Labing-apat

44 12 99
                                    

Catarina's PoV

Nandito na ako sa malaking dining table ng mansyon dahil nga kailangan kong magpanggap na totoong Marissa wala akong choice kung hindi ang umakto na mabait at matulungin.

I hate this kind of drama.

Nakakasuka!

Pero hindi ko maalis ang excitement sa itsura ko at talaga namang nagsisipag talaga ako ngayon.

Para bang nawala bigla ang katauhan ni Catarina at sinapian ako ng totoong Marissa.

Nang maayos na ang lahat ng pagkain sa lamesa ay saktong nakarinig na kami ng ingay na nagmumula sa labas ng mansyon, tanda na nandito na sila mom at dad at syempre ang matandang magbibigay sa akin ng malaking mana.

At dahil kailangan ko ngang umakto bilang Marissa kailangan ko padin silang salubungin kasama si Maris na para bang nag-iba ang timpla ng mukha ng makita ako.

Hindi ko yun pinansin dahil abala ako sa pag-aayos sa sarili ko.

Nang makalabas kami ng mansyon ay una kong nakita sila Mom at Dad kaya naman niyakap ko sila,ngunit lumayo rin ako agad dahil hindi ko masikmura na madikitan ang kahit na sino sa kanila.

Ngunit agad ding nawala lahat ng excitement na nararamdaman ko kani-kanina lang ng makita ko ang mukha na nasa harapan ko ngayon.

Para akong nakakita ng multo dahil sa naging reaksiyon ko.

Nakangisi siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Namiss mo ba ang kapatid mo Marissa?"

Hindi ko na maintindihan ang tinatanong nila mom dahil napuno nako ng takot at pangamba.

H-hindi, sino siya?!

Paano niya nakuha ang m-mukha ko?

Anong binabalak niya?

"Oo nga naman Marissa hindi mo ba namiss si Ate Catarina?"

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang tanong sa akin ni Maris at para bang inaabangan niya talaga ang magiging sagot ko.

At mas lalo akong nanigas  sa kinatatayuan ko ng makitang tumakbo palapit si Maris sa taong nagpapanggap na ako para yakapin.

Kilala niya ba kung sino yan?

Hindi kaya..magkasabwat sila dito?

Para ano!

Para maghiganti sa akin?

Pwes! Hindi ako natatakot.

Dahil----

"Ako ba Maris namiss mo ba ako?kasi ako miss na miss talaga kita sobra"

Teka nasisiraan naba ako ng ulo o nagkamali lang ako ng pagkakarinig?

Bakit parang narinig ko bigla ang boses ni Marissa nung binanggit niya ang pangalan ni Maris?

N-no!

Hindi pwedeng siya yan dahil patay na siya...matagal na siyang patay!

Pero namatay nga ba sya?

Nagsasabi ba ng totoo sakin sila Jerome na pinatay na nila si Marissa nung gabing yun o may iba pang nangyari?

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw sa buong mansyon.

Napasigaw ako at pinilit kong tawagin sila mom pero walang sumasagot.

Halos ilang minuto rin akong naglakad sa dilim dahil wala akong dala kahit na cellphone man lang pang-ilaw.

Ngunit agad akong napatigil sa paglalakad ng may bigla akong  mabunggo.

"Sino ka?!"

Bigla akong nainis sa kanya ng hindi siya sumagot.

"Sumagot ka!Sino ka?!Hindi ka magsasalita t---"

Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng bigla niya akong sinipa sa tiyan ng malakas kaya napasalampak ako sa sahig habang namimilipit sa sakit.

At mas lalo akong kinabahan ng may isang tao na naman na pumunta sa harapan ko at pilit tinalian ang buo kong katawan.

"Putang-ina pakawalan niyo ako! Sino ba kayo?Anong kailangan niyo sa akin?Baka nagkakamali lang kayo ako si Marissa mabait akong tao ahhhhh!"

Todo ang pagpupumiglas ko ng bigla niya akong buhatin at ilabas ng mansyon.

Akala ko kung anong gagawin niya, pero iniwan niya lang akong nakasalampak sa gilid ng madilim na kalsada.

Tatanggalin ko na sana ang tali sa katawan ko ng biglang may tumigil na Van sa harapan ko at sapilitan akong ipinasok.

Mabaho ang amoy sa loob at talagang hindi ko makita ang mga mukha ng taong gumagawa sa akin nito.

"Pakawalan niyo ako ngayon din!ano ba arggggg!

Malakas akong napadaing ng sinuntok ako ng katabi ko sa sikmura at talagang namilipit ako sa sakit.

Makawala lang ako dito sisiguraduhin kong mamatay sila sa mismong mga kamay ko.

Nakakalimutan yata nila kung sinong kinakalaban nila.

Napapitlag ako sa kinatatayuan ko ng marinig kong nagsalita ang lalaking sumuntok sa akin kanina.

"Shhhh!malayo layo pa ang lalakbayin natin, kung ako sa matutulog nalang ako hahahaha."

"Saan nyo ba ako dadalhin! pakawalan niyo na ako!pag ako nakawala dito papatayin ko kayo naririnig nyo, papatayin ko kayo!"

"Hahahaha"

Napasigaw nalang ako sa sobrang inis ng tinawanan lang nila ang sinabi ko.

Akala ba nila nakikipagbiruan ako sa kanila bakit sino---

"Kung tinatanong mo kung saan tayo pupunta wag kang mag-alala..magbabakasyon lang tayo."

N-no!

Ang boses na yan hinding-hindi ako pwedeng magkamali.

Bakit parang nauulit lahat ng ginawa namin sa kanya dati---

Hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay dahil sa gamot na pilit ipinaamoy sa akin.







A/N
Anong masasabi nyo guys i want to know your thoughts.

And btw gusto ko sanang gumawa ng Group Chat para sa lahat ng matiyagang nagbabasa ng story ko para nadin makilala natin ang isat-isa at makabuo tayo ng mas malalim na pagkakaibigan.

Ano sa tingin nyo?

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now