Pang-apat

54 15 54
                                    

Isang taon ang makalipas...

                      Maris PoV

Hapon na at nililibang ko lang ang sarili ko sa pamamagitan ng  pagbabasa ng libro ng biglang kumatok ang baguhang maids sa kwarto ko.

Si Manang Lorena.

Malawak ko siyang nginitian at napansin kong may hawak siyang sobreng kulay puti.

"Maam Maris may nagpapabigay po sa inyo"

"Para sa akin?kanino daw po galing?"

"Pasensya na po maam hindi ko na po natanong ang pangalan, pagkakuha ko po kasi dito mabilis na po siyang umalis para pong may lakad nagmamadali kasi eh"

"Ah sige po manang salamat"

Pagkabalik ko sa higaan ko ay tiningnan ko kung anong meron sa sobre nato.

Pagkabukas ko ay agad tumambad sa akin ang isang liham na nakasulat sa isang maduming papel.

Agad akong nagtaka at nagulat ng mabasa ko kung anong nakasulat dito.

Maputol man ang aking mga kamay hinding-hindi nila ako mapipigilan.

Gagawin ko itong daan para makawala sa impyernong kinaroonan.

Kaya parang-awa mo na.

Tulungan mo ako.

Tulungan mo ako!

Gusto mong malaman kong paano?

Bakit hindi mo subukang basahin ang sulat na iniwan ko sayo.

Bilisan mo!

Dahil baka mahuli na ang lahat.

Hihintayin kita.

Ipinapangako ko yan.

                       Liham mula sa iyong----,
                                

Anong ibig sabihin nito?

Kanino ito nanggaling?

At anong liham?

Saan ko ito natatagpuan?

Nalilito ako!

Sino ang nasa likod ng liham na ito?

Tiningnan kong muli ang sobre, nagbabakasakali na mayroon akong makitang pangalan ngunit wala talagang nakalagay.

Mga ilang beses ko ring binasa ang nakasulat sa papel.

Pero nagdaan ang ilang oras tinapon ko nalang ito.

Malamang kagagawan na naman to ni Marissa para guluhin ako.

Nakakalungkot lang isipin dahil simula nung mangyari ang pag-aaway namin dati ay hindi niya na ako trinato pa ng Tama.

Ilang beses akong humingi sa kanya ng tawad kahit wala naman akong kasalanan sa kanya.

Pero hindi ko alam kung bakit nag-iba na talaga siya.

Kung tingnan niya ko ngayon para bang nandidiri at naiirita ito sa akin.

Sa isang taon na pagkausap ko sa kanya madalas niya akong sigawan o pagbuhatan ng kamay.

Naalala ko pa kung paano niya ako iuntog ang ulo ko sa pader.

Dinala ako ng mga maids sa hospital.

Pagkagising ko nalaman ko na pinalabas ni Marissa na nahulog lang ako sa hagdan at aksidente lang ang lahat.

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now