Pang-sampo

45 15 65
                                    

Maris PoV

Andito lang ako sa pintuan ng kwarto ko naghihintay na baka pumunta ulit  si manang Lorena para buksan ang pintuan.

Balak kong pumunta sa kwarto ni Marissa at kunin ang cellphone niya ng palihim para tingnan kong nandoon ba talaga ang liham na sinasabi sa sulat.

Pero ilang oras na wala parin si manang Lorena marahil ay maraming mata ang nakamasid sa kanya sa labas.

Nangalay ako kakaupo kaya naman naisipan kong pumunta sa may bintana.

Akala ko makikita kong muli ang taong nakita ko dating nakatingin sa akin pero wala sya.

Kung hindi ako nagkakamali marahil sya talaga ang nasa likod ng lahat ng ito.

Pero paano ko siya matutulungan?

Kung pati ang sarili ko eh hindi ko magawang mapalaya sa impyernong kwartong ito.

Sinusubukan kong buksan ang bintana ng kwarto ko at sinilip kong gaano kataas ang silid ko mula sa baba.

Nasa pangatlong palapag ang kwarto ko at talaga namang napakataas nito.

Maaari akong masugatan o mabalian ng buto pag tinangka kong tumalon mula dito papunta sa baba.

Mga ilang oras ang lumipas natagpuan ko na naman ang sarili ko na binabasa ang mga liham.

Kung humihingi ng tulong ang taong nasa liham maaaring konektado sya sa akin.

Pero wala naman akong ibang taong kilala na maaaring malagay sa panganib dahil bukod sa pamilya ko wala naman akong mga kaibigan.

Pero teka!

Si Ate Catarina!

Sya lang ang tanging alam ko na malayo dito na maaaring malagay sa panganib.

Aaminin ko na masama talaga ang ugali niya sa akin at sa iba.

Pero hindi eh nakita ko na syang makipaglaban sa mga kaaway niya sa kalye noong sumugod dito yung isang  grupo ng mga babae dahil inaahas daw ni Catarina ang mga boyfriend nila.

Grabe nakita ko kung paano pinagkakaladkad ni Catarina lahat ng gustong sumampal sa kanya.

Pagkatapos nya sa mga babae noong nakita niya ko, ako naman ang pinagbuntungan niya nun ng galit.

Kinulong niya ko sa banyo niya ng ilang oras at pinagsasampal niya pa ako nun pagkatapos.

Hindi ko magawang magsumbong lahit kanino kahit mismo sa kakambal Kong si Marissa dahil baka sya naman ang saktan ni Catarina nun.

Kaya nanahimik ako kahit labag sa loob ko.

Sya ba?

Sya ba talaga ang nasa panganib?

Malakas akong umiling habang nakakunot ang noo.

Hindi eh, malabo dahil nasa ibang bansa na sya kasama ang mga tunay niyang magulang.

Malamang nasaya nayun doon.

Hindi ako mapakali gusto ko na talagang malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.

Kaya naman itataya ko na ang kaligtasan ko.

Lumapit ako sa bintana ng kwarto ko at binuksan ito.

Hindi naman ako tanga para tumalon basta-basta sa bintana.

Kaya naman para makababa kinuha ko lahat ng kumot na meron sa kwarto ko at pinagdugtong-dugtong ko ito.

Medyo mahaba narin ito at maaari na itong makatulong sakin para makababa.

Alas dose na ng Gabi at tahimik na ang buong paligid.

Mahigpit kong itinali sa bintana ang dulo ng kumot ng matapos ay marahan na akong sumampa sa bintana.

Abot langit ang dasal ko na wag sana akong mahulog.

Nanginginig ang kamay ko habang nakakapit sa kumot at dahan dahan na akong gumalaw para bumaba.

Natigil ako ng nasa dulo na ako ng kumot at medyo mataas pa ang ang babagsakan ko.

Medyo matagal ako bago bumitaw at tinakpan ko agad ang bibig ko ng mapasigaw ako sa lakas ng impact dahil sa pagtalon ko.

Mabuti nalang ay hindi ako nabalian at tanging mga gasgas lang ang natamo ko.

Nang medyo makabawi na ako ng lakas ay marahan na akong naglakad papunta sa malaking pinto ng mansyon.

Pero nadismaya ako ng sarado ito pero hindi parin ako sumuko at pumunta naman ako sa likod ng mansyon.

Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pinto marahil ay gising pa ang ilang maids.

Kailangan kong mag-ingat baka mahuli nila ako.

Grabe para akong magnanakaw sa sarili ko mismong pamamahay.

Ilang minuto lang ay nakarating narin ako sa kwarto ni Marissa at nakahinga rin ako ng maluwag ng bumukas ito ng pinihit ko ang doorknob ng biglang.

"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo Maris?"

Patay!

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now