Labing-isa

53 14 52
                                    

Maris PoV

"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo Maris?"

Patay!

Si Marissa!

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nakita ko kung gaano kasama ang tingin niya sakin.

Nagulat rin ako sa itsura niya dahil andami niyang pasa sa mukha at katawan.

Teka.

Anong nangyari sa kanya?

Sinasaktan na naman ba sya ni Jerome?

Nagitla ako ng bigla siyang sumigaw sa mismong mukha ko at dinuro-duro pa ako.

"Hindi ka sasagot!ang sabi ko anong ginagawa mo dito?diba pinakulong ko na yang panget mong mukha sa kwarto mo?!

"Anong pinagsasabi mo Marissa?gusto mo talaga akong ikulong sa kwarto ko?para saan?may galit ka ba talaga sakin?ano bang ginawa ko sayo!at tsaka magkamukha tayo, kung sa tingin mo panget ako edi panget ka di-----"

Pak!

Muntik na akong matumba mula sa pagkakatayo ng malakas niya akong sinampal dahil sa galit niya sa sinabi ko.

Sinabi ko yun dahil ko maintindihan ang ginagawa niya sa akin.

Dahil sa kanya matututunan ko narin magsalita ng masama.

Dahil sa kanya nakararanas ako ng hirap.

Dapat tumigil na sya dahil masyado na syang sumusobra.

"Anong sabi mo!how dare you para sabihin mismo sa mukha ko na panget ako!Alam mo ba kung gaano kahirap ang pinagdaan ko makuha lang to?!bawiin mo ang sinabi mo!bawiin mo!

Ahhhh!

"Bitawan mo ako Marissa anong gagawin mo sakin?!"

Sa sobrang gigil niya sakin mabilis niyang hinablot ang maikli kong buhok at kinaladkad ako papasok sa kwarto niya.

Kahit anong pilit kong tanggalin ang kamay niya na nakasabunot sa buhok ko ay hindi ko magawa, masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak at mabilis ang kanyang mga galaw.

Nababaliw kana Marissa!

Hindi na kita kilala!

Nang tuluyan nya na akong naipasok sa kwarto niya,napansin kong napakagulo nito at nakakalat sa sahig ang mga basag na gamit.

Sya ba ang may gawa nito?

Bakit?

Ano ba talagang nangyayari sayo Marissa?

Hindi ka ganito.

Hindi ikaw ito.

Arggg!

Malakas akong napadaing ng sumampa siya sa tiyan ko at paulit-ulit nya akong pinagsasampal sa mukha.

"Marissaaa tumigil kana pakiusap!"

Masyadong masakit ang ginagawa niya sakin kaya hindi ko na naiwasang sipain siya ng buong lakas sa tiyan.

Namilipit sya sa sakit at ako naman ay agad tumayo dahil baka mamaya ay saktan niya na naman ako.

Malalim ang paghinga niya at kung tingnan niya ako ngayon ay para niya na akong papatayin.

Sinamantala ko na ang panghihina niya at agad kong inilibot ang tingin ko sa buong kwarto niya.

At sa wakas!

nakita ko narin ang makakasagot sa lahat ng mga tanong ko.

Ang cellphone!

Ang cellphone ni Marissa.

Pero teka... bakit nag-iba na ito?

Hindi na ito ang cellphone niya dati at batid kong bago na ang isang ito.

Nasaan na yung luma?

"Walang hiya kang babae ka para saktan ako!magbabayad ka!"

Hindi ko namalayan na nakabangon na pala si Marissa at hinablot na naman niya ang buhok ko.

"Aray Marissa ano ba?!"

Kinaladkad niya na naman ako at nilampaso ang katawan ko sa sahig.

Malakas akong napadaing ng maramdaman ko ang pagbaon ng ilang bubog sa aking likod.

Maraming mga bubog sa sahig na sa tingin ko ay galing sa salamin at mga picture frame at talaga namang bumabaon ito sa katawan ko.

"HAHAHA!"

Tuwang tuwa naman si Marissa na parang nasisiraan na ng bait habang tinitingnan kung paano ako masaktan dahil sa ginagawa niya.

At mas lalo pa akong nangamba ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Marissa at pumasok sila Jerome kasama sila Dave at Josh.

Jusko!

Sana wala silang gawin masama sa ak---

"Yan naba ang bagong laruan namin Marissa?

Pero nakadama ako ng matinding takot ng marinig ko ang sinabi ni Josh.

At kita mismo ng mga mata ko kung paano nila ako tingnan ng may pagnanasa.

"Masyado na syang nagiging sagabal sa atin.Kaya tulad ng dati gawin nyo na ang gusto nyo, basta ligpitin nyo lang ang mga kalat nyo."

"Ayon!Yan ang gusto ko sayo Cat---Marissa!"

"Hahaha excited na ako mga pare!"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko ng marinig mismonang sinabi ni Marissa kala Josh.

"Marissa"

Bakit?

Bakit sa dami ng tao ikaw pa ang magpapahamak sa akin.

Bakit ikaw pa?

Ikaw pa na kakambal ko.

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now