Labing-pito

50 10 82
                                    

Dave's PoV

Alam mo ba yung pakiramdam na nasa langit?

Yun ang nararamdaman ko ngayon.

Para mas maging mataas pa ang aking marating ay suminghot pa ako ng droga na nasa lamesa.

Langong-lango akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at hinubad lahat ng suot ko.

Hayyy mas magaan sa pakiramdam.

Parang nawala lahat ng putang-inang problema ko sa buhay.

"Dave may naghahanap sayo sa baba gus-jusko Dave anong ginagawa mo?!

Bigla akong napatakbo sa kabinet ko para kumuha ng damit na pantakip sa kahubaran ko ng biglang pumasok ang nanay ko sa loob ng kwarto ng walang paalam.

Dahil sa pagmamadali kong kumuha ng damit ay nakalimutan ko ng itago ang droga na nakakalat sa maliit kong higaan.

Huli na ang lahat dahil nakita na to ng nanay ko.

At nakita ko agad ang galit at pagkagulat niya sa mukha niya.

"Ano to?Nagdodroga ka?kailan pa Dave,kailan pa?!"

Tsk.

Bakit parang umaasta siya ngayon na mabuti ina sa akin.

Kailan ba siya nagkaroon ng pake sa amin?

Ang pagkaka-alala ko simula nung iniwan niya na kami para sumama sya sa bagong lalaki niya eh wala na akong ina.

Siya ang dahilan kung bakit kami naghihirap.

Siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito!

"Ano bang pakialam mo?! lumayas ka nga dito!patay na ang nanay na kilala ko, kaya wag kang umasta-"

Pak!

"Yan ba ang natututunan mo sa mga kaibigan mo ha?yan ba ang itinuturo sayo nila jerome?ang magdroga?ang sirain ang buhay mo?ang-"

"Pwede bang wag mo silang sisihin kung bakit ako nagkakaganito kasi,Kung may dapat mang sisihin ikaw yun.. naririnig mo?ikaw!kasi wala kang kwentang ina!"

"O-oo sabihin na natin na wala akong kwentang ina,bakit may kwenta ka bang anak?wala rin diba!kaya wag kang-"

Nag-init bigla ang ulo ko ng marinig ko kung anong sinabi niya sa akin.

"Anong sabi mo?ako walang kwentang anak?para sabihin ko sayo,simula nung iniwan mo kami ako na..ako na ang nag-alaga sa mga kapatid ko, na dapat ikaw ang gumagawa!"

"Pero bakit sinisira mo ang buhay mo?bakit ka nagdodroga?alam mo bang masama-"

"At ano isusumbong mo ako sa tatay kong pulis na isa rin namang gago?"

"Oo!para matigil na yang ginagawa mong kahibangan-argg b-bitawan mo a-ako"

Nagpintig bigla ang tenga ko ng marinig ko ang sinabi niya kaya naman nandilim ang paningin ko sa kanya.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na sinasakal ko siya ng mahigpit.

"T-tigiil h-hnd-di m-makah-hin-nga!"

Ahhhh!

"Manahimik ka!ayoko ko ng maririnig lahat ng sasabihin mo!"

"A-ako-o h-hind-di k-kah-hing-ga!"

"Wala akong pakialam!ahhh mamatay kana!mamatay kana!"

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero mas diniinan ko pa ang pagsakal sa kanya.

Nakita ko kung paano mag kulay violet ang buo niyang mukha dahil sa kawalan ng hangin.

Mas lalo pa akong ginanahan na sakalin siya dahil pinipilit niya pa talagang manlaban sa akin.

Pero agad ko siyang nabitawan ng makitang hindi na siya gumagalaw.

Nakalabas na rin ang dila niya at nakaluwa rin ang kanyang mata.

Agad akong natauhan

Teka?

A-anong g-ginawa k-ko?

"N-nay..g-gising nay..nayyy!"

Agad akong napahagulgol ng hindi siya sumagot sa akin.

Tanda na patay na siya.

P-pinatay ko ang n-nanay ko!

Clap! Clap! Clap!

Taka ako nang bigla akong makarinig ng palakpak mula sa loob ng kwarto ko.

At ang pagtataka ko naman ay biglang napalitan ng sobrang gulat ng makita ko kung sinong nakatayo sa tapat ng pintuan ng kwarto ko.

"M-marissa?"

nakaramdam ako ng labis na takot ng makita ko siyang ngumisi.

Ngunit hindi yun ang dahilan kung bakit ako natakot..yun ay dahil hawak niya ang nakababata kong kapatid na babae.

At may nakakabit sa katawan niya na bomba.. napakalaking bomba.

"K-uyaaa!"

Tatakbo na sana siya palapit saakin ngunit bigla siyang napatigil ng makita niya ang aming ina na nakahandusay sa sahig at wala ng buhay.

"H-hindi n-nayyy!"

Masama niya akong tiningnan at batid kong alam niya na ako ang pumatay dito.

Nasaktan ako ng makita ko kung paano ako kasuklaman ng kapatid ko.

Ang sakit.

Ang sakit isipin na-

"Hayaan mong tapusin ko ng lahat ng paghihirap mo...Mahal na prinsipe"

Hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari dahil agad akong napabulagta sa sahig ng tamaan ako ng bala sa may tagiliran.

A-at ang hindi ko matanggap ay.

Ang kapatid ko pa ang mismong bumaril sa akin.

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now