Dalawampu't-tatlo

44 5 21
                                    

Marissa's PoV

Wala pang halos isang oras ay ibinalita na agad sa amin ng mga tauhan ko na nasa labas na si Josh.

Salamat sa tulong ng sarili kong Helicopter at mas pinadali ang anim na oras na byahe papunta dito sa sa tagong lugar ng Santo.Domingo.

Sabay kaming lumakad palabas ni Maris at walang anumang expression ang makikita sa aming mga mukha ngunit sa loob loob namin ay halos sumabog na kami sa galit.

Nang makita kung muli ang pagmumukha ni Josh ay tila ba kahapon lang nangyari lahat ng kababuyang ginawa nila sa akin.

Hindi maiwasang manginig ng kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngunit agad akong pinanglakasan ng loob ng hawakan ng kakambal kong si Maris ang kamay ko na para bang sinasabi niya na wag akong natakot dahil hindi niya ako pababayaan.

Huminga ako ng malalim at inaalala ko ang mga panahong pinalakas ko ang sarili ko para maging handa ako at oras na para gamitin ko ito.

Hindi pwedeng maging mahina ulit ako.

Hindi pwede.

Pagkatapos alisan ng tali si Josh ay kinaladkad na sya ng mga tauhan ko papasok.

Nagwawala si Josh at galit nitong sinisigawan ang mga tauhan ko na pakawalan siya.

"Pakawalan niyo ako!anong gagawin nyo sakin mga hayop kayo!"

Ngunit pagkapasok palang ni Josh sa loob ay para bang nakakita ito ng multo dahil sa naging reaksiyon niya ng makita ang galit na tingin sa kanya ni Dave.

"D-dave?p-pare—"

"Putang-ina mo!wag na wag mo akong matatawag na pare hayop ka Josh!paano mo nagawang gahasain ang kapatid ko!paano?!"

Nanigas naman sa kinatatayuan niya si Josh at halata sa mukha niya ang labis na kaba.

"A-ano a-ah wala akong alam sa sinasabi mo pare,maniwala ka Dave h-hindi ko magagawang gahasain ang kapatid mo dahil parang kapatid narin ang turing ko sa kanya,si Marissa,oo si Marissa! siya ang may pakana ng lahat ng ito Dave,gusto niya tayong masira gusto—"

Ang pagdadahilan ni Josh ay hindi na natuloy dahil nakawala ng tuluyan si Dave sa kamay ng mga tauhan ko.

Mabilis na pinulot ni Dave ang kutsilyo na nilagay ko kanina sa sahig at walang pakundangan na sinugod niya ng saksak si Josh ngunit agad itong nakaiwas.

Pinakawalan ng mga tauhan ko si Josh at mawala siyang nakaiwas sa mga saksak ni Dave.

"Wag mo akong gawing tanga Josh!dahil ako mismo nakita ko kung paano mo binaboy ang kapatid ko!"

Nang makahanap ng pagkakataon si Dave ay Malakas na sinipa niya si Josh sa Dibdib dahilan para mapabulagta ito sa sahig.

Wala ng sinayang na oras si Dave at agaran niyang dinag-anan si Josh at paulit-ulit na sinuntok sa mukha.

Pilit na nanlaban si Josh kaya naman nagpalitan sila ng suntok dalawa.

"Mamatay kanang hayop ka!mamatay kana!"

Malakas ang sigaw na pinakawalan ni Dave bago niya tuluyang saksakin si Josh sa mismong puso.

Hindi pa siya nakuntento at sinaksak niya rin ang balikat,tiyan,braso,dibdib at lahat ng pwedeng tamaan ng kutsilyo.

Bawat saksak na ginagawa niya sa katawan ni Josh ay tunatalsik ang masagang dugo sa buong mukha at katawan niya.

Hindi na mabilang ang saksak na ginawa niya kay Josh dahil sa nadala na siya ng labis na galit.

Ilang sandali pa ay nanginig na ang katawan ni Josh at naghihingalo na ito.

Ang demonyong si Josh na kanina lang ay masayang nanghahalay ng babae ay wala ng buhay ngayon.

Bigla na nanamang sumagi sa isip ko ang mga kababuyang ginawa sa akin ni Josh dati kaya naman hindi ko na halos mapigilan ang galit na nararamdaman ko at tumayo na ako.

Lumakad ako at kinuha ko ang pinakamatalas at pinakamalaking kutsilyo na hawak ng isa sa mga tauhan ko.

Agad namang hinatak palayo ng mga tauhan ko si Dave sa bangkay ni Josh.

Nang sa wakas ay nadag-anan ko naang walang buhay na si Josh ay mahigpit kong hinawakan ang ulo niya pataas at ginawa ko na ang bagay na kanina ko pa gustong gawin sa kanya pagkakita ko pa lang sa kanya.

Huminga ako ng malamin at ginilitan ko ang leeg niya dahilan para halos humiwalay na ang leeg niya sa kanyang katawan.

At habang ginagawa ko yun ay nakatingin ako sa kanya...nakatingin ako kay Catarina.

At kita ko ang labis na takot sa mukha niya.

Dapat lang talaga syang matakot.

Dahil sa susunod hindi lang ito ang gagawin ko sa kanya.

Ipaparanas ko ang hirap na naranasan ko sa kanya at idodoble ko pa ito.

Wala kanang kawala Catarina.

Wala ka ng kawala sa akin!

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 25, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

My kind of torture (BOOK TWO)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora