Chapter 20 - The Dark Prince

261 29 942
                                    

***

"Will she be okay?" tanong ko kay Sofie na nakaupo sa isang sofa dito sa infirmary ng academy. Medyo may kalakihan kasi ito and also has separate rooms.

Two days have already passed since we came back from a mission in the small village. We didn't expect Arri's sudden slumber at hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam kung ano ang nangyari sa kanya.

"The healer couldn't even decipher kung ano ang nangyari sa kanya po," malungkot na saad nito.

Ever since we came back, halos dito na umuuwi si Sofie para bantayan si Arri. Surprisingly, Jack did the same too. Silang dalawa ang palaging nagbabantay. When Ridan, Than, and I tried to suggest na kami naman, umiiling lang sila.

Ano ba kasi ang nangyari sa'yo, Arri?

Our only clue was what Than said habang nasa van kami at papauwi na sa academy.

"Arri has the faint presence of a chthonic deity," he said habang nakatingin kay Arri na ipinuwesto namin sa pangalawang hilera ng van.

"What do you mean po?" Sofie asked na siyang katabi ni Arri. Iniunan niya ang kanyang mga paa sa ulo ni Arri. On the far end, Jack was steadying her feet in his lap. Katabi ko naman ngayon sa unang hilera si Than.

"May ginawa sila kay Arri. I'm positive," pagpapatuloy ni Than.

Bumalot sa amin ang katahimikan. Ridan was driving the van pero alam kong nakikinig din ito.

"It's as if she was silenced by the rebels through putting her to sleep."

We just stared at Arri na parang ang himbing lang ng tulog when in fact, it's the opposite.

Hindi namin alam kung kailan ito magigising.

"It's possible na may nalaman si Arri that's why she ended up like this."

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa infirmary and when I looked up, nakahiga na ako sa sofa with a blanket draped on my body. 

Kaagad akong bumangon and saw Arri still sleeping soundly on the bed at nasa gilid naman nito ang nakatayong si Jack na seryosong nakatingin sa kanya.

"Nasaan si Sofie?" I asked and stood.

He averted his gaze from her at nginitian ako.

"Nagpalit muna. Kumain ka na ng tanghalian, Tea. Bawal malipasan!" he said and pointed the table kung saan may nakalagay na supot. Siguro, nagtake-out sila or nag-order ng pagkain sa Estia.

"Sabay na tayo," aya ko and walked towards the table. We had classes in the morning pero hindi ko lang sigurado kung sa hapon, may training kami.

"Busog pa ako," pagtanggi ni Jack at umupo sa sofa kung saan ako humiga kanina. 

Napasimangot naman ako and saw another food, aside from mine. Kinuha ko ang isang burger mula dito and opened it. Lumapit naman ako kay Jack at nang humikab siya, kaagad kong nilagay sa bunganga niya 'yung burger.

"Ay nadulas," pang-aasar ko pa habang nagpipigil ng tawa.

Tumatanggi pa kasi sa grasya. Alam niya ba kung ilang tao ang nagugutom ngayon? Grr.

He tried to take out the burger from his mouth and quickly chewed it kaya natawa lang ako sa kanya. Ang sama kasi ng tingin sa akin habang ginagawa niya 'yon.

"Aba Tea. Marunong ka na, ha?!"

Inirapan ko naman siya.

"Kumain ka na kasi, bawal malipasan. Kung nakikita ka ni Arri ngayon, pinagalitan ka na," I said and walked back to the table para ako naman 'yung kumain.

The Olympian ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon