Chapter 14 - Run

310 39 1.1K
                                    

***

"Sofie, gising!" sabi ko at inalog-alog pa siya na nakahiga lang sa buhangin.

Nasa may dalampasigan kaming tatlo nila Sofie at Arri. May mga sirang barko din na nakadaong sa dito. I think these ships were the ones used by the sailors who they lured before.

We can see the full moon perfectly illuminating the ocean at ang ganda na sana, kung hindi lang puro buhangin ang natitikman ko dito. May buhangin kasi sa mukha ko since I slept with my head facing down.

Hindi naman masarap 'yung buhangin.

Para lang kaming tinambak dito at wala silang pakialam kung anong magyayari sa amin. Ang importante kasi sa kanila, 'yung boys. Grr.

"Tea? Hala po!" sabi ni Sofie at tuluyan na ngang bumangon.

Ibinaling ko naman ang atensyon ko kay Arri na kasalukuyang pinapagpag ang suot niyang damit na pangbar.

Hiyang-hiya na talaga kami ni Sofie sa pangroleplay naming get-up.

"My plan to use Jack and the others as baits was a success," Arri mumbled at lumingon sa aming dalawa ni Sofie. "So how's Mt. Parnassus?"

With that question being thrown, nagkwentuhan kaming mga girls sa nangyari. It also turned out na may patayan na namang naganap sa mortal realm and one of the suspects was a siren kaya sila napunta dito.

Sabi ni Arri na by the time she woke up, magkakasama na kaming tatlo. However, Than and Jack were no longer around kaya kutob naming nasa pangangalaga na sila ng mga sirenang songerist.

"So that means we need the teardrop of a siren?" Arri asked.

"Yes po. Kailangan natin 'yan para mawala ang sumpa po," Sofie said at tumango-tango pa.

Feeling ko na naman, wala akong ambag dito. Matatalino kasi puros ang mga kasama ko.

"Kailan ba 'to matatapos?" Arri said in frustration.

"Uh, guys?" I called them out.

Sabay naman silang napatingin sa akin na nakaupo lang sa buhangin na malapit sa dagat. Kamiss kaya magbeach! I was just savoring the moment so tamang upo lang ako dito.

Chill lang.

"What about the other sailors na kasamahan ni Raoul?" I asked.

Natahimik naman sila at biglang napaisip. Because if I were to recall our plan, kailangan din naming iligtas ang iba pang kasamahan ni Raoul.

Also, may nakita kasi ako.

"To be honest, I had a premonition," I told them.

Gulat naman silang napalingon sa akin kaya napalunok ako. Nakakakaba kayang tignan ng dalawang matatalino. Para akong isang research member na for the first time in forever lang nakalahad ng idea.

Though hindi ko pa naman 'yun naranasan. Always kaayo akong leader sa mga group activities sa school. Flex ko lang. Rawr.

"It happened nang makatulog ako pagkatapos kong inumin 'yung tubig na ibinigay sa akin," I said.

Para nga akong natrauma sa nangyari, e. Nasanay kasi ako na safe ang water na iniinom ko. Nung nagising kaya ako sa manor ni Dion at sa room ko sa academy, palagi kayang may tubig sa side table at safe namang inumin. So akala ko, gano'n din ang tubig sa Mt. Parnassus.

Ang sabi rin kasi nila Sofie na 'wag kakain ng kung ano doon. Eh, hindi naman nakakain 'yung tubig!

"I saw something in my dream na sa gitnang bahagi daw ng islang ito, there's a cabin which housed the sailors," pagpapatuloy ko pa.

The Olympian ThroneWhere stories live. Discover now