Pang-siyam

46 12 67
                                    

Catarina's PoV

"Ah yes babe see yah tommorow"malaki ang ngiti sa labi ko ng tumawag sa akin si Jerome para ipaalam na sa wakas ipapakilala nya na ako sa pamilya nya bukas.

Sa wakas.

Pero naistorbo ang pagsasaya ko ng makita ang pangalan ni Josh na tumatawag sa cellphone ko.

Tsk istorbo.

"Ano yu-"

"C-catarina n-nakita k-kita!"

"Chill Josh what's the matter?duhh alam ko na maganda ako pero pati ba naman ikaw nahumaling narin sak---"

"M-makinig ka Catarina! nakita kita... nakita ko ang m-mukha mo!"

"So what?lagi mo namang nakikita ang mukha ko hahhah--"

"Wag kang tanga Cata---"

"How dare you para sabihan akong tang--"

"N-nakita k-kita kanina sa labas ng bahay ko.. nakita ko mismo ang mukha mo na gamit ng ibang--Tooot"

Inis kong pinatay ang tawag ni Josh dahil puro kalokohan lang ang pinagsasabi nya sa akin.

Bwesit nayun ah sinabihan pa akong tanga.

Alam ko na lulong na naman yun sa droga ngayon na paborito nyang gawin kaya kung ano-ano nalang ang pinagsasabi sa akin.

Nakaligo na ako at lahat-lahat pero paulit-ulit parin sa utak ko ang sinabi ni Josh sa akin kanina.

"N-nakita k-kita kanina sa labas ng bahay ko.. nakita ko mismo ang mukha mo na gamit ng ibang--

"N-nakita k-kita kanina sa labas ng bahay ko.. nakita ko mismo ang mukha mo na gamit ng ibang--

"N-nakita k-kita kanina sa labas ng bahay ko.. nakita ko mismo ang mukha mo na gamit ng ibang--

"Ahhhhhhhhh!!!"

Inis kong dinampot lahat ng mahawakan ko at itinapon ito sa sahig.

No!

Hindi pwedeng magkatotoo ang sinabi ni Josh!

Walang pwedeng gumawa nun dahil walang maglalakas loob na kalabanin ako..Wala!

Nang wala na akong maitapon sa sahig ay inis ko nalang na sinampal at sinabunutan ang sarili ko habang nakaharap sa salamin.

Iniisip ko na si Marissa talaga ang sinasaktan ko.

Medyo naging magaan ng muli ang aking loob ng makita ko ang malalaking pasa sa mukha ni Marissa.

Pero bakit ganun?!

Ako ang makakadama ng sakit!

Pasakit ka talaga sa buhay ko Marissa!

Lumipas ang ilang minuto ay galit kong  binasag sa sahig lahat ng picture ni Marissa na nakalagay sa picture frame.

Walang kwenta!

Nararapat lang talaga na nabubulok kana sa lupa ngayon.

"Hahahaha"

Isusunod ko na sanang itapon ang cellphone ni Marissa pero aksidente kong napindot ang isang apps na nakakuha ng pansin ko.

Isa itong apps na may logo na "W" sa gitna at ng mabasa ko kung anong apps ito ay nalaman ko na ito pala ang naririnig ko sa mga weird at loner sa school na "Wattpad".

Hindi ko alam sa sarili ko pero may nagtutulak sakin na tingnan ito.

Pero wala naman akong ibang makita kung hindi ang mga walang kwentang mga story na naka add sa library.

Napakunot ang noo ko ng wala namang maganda sa apps nato.

Ibaback ko na sana ng aksidente kong mapindot ang gitna nito na may logo ng lapis sa gitna at may lumabas dito.

Si Marissa!

May ginawa syang sarili nyang story.

Nakita ko na may pamagat ito na "How I die"

Pff Baduy!

Nakadraft pa ito at hindi pa napupublish.

Buti naman!

Wala naman kasing magbabasa ng storya nya.

Tanging title lamang ang binasa ko dahil hindi ako katulad ng ibang mga weird na magtitiyagang magbasa ng mga walang kwentang bagay katulad nito.

Lalo na't si Marissa pa ang gumawa.

Tsk.

Inis ko nalang itong binato sa trash can sa kwarto ko at pumunta akong muli sa cr para gamutin ang mga sugat ko na ginawa mismo ng sarili ko kanina.

Hindi nyo ako masisisi dahil tuwing nakikita ko ang mukha ni Marissa minsan na tinakpan mismo ang tunay kong mukha ay talagang nanggagalaiti ako sa galit.

Dahil hindi naman hamak na mas maganda parin ako sa kanya.

Pero..

Hahahaha!

Wala paring makakaangat sa akin.

Walang makakapagpabagsak sa akin.

Tandaan nyo yan!

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now