trainings.

"That's why you overslept at 'di sumama sa akin to jog."

When we went back to the dorm after our adventure sa Library Tower, Sofie and Ridan just fought with each other through words. In the end, natalo rin si Ridan sa pag-aaway nila because the softie one had too much pride in her sleeves. Nagsilbi naman akong mediator sa kanilang dalawa at buti na nga lang at 'di nagising sila Arri kahit sa living room talaga sila nagtatalo.

In the end, Sofie and I weren't able to tell Ridan kung anong ginawa namin sa library. Ridan didn't also disclose his reason on why was he there at kung pa'no niya kami nahanap. And this is all because of their fights which were purely exchanging of foul words. Ang hirap naman kapag may clash sa dalawang anak ng gods of war, e.

"Hindi ka rin kumain ng breakfast. That's bad for the health, especially if we have trainings."

And before I knew it, it was already 3 in the morning and to avoid getting caught, pumasok na kaming tatlo sa mga kwarto namin. Kaya dumating sa puntong nag-oversleep ako at pinapangaralan naman ako ni Arri ngayon.

"Sorry. Matutulog na ako ng maaga. Hehe," sagot ko nalang kay Arri pagkatapos kong iminulat ang mga mata ko para tignan siya.

Ayokong magalit siya sa'kin, 'no. Baka mangisay nalang ako dito dahil sa thunderbolt niya.

Speaking of, kami pa lang dalawa ni Arri ang nandito sa training room at wala pa 'yung iba. Sabagay, may isang oras pa naman bago magsimula ang training namin kaya iidlip na muna siguro ako dito.

"We'll have our weapon training today, Tea," she informed me. "I think yours will surely be bow and arrow. Of course, you are Apollo's."

Parang 'di yata ako makakaidlip nito. Dinadaldal na kasi ako ni Arri, e.

"Speaking of weapons, thunderbolt ba talaga 'yung sa'yo, Arri?" I asked her as my eyes twinkled to delight.

"Yeah, 'yun ang main weapon ko. But I can still utilize and wield other weapons din naman," she explained.

As exhibition, lumapit siya sa akin kaya napatayo ako para tignan kung ano ang susunod niyang gagawin. Suddenly, a golden energy started to concentrate in her right hand and in a split second, may lumabas na thunderbolt sa kamay niya.

"Ang cool!" I can't help but say. Natawa naman si Arri at inilapit ang thunderbolt sa akin. Napaatras naman ako bigla kasi baka mangisay pa ako dito.

Mahirap na at mawalan sila ng cute na Theia.

"Other offsprings of the Olympian gods have various weapons. Tayong nga Simitheos lang talaga ang may main weapon na exactly the same nung sa kanila," she further elaborated. "We're the chosen demigods after all."

The Olympian ThroneWhere stories live. Discover now