Labing-dalawa

51 14 74
                                    

Maris PoV

Mabilis akong tumakbo patungo sa pintuan ng marinig ko ang sinabi ni Marissa kala Josh.

Hindi ko akalain na siya..siya mismo ang gagawa nito sa akin.

Bakit Marissa..bakit?!

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay mahigpit ng hinawakan ni Dave ang braso ko at malakas niya akong sinikmuraan.

Napangiwi ako sa sakit ng suntok niya sakin at nakaramdam ako ng labis na panghihina.

Napahagulgol ako ng sinimulan niyang halikan ang leeg ko ng walang awa.

Ramdam na ramdam ko kung paano maglikot ang dila niya sa katawan ko.

Sumisigaw ako at nagmamakaawa pero hindi..hindi siya tumitigil.

Naririnig ko rin ang mga reklamo nila Josh kung paano nila madaliin si Dave sa kanyang panghahalay sa akin.

At ang malakas na halakhak ni Marissa habang pinapanood ang paghihirap ko.

Jusko!

Wag niyo pong hayaan na mahalay ako ng mga hayop nato.

Tulungan niyo ako.. t-tulungan niyo po ako.

Patuloy lang ako sa paglaban kay Dave para makatakas pero sinikmuraan niya na naman ako dahilan para tuluyan akong manghina at tanging paghagulgol at paghingi ng tulong nalang ang nagagawa ko.

Patuloy lang na naglilikot ang labi ni Dave sa Dibdib ko at mas lalo akong nawalan ng pag-asa ng naramdaman ko na tumungo ang kamay niya para tanggalin ang pangbaba kong kasuotan.

Pero hindi ito tuluyang natuloy ng may biglaang kumatok sa pintuan ng kwarto ni Marissa at lahat sila nataranta maliban kay Marissa na bakas ang galit sa mukha.

Kung sino man ang kumatok nagpapasalamat ako sa kanya.

Sana tulungan niya ako.

Ayoko na dito.

Mas lalong lumakas ang hagulgol ko kaya naman mahigpit na tinakpan ni Dave ang bibig ko.

Habang si Marissa ay sumenyas na manahimik kaming lahat.

Nagtungo rin si Jerome at Josh sa tabi ni Dave at masaya nilang hinipo-hipo ang binti ko.

Catarina's PoV

Tuwang tuwa ako kung paano ko makita ang pagmakaawa at paghingi ng tulong ni Maris.

Hahahaha!

Hindi ko mapigilan na mapahalakhak dahil ano mang oras ay susunod na sya sa kakambal niya.

Parehas lang silang mga walang kwenta na nararapat ng mawala sa mundong to.

Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Maris ng tatanggalin na ni Dave ang pangbaba niya.

Kaya lang ay hindi ito natuloy ng mayroong biglaang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Ahhhh!

Ano ba!

Ang sabi ko ay walang dapat na umabala sa amin!

Inis akong lumakad papunta sa pintuan at matalim kong tiningnan sila Josh at sinenyasan ko silang manahimik.

Malakas kong binuksan ang pinto at pinagsalitaan ko agad ang sino mang walang habas na umistorbo sa amin.

"Manang Lorena kayo na namang matanda kayo?ano na naman bang ginagawa mo dito?diba ang sabi ko.. wag niyong subukan na abalahin kami dahil kung hindi malalagot---"

"Maam Marissa pasensya napo bigla po kasing tumawag ang mommy at daddy niyo pinapasabi na maghanda daw po kayo dahil darating na daw po sila mamaya at may kasama daw po silang mahalagang bisita"

"Ano?!Ang akala ko ba sa isang linggo pa ang uwi nila dahil may bussines trip pa sila sa America?!"

"M-maam biglaan daw po dahil may darating daw po na mahalagang bisit--"

"At sino naman ka kong punyemas na bisita nayan at papatuluyin pa nila dito sa pamamahay ko?!at anong sabi mo? kailangan naming maghanda?bakit reyna ba yang dadating nayan ha?"

"Ma'am hindi ko po sigurado pero ang pagka-kaalam ko po baka ang Grandmother niyo ang kasama nil---"

Si lola? sigurado bayan?

Sa buong buhay ko lagi kong pinapanalangin na sana ako naman ang maging paborito niya.

Pero ang Marissang yun..siya na lang palagi ang tama,siya nalang palagi ang magaling.

Hindi niya man lang ako naituring na parang tunay na apo.

At ngayon na nasa akin na ang katauhan ni Marissa, mararanasan ko narin kong paano ipagmalaki.

Hahaha!

Nararapat ang mga papuri sa akin..sa akin lang at wala ng iba.

Ngunit kailangan kong makasiguro na siya talaga ang pupunta dito dahil hindi ako tiwala kay manang Lorena kahit alam kong kampi siya sa akin.

"Sigurado kaba sa sinasabi mo?si lola pupunta dito?"

"O-opo"

"Sige lumayas kana at ipaghanda niyo ako ng magarbong damit na susuotin ko, dahil siguradong hahanapin ako nun dahil alam kong  na-miss niyang masyado ang paborito niyang apo"

"A-ah maam pinapasabi din po ng magulang niyo na p-pakawalan na si Maris at matuto kayong magpatawad sa isat-isa dahil ayaw daw po nilang malaman ng lola niyo na hindi na kayo magkasundo tulad ng dati dahil baka daw po ma-apektuhan ang mana niyo"

Oo nga pala,paano ko malilimutan ang mana na makukuha ko pagnamatay na ang matandang yun.

Hindi na ako makapaghintay na makuha ito.

Pero parang hindi ko ata kayang makisama sa basurang Maris nayun dahil naiisip ko palang na madidikitan niya ako ay nasusuka na ako.

Ngunit kailangan kong umakto na totoong Marissa para makuha ko ang mana na nararapat talagang sa akin.

"Ang mana ko?a-ah oo sige sabay na kaming bababa ni Maris may, pinag-uusapan pa kasi kami"

Kailangan kong mapatahimik si Maris.

Hindi pwedeng siya ang sumira ng mga pangarap ko.

Hindi ako makakapayag.

"S-sige po maam"

"At tsaka wag na wag mong kalilimutan na ipalinis tong kwarto ko at patahimikin ang mga wala mong kwentang mga kasama."

"O-opo maam"

Nang masigurado kong nakaalis na siya ay sinarado ko na ang pinto pero nagtakha ako ng makitang nakatayo na sa may basurahan ng kwarto ko si Maris habang parang may tinitingnan siya doon.

At si Josh na nasa kama at halatang may iniindang sakit sa mukha at sila Jerome at Dave na nakangisi lang na nakatingin sa akin.

Hindi ko na pinansin ang ginawa ni Maris dahil kailangan ko nang mapatahimik ang bibig niya.

Kailangan ko siyang takutin.

At sinisigurado ko na sa bawat utos ko.. wala siyang magagawa kung hindi ang sumunod sa akin.

Gagawin kitang ulila Maris.

Gagawin kong impyerno ang buhay mo katulad ng ginawa ko sa kakambal mo.

Hahahaha.

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now