Pang-anim

42 13 55
                                    

Maris PoV

Parang-awa nyo na wag nyong gawin to sakin!"

"Please!"

"Mom!"

"Dad!"

"Parang-awa nyo na buksan nyo to!"

Mom bakit?

Bakit nyo to nagawa sa akin?

Matapos ang nangyaring pag-aaway namin ni marissa kagabi ay ikinulong nila ako dito sa aking kwarto bilang kaparusahan.

Si Marissa mismo ang pumilit sa kanila na gawin to sa akin para hindi ko na daw siya masaktan.

10:00 pm na ng gabi pero hindi parin nila ako pinapalabas hindi man lang nila ako binibigyan ng pagkain o tubig.

Para bang hindi na nila ako anak kung ituring.

Ang sakit lang dahil ang dating pamilyang nagpapasaya sa akin ay sya palang gagawa nito sa akin ngayon.

Sa buong buhay ko hindi ko inakala na mangyayari to sa akin, para bang ginawa nilang impyerno ang lugar na ito para pahirapan ako.

Kahit sumasakit na ang lalamunan ko ay hindi pa rin ako tumitigil na sumigaw.

Natigil lang ako ng may marinig akong kaluskos na nanggagaling sa may bintana ng kwarto ko.

Nagulat ako ng bigla itong bumukas.

Agad akong nagtago sa ilalim ng kama ko para hindi nila ako makita.

Maya-maya pa ay may narinig na akong yapak sa sahig.

Napapikit nalang ako dahil sa takot at nananalangin na sana hindi sila Josh ang taong ito o kung sino mang may masamang loob.

Narinig kong tumigil ito sa may mga lagayan ng libro ko at matagal itong nanatili doon.

Nang buksan ko ang mga mata ko ay wala na ito sa kwarto ko.

Ngunit hindi agad ako lumabas dahil baka narito pa ito.

Napansin ko naman na nanginginig na pala ang buo kong katawan dahil sa takot.

Anong pakay ng taong yun?

Sino sya o sila?

Bakit sya pumasok sa kwarto ko?

At paano siya nakadaan sa bintana?

Ang alam ko ay nakalock ito.

Nang masigurado kong ligtas na ay tsaka ako dahan dahang lumabas sa ilalim ng higaang kinatataguan ko.

Kabadong-kabado kong inilibot ang tingin ko at agad kong sinaradong muli ang bukas na bintana.

Agad akong lumundag sa kama ko at nagtaklubong ng kumot.

Naramdaman ko naman na kumukulo narin ang tiyan ko dahil sa gutom.

Nanunuyo narin ang lalamunan ko dahil sa sobrang uhaw.

Para hindi ko na ito maramdaman ay napagdesisyonan ko nalang na itulog ito.

Maya-maya pa ay tuluyan na akong nakatulog habang may mga luha pa sa aking mata.

Nagising bigla ang diwa ko dahil naramdaman ko na binigat ang kanang parte ng kama ko.

Ang pagkaka-alala ko ay nakalock ang pinto!

Napakunot ang nuo ko at agad kong iminulat ang dalawang mata ko at tumambad sa akin ang mukha niya na nakalapit sa mukha ko.

Ahhh!

Agad akong napalayo sa kanya dahil sa gulat.

Si Marissa nandito siya sa kwarto!

At teka?

"Marissa anong ginagawa mo dito?

Imbis na sumagot ay ngumisi lang siya sakin tsaka tumayo para pumunta sa mismong harapan ko.

"Marissa bakit----"

Para akong nanigas sa kama ko ng bigla niya akong sinugod at hinawakan ng mahigpit ang leeg ko.

A-argh!

Pahigpit ng pahigpit ang pagkakasakal niya sa akin at unti-unti na akong nawawalan ng hangin.

Mas lalo akong natakot ng maglabas siya ng kutsilyo sa kanyang bulsa.

Teka?

No!

Please!

Marissa wag mong gawin to sakin.

Mahal moko diba?

Kakambal mo ako!

Dapat hindi mo to ginagawa sa akin.

Pero wala na akong nagawa ng mabilis niya ng ibinaon sa leeg ko ang kutsiyong hawak niya.

Habang nawawalan ako ng hininga ay nga halakhak niya nalang ang tanging naririnig ko.

"Hahahaha nararapat lang yan sa inyo ni Maris----"

Agad akong napabaikwas ng bangon dahil talagang napakasama ng panaginip ko.

Habol ko ang paghinga ko at ramdam ko rin ang pagtagaktak ng pawis sa noo ko.

Akala ko talaga totoo na ang lahat.

Napayakap nalang ako sa unan ko habang humagulhol.

J-jusko.

Wag naman sanang mangyari nsa akin ang panaginip ko.

Ngunit kinabahan akong muli ng may marinig akong kalabog mula sa pinto ng kwarto ko.

Marissa!

No!

Pakiusap wag!

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now