Labing-anim

63 11 120
                                    

WARNING!
Read at your own risk.

Jerome PoV

"Bakit ba ang init ng ulo mo bro?nagbabakasyon lang naman pala yung tao eh,malay mo gusto nya talagang mapag-isa kasi sawang-sawa na sya sa pagmumukha mo hahaha"

Masama kong tiningnan si Josh na umiinom ng alak sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa isang sikat na bar sa maynila na pagmamay-ari ng mga magulang ko.

Sabay dapat kaming magbabakasyon ngayong linggo pero nung sinundo ko siya sa mansyon nainis ako dahil maid nalang nila ang kumausap sakin.

Umalis na daw si Catarina mag-isa at pinapasabi daw nito sa akin na tatawagan niya nalang daw ako pero dalawang araw na ang nakakalipas wala pa rin akong natatanggap kahit text.

Wag niya lang talagang subukan na mahuli ko siya na may kasamang ibang lalaki kung hindi malalagot talaga sya sakin.

Wag na wag mong balakin na palitan ako Catarina.

Wag mo akong subukan.

Dahil----

"Bro i need to go naiinip natong chix ko eh at tsaka wag mo namang idamay ang baso sa tampo mo kay Catarina basag na basag na yan oh"

Napatigil bigla ako sa pag-iisip at tiningnan ko ang basong hawak ko ngayon na sinasabi ni Josh.

Nabasag ko na pala ito sa mismong kamay ko ng hindi ko namamalayan, ni hindi ko man lang naramdaman ang sakit kahit na bumaon na ang ilang bubog sa kamay ko at dumudugo na ito ng sobra.

Tumango lang ako kay Josh bago sila tumayo at sinundan ko sila ng kasama niyang babae ng tingin.

Panibagong may mabubuntis na namang panibago ang ugok nayun.

Nang tuluyan na silang nawala sa paningin ko ay nagpatuloy na ako sa pag-iinom.

2:00 na ng madaling araw at nakakaramdam narin ako ng hilo pero hindi parin ako tumitigil sa pag-inom.

Napatigil naman ako bigla ng may umupo sa katabi kong bar stool.

Sisinghalan ko na sana ito dahil ayoko ng may umuupo sa katabi kong upuan kapag hindi ko kilala kaya lang para akong natameme ng makita ko kung gaano kaganda ang hubog ng katawan niya.

Napakabango rin ng pabango nya na para bang nang-aakit kaya lang hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nahihilo na talaga ako pero halata naman na maganda siya dahil talaga namang napakakinis ng balat niya.

Napangisi naman ako ng bigla niyang kinuha ang cellphone niya na nahulog sa sahig dahil nakita ko kung gaano kaikli ang suot niyang dress at nakaramdaman ako ng labis na init sa katawan ng masagi niya ang binti ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinunggaban ko nalang siya bigla ng halik.

Akala ko magagalit siya sakin pero nagulat ako ng lumaban siya sa akin ng halikan pero agad din akong nadismaya ng agad agad din siyang kumalas sa halikan namin.

"Pwede bang wag tayo dito masyado kasing madaming tao"

Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses niya,para bang pamilyar ito sa akin pero hindi ako sigurado dahil nahihilo na talaga ako.

Sumagot na ako sa kanya dahil talagang nang-iinit narin ang katawan ko.

"Sure babe kung yan ang gusto mo"Inalalayan ako ng mga body guard ko hanggang sa makasakay ako sa sarili kong kotse at tumabi naman sa akin ang babaeng kasama ko.

Hindi ko pa alam ang pangalan niya pero sigurado ako na maangkin ko siya ngayong gabi dahil lahat naman ng gusto ko nakukuha ko.

Kahit na umayaw pa sya.

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now