Simula

134 21 73
                                    

 
2 months after the death of Marissa...         

                Catarina's PoV

Napahalakhak ako habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin.

Sa wakas!

Nakuha ko narin ang lahat sa kanya.

Nakuha ko na rin ang mukha niya.

Nakuha ko na ang mukha ni Marissa!

Napakatanga mo naman kung nagtatanong ka pa kung paano?

Bobo!

Engrata!

Walang utak!

Hindi mo ba alam ang nagagawa ng plastic surgery?!

Walang karapatang mabuhay sa mundo ang mga tangang katulad mo!

Ang mga tangang katulad nyo ni Marissa!

Agad kong isinaayos ang mga gamit ni Marissa na ngayon ay pagmamay-ari kona.

Ngunit hindi ko talaga magawang alisin ang aking paningin sa salamin na nasa aking harapan.

Mom at Dad.

Makikita nyo na ako mamaya.

Makikita nyo nang muli ang paborito nyong anak.

Hahahaha!

Hindi ko maiwasang mapahalakhak.

Naiisip ko palang ang atensyon na makukuha ko ay talagang nasisiyahan na ako.

Hindi na ako makapaghintay!

Gusto ko na kayong makita.

Gusto na kayong makita ni Marissa!

Hahahaha!

                    Maris PoV

Tatlong buwan.

Tatlong buwan kong hinintay ang araw na ito.

Hindi ko magawang mapigilan ang luha ko ng tuluyan ko ng makita ang kakambal ko na bumababa na ng sasakyan.

Matagal syang nawala dahil sinabi sa amin ni Ate Catarina na gusto raw nitong mapag-isa at magbakasyon sa malayong lugar dahil marami raw itong problema na hindi namin alam.

Noong una nagtaka ako dahil wala naman akong alam na may problema siya.

Dahil lahat nalalaman ko sa kanya lahat sinasabi niya sa akin.

Nagtataka rin ako kung bakit hindi sya sa akin nagpaalam na palagi niya namang ginagawa tuwing aalis siya.

Hindi ko rin alam kung saan sya nagbakasyon.

Hindi ko naman kasi sya matawagan dahil sinabi talaga ni Ate Catarina na ayaw daw ng mahal kong kakambal na maistorbo sya.

Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod kahit miss na miss ko na syang masyado.

Naalala ko ng hindi ko na talaga sya matiis na hindi man lang marinig ang boses nya ay ilang beses ko syang tinawagan.

Pero wala.

Hindi ko sya matawagan.

Marahil ay ayaw niya talagang maistorbo ang kanyang bakasyon.

Kaya naman itinuon ko na lamang ang oras ko sa aking kwarto upang magbasa ng mga libro.

Natuwa naman ako ng makitang papalapit na sya sa pwesto ko.

Sinasabi ko na nga ba namiss rin ako ng mahal kong kakambal.

My kind of torture (BOOK TWO)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang