Pang-pito

40 12 68
                                    

Dahil sa labis na takot ay agad akong tumakbo patungo sa pintuan para ilock  ito mula dito sa kwarto ko.

Ngunit agad nanigas ang buo kong katawan ng bumukas na ang pinto bago ko pa ito maisara.

"Maris"

"Manang?!"

Agad nawala ang takot ko at napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

"Shhh hindi ako magtatagal ihahatid ko lang tong pagkain para sayo dahil alam kong isang araw ka nang walang kain"

"S-salamat manang"

"Ano bang nangyayari sa mga magulang mo at nagpapaikot sila sa kakambal mong maldita ha?"

Handa ko na sana siyang sagutin pero may narinig kaming yapak patungo rito kaya nagpanic kami pareho.

"Pasensya na talaga Maris kailangan ulit kitang ikulong dito, hindi kapa kasi pinapayagang lumabas o pakainin man lang ng mga magulang mo nagpuslit lang din ako ng pagkain,hayaan mo pag may oras ulit na walang tao rito lalo na ang maldita mong kakambal sasamahan kita"

Gustuhin ko mang makapag-usap at makapagpa-salamat pa sa kanya ay hindi ko na nagawa dahil tuluyan niya ng nasara ang pintuan ng kwarto ko.

Hays.

Para akong bilanggo kung ituring ng pamilya ko.

Magiging ayos pa kaya kaming pamilya?

Magiging masaya pa kaya kami katulad ng dati noong ayos pa kami ni Marissa?

Agad kong pinunasan ang luhang tumutulo sa pisngi ko at pumunta na sa may study table ko dala ang pagkaing dinala sa akin ni Manang Lorena.

Pagkaamoy ko palang sa pagkain ay agad ng nag-alburuto ang tiyan ko kaya naman agad ko ng nilantakan ang pagkaing nasa harapan ko.

Grabe isang araw palang akong hindi kumakain para na akong mamamatay.

Paano pa kaya yung iba na ilang araw ng walang kinakain diba?

May ganun ba?kinakaya ba nila?

Kasi ako parang hindi ko kaya.

Hindi ko alam pero natagpuan ko na naman ang sarili ko na umiiyak.

Habang umiiyak ay napansin kong medyo hindi maayos ang pagkakalagay ng isa kong libro sa bookshelf.

Taka ko itong tiningnan dahil may nakasingit ditong isang pirasong papel.

Ang pagka-kaalam ko ay wala akong nilalagay na kahit ano dyan.

Agad kong tinapos ang pagkain ko at pagkatapos ay pumunta ako sa bookshelf at marahan kong hinugot ang papel na nakasingit sa isa kong libro.

Nang mabasa ko kung ano ang nakasulat dito ay talagang nagtaka ako.

"Cellphone"

Cellphone?

Anong meron dito?

At tsaka ano namang makukuha mula rito?

At bakit dugo ang ginamit na panulat sa papel na ito?

Wala akong sariling cellphone dahil ayoko na ma-involve sa social media.

Humihiram  lang ako ng cellphone kay Mariss---

Si Marissa!

Oo tama!

Si Marissa lang ang taong nahihiraman ko nito.

Ano ba talagang nangyayari?

Naguguluhan ako!

Paano ko ba--

Napatigil ako sa pag-iisip at agad napatakbo sa basurahan ng kwarto ko ng maalala ko ang sulat na nakuha ko rin nung nakaraan.

Agad ko itong kinuha at binasang muli.

Maputol man ang aking mga kamay hinding-hindi nila ako mapipigilan.

Gagawin ko itong daan para makawala sa impyernong kinaroonan.

Kaya parang-awa mo na.

Tulungan mo ako.

Tulungan mo ako!

Gusto mong malaman kong paano?

Bakit hindi mo subukang basahin ang sulat na iniwan ko sayo--

Ang liham!

Nasa cellphone ni Marissa ang liham?!

Sino ang nasa likod ng lahat ng ito?

Agad akong tumakbo patungo sa bintana ko at may nakita akong anino sa hindi kalayuan.

Kahit hindi ko makita ang pagmumukha niya ay ramdam ko na nakatingin din siya sa akin.

Pero mabilis din siyang nawala sa paningin ko.

Siya ba?

Siya ba ang gustong humingi ng tulong mula sakin?

Pero bakit sa dami ng tao ako pa?

Sino ba talaga siya?

At ano ang totoong pakay niya sa akin?

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now