Pang-walo

57 11 53
                                    

Someone's PoV

Maluha-luha kong tiningnan ang babaeng nakatingin ngayon sa akin mula sa bintana.

Sa wakas malapit niya ng malaman ang lahat.

Lahat ng kahayopang nangyari sa akin isang taong mahigit na ang nakakalipas.

Pero nandito parin sakin ang bigat at sakit ng kalooban.

Matutulungan niya na rin ako.

Agad na akong umalis mula sa pwesto ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay malapitan at mayakap ko siya.

Grabe miss ko na sya.

Miss na miss ko na sya.

Hindi naman to mangyayari sa amin kung hindi dahil sa kanila.

Kung hindi dahil sa kanya!

Hayop ka Catarina!

Pati ang pamilya ko sinisira mo narin!

Hindi talaga kita mapapatawad!

Napatigil ako sa pag-iisip ng may tumawag sa akin.

"Marissa"

Agad kong pinunasan ang luha ko at lumingon sa kanya.

"Manang Lorena"

Siya.. siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon buhay pa ako

Siya rin ang dahilan kung bakit hindi ako tuluyang namatay ng gabing iyon.

Flashback

Halos mawalan ng kulay ang buo kong mukha ng simulan na nilang talian ng mahigpit na mahigpit ang buo kong katawan at walang awa akong inilagay sa loob ng kaldero.

Naririnig ko pa ang mga halakhak nila at pagbubunyi.

Mga hayop sila!

Tanging paghagulgol at pagdarasal nalang ang nagagawa ko sa mga oras na ito.

Dahil kahit anong gawin ko ay alam kong wala na akong pag-asa pang makawala pa sa kanila!

Mamamatay na ako!

Bago nila matakpan ang kaldero ay nakita ko ang pagpatay ng kanilang mga ilaw at pagdilim ng buong paligid.

Nararamdaman ko naman na unti unti nang umiinit ang tubig dito sa loob at hindi na rin ako makahinga dahil sa kawalan ng hangin.

Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng mga paputok sa langit tanda na nagsimula na ang bagong taon.

Ngunit ilang sandali pa ay napalitan ng malakas na putok ng baril ang buong paligid.

Nakarinig ako ng malakas na mga sigawan.

Tila ba nagkakagulo sila sa labas.

Habang ako'y unti-unti nang nawawalan ng malay may biglang nagbukas ng takip ng kaldero.

Kahit hinang-hina at nanlalabo ang paningin ko nakita ko siya...nakita ko si Manang.

Nakita ko rin ang mga ilan pang tao na nilalaban sila Josh.

Jusko!

Salamat po.

Dahil hindi nyo ako pinabayaan.

Nang makita niya ang kalagayan ko ay kita sa mukha niya ang labis na pagka-awa.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising akong muli ilang araw matapos nila akong iligtas sa kamay nila Catarina.

Hindi pa bumabalik ang lakas ko at puno parin ng sugat ang buong katawan.

Nakita ko naman ang ngiti ng mga kamag-anak ni Manang na masaya dahil sa wakas natuloy ang matagal na nilang balak na iligtas ako.

Oo sila ang kasama ni Manang na iligtas ako.

Mali ang iniisip ko dati na hindi ako tutulungan ni manang dahil alam ko noong binigyan niya ako ng tinapay at tubig ay may pag-asa pa..may pag-asa pa na tutulungan niya ako.

Siya rin ang nagpakain sa akin kahit nakabitin ako patiwarik sa puno noon.

Hinding-hindi ko rin malilimutan ang malamyos niyang pag-awit sa akin noong gabing iyon.

Maraming salamat manang Lorena.

Utang ko sa inyo ang buhay ko.

End of flashback

Sa loob ng mahigit isang taon na lumipas ay hinanda ko ang sarili.

Ibat-ibang training ang ginawa ko.

Ginawa kong malakas ang katawan at kalooban ko.

Lahat ng pera ko sa bangko ay malaya kong nagagamit dahil hindi naman alam ni Catarina ang password ng atm account ko.

Mas lalo ko pang pinalago ang pera ko para mas lalo akong maging handa.

Ginawa kong makapangyarihan ang sarili ko sa kamay ng batas.

Nagawa ko yun sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga malalaking halaga sa mga nakatataas.

Binigyan ko rin ng malaking halaga sila  manang bilang pasasalamat sa lahat ng tulong na binigay nila sa akin.

Noong una hindi sia pumayag na tanggapin ang ibinibigay ko pero hindi ako tumigil hanggat sa napapayag ko sila.

Parang sya at ang pamilya niya ang naging pangalawa ko nang magulang at pamilya.

Pero hindi ko parin siya malilimutan kahit anong mangyari.

Hindi ko malilimutan ang kakambal ko.

Maris...miss na kita.

Wag kang mag-alala.

Unting oras nalang makakasama na natin ang isat-isa katulad ng dati.

Hindi ko hahayaang maranasan mo ang nangyari sa akin sa kamay nila Catarina.

"Ano nang sunod mong plano Marissa?"

Agad akong napatigil sa pag-aayos ng mga gamit ko dito sa kwarto ko ng marinig ang tanong sa akin ni manang.

Kanina pa kami nakauwi at kailangan niya ulit bumalik sa mansyon kong nasaan si Maris para bantayan parin ang bawat kilos ni Catarina.

"Manang kailangan mo ng masanay na tawagin ako sa pangalan niya"

Nakangisi ko namang kinuha mula sa magarang lalagyan ang mamahaling prosthetic na pinasadya ko pa sa ibang bansa.

Isa itong mukha.

Tinitigan ko itong maigi at sinuri tsaka isinuot.

Magaling..magaling.

Humarap ako kay manang at ipinakita ko ang maigi kong bagong mukha simula ngayon pero pansamantala lang naman hanggat hindi pa natatapos ang mga plano ko.

"Anong masasabi nyo manang?"

Nakita ko ang pagkamangha niya dahil pati boses ni Catarina ay gayang-gaya ko.

"Kamukhang-kamukha mo ang demonyo Mariss--kamukhang kamukha mo na si Catarina"

Humarap ako sa salamin at galit kong kinatitigan ang mukha niya na suot ko.

Humanda ka Catarina.

Humanda kanang maranasan lahat ng naranasan ko.

Dahil ang mismong mukha mo ang magpapabagsak sayo.

Hintayin mo lang.

Hintayin niyo lang!






A/N
Anong masasabi nyo sa pagbabalik ni Marissa guys?

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now