Labing-siyam

67 7 8
                                    

Catarina's PoV

Catarina...

Catarina..

Mula sa malalim na pagkakatulog ay nagising ang aking diwa ng may marinig akong bumubulong sa tainga ko,pero hindi ko parin iminumulat ang aking mga mata.

Catarina.

Paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan ko habang palakas ito ng palakas.

Catarina

Catarina!

Tuluyan ko nang iminulat ang aking mga mata ng lumakas na itong tuluyan na tila ba mababasag na ang aking pandingig.

Ngunit agad akong napatili ng malaman ko kung nasaan ako nakahiga ngayon.

Kahit madilim at wala akong makita ay alam ko na nasa kabaong ako.

Isang luma at may napakabahong amoy ang mayroon ito kaya naman hindi maiwasang manghina ng sikmura ko.

Agad kong sinipa ang takip ng kabaong para makahinga ako ng malinis na hangin pero dahil nga sa panghihina ng sikmura ay gumapang ako palabas ng kabaong habang sumusuka

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad kong sinipa ang takip ng kabaong para makahinga ako ng malinis na hangin pero dahil nga sa panghihina ng sikmura ay gumapang ako palabas ng kabaong habang sumusuka.

Hindi pa man ako tuluyang natatapos sa pagsuka ng may bigla na lang bumuhos ng napakalapot na likido sa buo kong katawan.

At ng maimulat kong muli ang mata ko ay agaran akong sumigaw sa labis na pandidiri.

D-dugo.

Tinapunan nila ako ng dugo!

Ahhhhh!

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay hindi ko maiwasan na mapasigaw.

"Mga putang-ina nyo lumabas kayo dito!harapin nyo ako!"

Ngunit agad ko ring pinagsisisihan ang ginawa ko ng lumabas mula sa dilim si Marissa at Maris na may dalang baril at parehas na may malaking ngisi sa labi.

Agad ding nabaling ang atensyon ko sa dalawang lalaking walang malay at nakatali ng mahigpit sa upuan.

Kitang kita ko ang tiyan ni Dave na  may malaking grasa at bakas pa sa damit nito ang napakaraming dugo.

Si Jerome naman ay kapansin-pansin ang napakalaking pasa sa mukha na para bang may hinampas na mabigat na bagay dito.

"Jerome!Dave!"

Ngunit kahit anong lakas ng pagtawag  ko sa kanila ay hindi man lang sila nagising o kumibo man lang.

Kaya naman matalim kong tiningnan sila Marissa at Maris.

"Anong ginawa nyo sa kanila?!"

Hindi sila sumagot dahilan para manggalaiti ako lalo sa galit.

Balak ko na sana silang sugurin kaya lang ay agad agad akong bumagsak sa sahig dahil sa lagkit at lapot ng dugo na nasa sahig.

At ng tingnan ko sila Marissa ay kita ko kung paano sila kasaya na nakikita ako sa ganitong sitwasyon.

Madiin kong ikinuyom ang kamao ko at masama paring tumingin sa kanila habang nagpupuyos ng galit.

Pag ako nakatakas dito..magbabayad kayo!

Magbabayad kayo!

Walang sinuman ang may karapatan na gawin ito sa akin.

Napatigil ako sa pagpupuyos sa galit ng may biglaang lumapit sa akin at sapilitan akong ipinasok sa madilim at mabaho na kulungan.

"Pakawalan nyo ako!hindi nyo ba ako kilala?!ako.si.Catarina! naririnig nyo ba ako?! pakawalan nyo ako dito!"

Halos ugain ko ang rehas na bakal dahil sa labis na pagwawala pero wala kahit ni isa man lang ang pumansin sa akin.

Napatigil lang ako sa pagwawala ng biglang bumukas ang tv na nasa may taas na parte ng kulungan na kanina ay hindi ko man lang napansin.

Bumungad sa akin ang sitwasyon sa labas ng kulungan.

Si Marissa na kinakausap na ngayon ang bagong gising na sila Jerome.

Bakas na bakas sa mukha ni Dave ang galit habang nakatingin kay Marissa at si Jerome na parang wala sa sarili at may ibinubulong pa itong pangalan.

"Kung akala nyo katapusan nyo na, wag kayong mag-alala dahil nagsisimula palang ako"

Iyon ang salitang binitawan ni Marissa na syang nagpahagulgol kay Jerome.

At syang nagpagalit lalo kay Dave ng mapanuod na namin ang video na plinay ni Marissa.

N-no.

No!

Josh why?

Bakit mo to nagawa!

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now