Labing-tatlo

40 11 75
                                    

Maris PoV

Patuloy parin ako sa paghagulgol dahil hindi parin tumitigil sila Josh sa panghahalay sa akin.

Kung saan-saan na naglakbay ang mga labi at kamay nila.

Nang bumalik ang lakas ko ay sinubukan kong magpumiglas,hindi nila yun inaasahan kaya naman nabitawan nila ako.

Dahil sa sobrang galit ko ay sinipa ko sa mismong mukha si Josh na siyang pinaka-malapit sa akin.

Tumakbo rin ako papalayo sa kanila at hindi ko inaasahang may mababangga ako.

Akala ko kung ano pero sa isang basurahan lang pa---teka ang lumang cellphone ni Marissa.

Nakita ko ang cellphone niya na nasa ibabaw ng mga basura.

Kukunin ko na sana ito kaya lang narinig ko na ang pagsarado ng pinto na sinyales na tapos na si Marissa sa pagkausap kung sino mang kumatok kanina.

Nang tumingin siya sa akin ay bakas sa mukha niya ang pagtataka kung bakit ako nakatayo dito.

Nang lumipat ang tingin niya kala Josh ay hindi ko na sinayang pa ang oras at mabilis ko nang kinuha ang cellphone mula sa basurahan at itinago ito sa bulsa ng pantalon ko.

Patuloy parin sa pagluha ang mga mata ko dahil sa kahayopang ginawa nila akin kanina lang.

Nanginig naman ang buo kong katawan ng humarap sa akin si Marissa na may hawak ng baril sa kanyang kanang kamay.

Humalakhak siya ng makita ang naging reaksiyon ko.

Ngunit talagang nawalan ng kulay ang mukha ko ng itinapat niya sa akin ang hawak niyang baril habang naglalakad sa akin palapit.

Alam ko na sa isang putok niya lang ng baril sa akin ay maaari na akong mamamatay kaya naman natatakot ako.. sobrang natatakot ako.

Wala na ba talagang katapusan lahat ng ito?

Bakit?

Bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin.

Napapikit nalang ako ng tuluyan niya ng itinapat sa ulo ko ang baril at narinig kong kinasa niya na ito.

Ngunit napamulat ulit ako ng marinig kong nagtawanan silang lahat.

"Hahahaha!"

Habang silay tumatawa ako naman ay awang awa na sa sarili ko dahil para bang pinaglalaruan lang nila ang buhay ko.

"Wag kang mag-alala mahal kong kakambal hahaha hindi ka mamamatay..yun ay kung susunod ka sa lahat ng sasabihin ko."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Simple lang naman manahimik ka at wag na wag kanang mangingialam sa lahat ng gagawin ko.. unless gusto mo talagang mamatay hahaha."

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

Gusto niya bang maging sunod-sunuran ako sa kanya?

Pwes kung sa tingin niya natatakot ako nagkakamali siya.

Pero alam ko na kaya niya akong patayin kung hindi ko susundin ang gusto niya ngayon..kaya naman pagbibigyan ko muna siya.

Ngayon lang dahil sa susunod hindi ko na hahayaang masaktan pa ako ng kahit na sino.

Kahit na sarili ko pang kakambal.

"M-masusunod Marissa"

"Mas madali kang kausap kesa sa ka--nevermind basta siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan dahil alam mo na kung anong pwedeng mangyayari sayo"

Pagkatapos niya akong kausapin ay mabilis na akong bumalik sa kwarto ko.

Pagkasarado ko palang ng pinto ng kwarto ko ay napaupo nalang ako sa sahig habang yakap-yakap ang tuhod ko.

Labis akong nandidiri at naawa sa sarili ko.

Mabilis kong hinubad lahat ng suot ko at dumeretso na sa cr.

Hinilod kong masyado ang katawan ko at nagbabad rin ako sa shower ng mahigit ilang oras.

Lumabas lang ako ng banyo ng mapagod na ako sa pag-iyak.

Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin nakita ko kung gaano kamaga ang dalawa kong mata dahil sa labis kong pag-iyak.

Nang matapos akong magbihis ay umupo ako sa kama.

Hawak ko na ngayon ang cellphone na maaaring naglalaman ng liham na sinasabi sa sulat na pinadala sa akin.

Marahan ko itong binuksan at nakitang 13% nalang ang battery nito.

Agad ko itong binuksan at nagpapasalamat ako na hindi niya nilagyan ng password ang cellphone niya.

Tiningnan ko bawat messages sa phone niya pero wala naman akong nakita doon.

Sinusubukan ko ring tingnan ang mga Gallery at videos pero wala talaga.

Mukhang maling cellphone ata ang nakuha ko o talagang pinagtritripan lang ako ng kung sino mang nasa likod nito.

Ipopower-off ko na sana ang cellphone ni Marissa kaya lang naagaw ang pansin ko ang apps na hindi ko pa natitingnan.

Ang wattpad apps.

Pero imposible naman atang---teka!

Ano to?

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now