Pangatlo

49 17 17
                                    

Maris PoV

Ala syete ng umaga ng magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Agad naman akong bumaba para magtungo sa kusina.

Alam ko na nandoon narin si Marissa para magluto ng almusalan na paborito nyang gawin.

Gusto rin nyang laging tumulong sa mga maids para maglinis ng buong mansyon at makipagkwentuhan sa mga ito.

Tunay na mabait at mapagmahal talaga ang kakambal ko kaya naman hindi ko kakayanin pag nawala siya sa akin.

Lagi naming inaalagaan ang isat-isa at sa aming dalawa parang siya ang nagsisilbing panganay dahil lagi niya akong tinuturing na nakababatang kapatid niya.

Napangiti naman ako sa sariling naisip.

Grabe na-miss ko talaga ang pagkain namin ng sabay tuwing umaga.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad patungo sa kusina dahil excited na talaga akong makita siya.

"Magandang umaga Mariss----teka, manang?nasaan po si Marissa?"

"Ay ma'am Maris magandang umaga po,umaga na po sya umuwi ma'am."

Ano?

Si Marissa umaga nang umuwi?

"Po?asan daw po sya nanggaling manang?"

"Hindi ko po alam maam Maris,pero may nakita po akong lalaking naghatid sa kanya tsaka mukhang lasing na lasing po si maam Marissa eh."

Hindi!

Ang pagkakaalam ko hindi sya umiinom!

At tsaka may naghatid sa kanyang lalaki?Sino kaya yun?Hindi sya sumasama sa lalaki basta-basta.

Weird!

"Sige salamat po manang sabayan nyo na po akong kumain"

Habang kumakain kami ay hindi parin mawala sa isip ko kung bakit umaga na umuwi si Marissa kanina na lasing na lasing.

Teka?!

May problema pa kaya siya na hindi nya masabi-sabi sa amin kaya sya nagkakaganito.

Napatigil naman ako bigla sa pagkain ng mapansin kong parang may gustong sabihin si manang pero parang nag-aalangan itong sabihin sa akin.

Kaya naman tinanong ko sya.

"Ano po yun manang?"

"H-ha ah eh wala po maam"

"Sabihin nyo na po,may problema po ba?"

"E-h kasi maam Maris,kanina po kasi ako ang nagbukas ng gate para papasukin si ma'am Marissa p-ero..."

Hindi nya matuloy-tuloy ang kanyang sasabihin dahil pansin kong natatakot siya.

"Sabihin nyo na po manang promise ako po ang bahala sa inyo."

Tinaas ko pa ang isa kong kamay tanda na nangangako talaga ako.

Bago siya magsalita ay tumingin muna sya sa paligid at mas lalo syang lumapit sa akin.

"Pero maam nung aalalayan ko na po siya papasok, s-sinampal niya po ako ng malakas."

No!

Kilala ko ang kakambal ko!

Hindi niya magagawang manakit ng kapwa niya kahit kailan!

Ano ba talagang nangyayari sa kanya?!

"Ano?! ginawa po yun si Marissa sayo?!"

"O-opo maam at sinabi niya po sa akin na wala daw akong karapatan na hawakan siya k-kasi maam baka daw po may balak akong kunin ang mukha niya sa kanya."

"K-kuhanin ang mukha niya?"

"Opo ma'am promise po hindi po ako nagsisinungaling,sinabi din po niya na kapag tinangka ko na kuhanin ang mukha niya ay magagaya ako kay Marissa!"

"Teka!Hindi po ba dala ng kalasingan niya kaya kung ano-ano na ang sinasabi nya?"

"Hindi maam eh kilalang kilala ko po si maam Marissa hindi po niya magagawang manakit,pero yung paraan niya ng pagtitig at pagsalita ng masama sa akin para po syang ibang tao ma'am parang si----maam Maris saan po kayo pupunta!"

Pagkatapos kong malaman lahat ng ginawa ni Marissa kay manang ay mas lalong lumakas ang kutob ko.

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at tumakbo na ako patungo sa kwarto ni Marissa at agad ko itong kinatok ng malakas.

"Marissaaa!buksan mo to maguusap-usap tayo! Marissa!"

"Marissaaa buksan mo sabi eh!mag-uus----"

"Bwesit naman Maris oh!ang aga aga putak ka ng putak dyan!ano bang pinuputok ng butchi mo ha?!"

Nagulat ako sa paraan ng pagsigaw niya sa akin.

Galit na galit rin sya sa akin at amoy na amoy ko pa ang alak mula sa katawan niya.

Nang mailibot ko din ang paningin ko sa kwarto niya ay talaga namang napakadumi at napakagulo nito kahit kahapon lamang siya dumating.

Hindi ito ang kakambal na kilala ko.

Hindi ganito si Marissa!

"Ano bang nangyayari sayo Marissa?simula noong dumating ka dito sa bahay kahapon pansin ko na may mali na sa mga kinikilos mo pero hindi ko yun pinapansin,pero ang marinig na pati ang isa sa mga maids ay sinaktan mo ay hindi ko na mapapalampas!"

Akala ko pagkatapos kong sabihin sa kanya lahat ng kamalian niya ay magiguilty siya.

Pero hindi!

Sa halip ay pinagtaasan niya pa ako ng kilay at malditang pasyang tumingin sa akin.

"Bakit ano bang pakialam mo?Kahit magbago ang ugali ko,kahit manakit ako,kahit gawin ko lahat ng gusto ko,wala kang pakialam!Alam mo kung bakit?!kasi kakambal lang kita!kasi si Maris kalang na loner at nerd naiintindihan mo?wala kang karapatan na pakialaman ang buhay ko!"

Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil labis akong nasaktan sa mga sinabi niya sa akin.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Masyado kang pakialamera! pwede ba umalis kana sa kwarto ko at wag mo na akong guluhin pa! stupid!"

Boghs!

Mas lalo akong napaiyak ng malakas niya akong sinaraduhan ng pinto.

Hindi ko inaakala na sa mismong kakambal ko maririnig ang mga masasakit na salita na iyan.

Para bang nadurog ang puso ko sa mga sinabi niya.

Ang dating nagtatanggol at nagmamahal sa akin ay nawala lang sa isang iglap.

Bakit?

Ano ba talagang nangyayari sayo Marissa?

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now