Chapter 3 - Creatures of Wind

611 78 1K
                                    

***

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari sa buhay ko. Parang kailan lang, isa lang akong napakacute at normal na senior high student. Chos.

Ta's anak pala ako ng isang Greek god? Kung mas maaga ko pa sana 'tong nalaman, baka naperfect na ako sa test namin na Greek Mythology nung grade 10 ako, e. Liit pa naman ng grade ko do'n.

"Hoy Tea! Anong ginagawa mo?"

Oh my gods.

Gulat akong napatingin sa lalaking umagaw ng librong binabasa ko. Muntikan na akong mapasigaw pero buti nalang talaga at napigilan ko. Tinawanan lang niya ako bago sinauli ang libro kaya ayan tuloy, malakas siyang sinita ng librarian.

Serves him right.

I'm currently at the library, reading books pertaining about Greek Mythology. Katatapos lang naming magmeeting ng mga groupmates ko sa thesis para sa final defense. Buti nga at wala ng masyadong corrections 'yung paperworks namin, e.

Ikaw ba ang tulungan ng anak ni Athena na tapusin ang thesis. May i-cocorrect ka pa ba?

"Nagbabasa ako, Nicri. 'Di halata?" mataray kong sabi sa kanya. Mahina naman siyang tumawa at ginulo ang buhok ko bago tumabi sa akin.

"Hindi bagay sa'yo magtaray. Ang anghel mo pa rin tignan," he said at pinasadahan ng tingin ang mga nakalatag na letterings at bookmarks sa mesa.

"Hindi ba talaga? Sinubukan ko lang naman. Baka effective," sabi ko. Need ko yata magpractice, e.

"Greek Myth? Kailan ka pa naging interesado d'yan?" tanong ni Nicri habang nakatingin sa hawak kong libro.

"H-Hindi ba pwede? Bigla akong nacurious, e." Agad itong isinara at ibinaling ang atensyon sa kanya.

"Weh? Noong grade 10 nga tayo, halos maiyak ka kasi hindi ka nakapasa sa quiz," pang-aasar niya sa akin. Tinignan ko siya nang masama pero tinawanan lang niya ako.

"Wow, pinaalala mo pa talaga."

"Anyway, sa'n na 'yung pinagawa ko sa'yo?" tanong niya sa'kin at iniisa-isa ang mga nakalagay sa table. Mga nasa lima ata 'yun.

Nagnenegosyo kasi ako ng letterings, keychains at bookmarks. Pandagdag pera para naman hindi lang ako asa nang asa sa pension na iniwan ni Mama. Mauubos din naman 'yon e ta's malapit na akong magcollege. Kahit scholar naman ako, need ko pa rin maghanap ng racket. Plano ko nga sanang magpart-time, e.

"Wala d'yan ang sa'yo. Calligraphy pens gamit ko sa mga 'yan, e. Watercolor pens kaya request mo," sabi ko at kinuha ang isang maliit plastic envelope sa sling bag ko.

From there, I fished the laminated keychain pero 'di ko pa 'to binigay sa kanya. Kinuha ko muna 'yung mga papel sa loob ng envelope at nilapag sa table para ayusin.

Ang gulo talaga ng mga gamit ko. Parang 'di babae.

"Nga pala, anong meaning ng avrio fos? Ba't 'yan ang pinasulat mo sa'kin?" tanong ko sa kanya and placed my letterings and bookmarks na nasa table sa loob ng envelope.

Ibebenta ko pa 'to sa mga suki ko. Pasok mga suki, presyong divisoria—char.

"Secret," sabi niya. Kainis naman 'to. Hindi nalang ako umimik. "Magkano ba 'to?"

"Libre ko na 'yan. We won't see each other after senior high, right?" biglaan kong sabi sa kanya. "Parting gift. Wala akong budget bilhin ka ng kung ano, e."

Nicri was my classmate since the start of junior high. Tahimik siya sa iba at masyadong cold pero mapang-asar sa akin. Hindi kami madalas magkasama pero kapag may pagkakataon, komportable naman ako sa kanya. Actually, wala akong masyadong alam sa kanya kahit matagal na kaming magkakilala. At gan'on din naman siya sa'kin.

The Olympian ThroneWhere stories live. Discover now