Dalawampu

48 6 15
                                    

A/N:Matagal-tagal rin akong hindi nakapag-update kaya naman alam kong medyo nakalimutan niyo na ang daloy ng kwento kaya naman malaya kayong mag back read.

Na-miss ko talaga ang magbasa ng mga comment niyo sweetheart.

Keep safe guys mwuah!

Dave's PoV

Nagising ako dahil sa kung ano mang gamot ang pinaamoy sa akin.

Ramdam ko ang sakit ng tagiliran ko dahil sa tama ng baril.

Bumungad mula sa aking paningin ang pagmumukha ni Marissa na para bang handang handa ng wakasan ang mga buhay namin.

Kahit kailan talaga ang babaing ito ang syang sumisira sa buhay namin.

Akala niya ba talaga kaya niya kami?

Pwes!nagkakamali siya.

Galit ko siyang tiningnan ng maalala kung muli ang nangyari bago nila ako madala dito.

Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa kapatid ko at nagawa niya yun sa akin.

Agad ring bumungad sa pandingig ko ang malakas na pagwawala ni Catarina  mula sa hindi kalayuan isinisigaw nito na palayain sya.

Binalingan ko ng tingin si Jerome dahil kailangan na naming makatakas sa lugar na ito sa lalong madaling panahon, ngunit nagtaka ako dahil tulala lamang ito at tila may ibinubulong.

Nag obserba pa ako sa paligid at nagtayuan ang balahibo ko sa katawan ng makita ang nakabukas na kabaong hindi kalayuan at mayroong dugo na kumalat sa sahig.

At mas lalo pa akong natigilan ng marealize ko na ang lugar kung nasaan kami ngayon ay ang lugar kung saan namin dati kinulong at pinahirapan si Marissa.

Ang tagong lugar ng Santo.Domingo

Maraming paniniwala na maraming kababalaghan ang nangyayari dito kaya walang nagtangkang pumunta o pumasok man lang.

Ngunit sa tulad namin na hindi naman naniniwala sa mga walang kwentang bagay ay mas ginawa naming kapaki pakinabang ang lugar na ito at ginawa pa naming hide-out.

Sa kaloob-looban ko ay napangisi ako dahil mas mapapabilis panigurado ang pagtakas namin dahil alam na alam ko ang daan palabas sa lugar na ito.

Wala kang pinagbago Marissa!

Isa ka paring tanga at talunan na babae.

"Kung akala nyo katapusan nyo na, wag kayong mag-alala dahil nagsisimula palang ako"

Napatigil ako sa pag paplano kung paano tumakas dahil biglang nagsalita si Marissa at may plinay itong video.

Mas lalo akong nanggagalaiti sa galit ng marinig ko ang sinabi niya dahil wala naman siyang kakayahan na mapabagsak kam—.

Ngunit agad nanigas ang katawan ko ng marinig ang pagmamakaawa ng babae mula sa video at Ito ay ang kapatid ko at si—Josh!

Sinimulan niyang halikan at hubaran ang kapatid ko na siyang nagpakuyom sa dalawa kong kamao.

K-kuya Josh wag po!

Pilit na nagmamakaawa ang kapatid ko pero hindi tumitigil ang hayop na si Josh sa panghahalay sa kanya.

Shhhh wag mong subukan na sumigaw kung hindi malilintikan ka talaga sa akin! naiintindihan mo? kayang kaya kong patayin ang buong pamilya mo!

Putang-ina mo Josh!

Paano mo nagawa sa kapatid ko to!

Akala ko ba kaibigan kita?

P-pero bakit?bakit pati kapatid ko nagawa mong gahasain!

Napakahayop mo!

Hindi ko papalagpasin ang ginawa mo sa kapatid ko.

Ako mismo ang papatay sayo Josh.

Tandaan mo yan!

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now