Pangalawa

75 20 52
                                    

                       Maris PoV

"It's a prank Maris!hahaha ang epic talaga ng reaction mo kahit kailan."

Napakunot ang noo ko ng makita ang itsura nyang kinakabahan na tila ba may itinatago.

Hindi ko siya sinagot at tinitigan ko pa sya lalo ng may paghihinala.

Nakita ko naman ang pagkailang niya sa paraan ng aking pagtitig.

"Hindi ka mahilig magbiro Marissa"

At tuluyan syang hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan.

"H-ha ah hehe ano kaba masyado ka namang seryoso Maris,Hindi mo ba ako na-miss?hmp nakakapagtampo ka naman!"

Pagbabago nito sa usapan at umarte  talagang nagtatampo siya.

Hays!

Ano ba itong iniisip ko?

Bakit ko naman tatanungin ang aking kakambal ng ganong mga tanong.

Marahil kaya mayroong pagbabago sa kanyang pananalita at kilos ay dahil sa kanyang pinuntahan kung saan man iyon.

Iintindihin ko na lamang sya.

"Patawad sa aking sinabi Marissa, nagulat lang ako sa iyong mga ikinilos kanina, hindi ko alam na nagbibiro kalang pala."

Mahigpit ko siyang niyakap at ganun rin naman ang ginawa niya sa akin.

Na miss kita Marissa.

"Sobra kitang namiss kakambal ko, pasensya na kong hindi ako nakapag paalam ma---"

Nagpanic ako ng marinig ko ang kanyang pag-iyak kaya pinatahan ko na sya agad.

Ayaw na ayaw naming makikita ang isat-isa na masasaktan.

Kaya nagpangako kami sa isat-isa na darating kami lagi pag kailangan namin ng tulong o makakausap.

"Shhh tama na alam ko na ang dahilan mo Marissa, sinabi na sa amin ni ate Catarina na maraming kang problema at gusto mong mapag-isa,sya nga pala maayos ka na ba kakambal ko?"

"A-ah oo maayos na ako,marami akong naging oras para makapag-isip-isip kaya naman medyo nalinawan na ako sa aking mga problema."

"Mabuti naman kung ganun,ikwekwento mo na ba sa akin ang naging bakasyon mo Marissa?"

"Ha?para saan? kailangan ko pa bang sabihin sayo lahat?pagod na kasi ako pwede bang wag nalang"

Nalungkot ang itsura ko ng marinig ko ang sinabi ng kakambal ko.

Marahil ay nagsawa na sya sa pagkwekwento sa akin.

Dahil palagi niya nalang itong ginagawa sa akin.

"Sige Marissa siguro ay sa sunod nalang---"

"Yun naman pala eh,sige babye na maris ha isasarado ko na kasi ang pinto,matutulog na ako."

Hindi niya na ako pinatapos magsalita dahil nagmamadali na syang palabasin ako ng kwarto niya.

Hindi ako tanga para hindi iyon mahalata.

Kaya naman nagpilit lang ako ng ngiti sa kanya at lumabas na ng kanyang kwarto.

At narinig ko naman ang malakas na pagsarado ng pinto niya.

"Maris wait!"

Pero maya maya lang bago ako makalayo ay narinig ko syang tinatawag ang pangalan ko.

Pagkaharap ko palang ay sinalubong niya ako ng napakahigpit na yakap na syang ikinagulat ko.

"Nakalimutan kong sabihin na namiss din kitang masyado,wag na wag mong kalilimutan na mahal na mahal kita Maris,mahal na mahal kita kakambal ko."

Hindi ko na pinansin lahat ng gumugulo sa isip ko at sa halip ay napangiti nalang ako.

Sa wakas.

Bumalik na rin si Marissa.

Bumalik na rin ang kakambal ko.

                Catarina's PoV

Pagkabalik ko ng kwarto ay diring-diri ako habang pinapaligo sa kamay ko ang alcohol.

Hindi ko akalain na masasabi ko yun sa bwesit na Maris na yun para lang hindi niya na ako paghinalaan.

Argggg!

Nakakadiri!

Nakakasigurado naman ako na gumana ang ginawa ko.

Parehas sila ni Marissa na walang utak at madaling maniwala.

Wag niya lang talagang  babalakin na humadlang sa mga plano ko at baka magaya lang  siya kay Marissa.

Hahahaha!

Arggg!

Pakiramdam ko talaga ay nandumi ako sa ginawa kong pagyakap kay Maris.

Dahil sa aking nararamdamang pandidiri ay agad na akong naligo.

Nang sa wakas ay nalinis ko na ang aking katawan ay masaya na ulit akong  tumingin sa salamin.

Napakaganda talaga ng aking mukha.

Pagkatapos kong ayusan ang sarili sa salamin ay tumayo na ako.

Hinalungkat ko ang mga gamit ni Marissa sa kanyang kwarto at nakita ko na ang kanina ko pang hinahanap.

Ang kanyang charger.

Nakangisi kong inilabas sa aking bulsa ang cellphone ni Marissa na nakuha ko sa kanya.

Agad ko itong chinarge at iniwan sa ibabaw ng study table.

Maya-maya lang ay natagpuan ko na ang sarili ko sa isang sikat na club dito sa manila.

Hindi pa man ako nakakapasok ay talaga namang titig na titig na sa akin ang mga kalalakihan.

Nang makapasok ako ay ganun parin ang tingin sa akin ng mga kalalakihan.

Mga tila naglalaway sa aking kagandahang taglay.

Napangisi ako at sinadyang kong inihulog sa sahig ang susi ng aking sasakyan.

Bawat kilos ko ay sinusundan nila ng tingin.

Kaya naman dahan dahan kong kinuha ang susi sa sahig at nakita ko ang pagtingin ng lahat sa aking makinis na binti.

Dahil sa sobrang hapit at iksi ng aking suot na silver sequined backless ay talaga namang naglalaway sa akin ang mga kalalakihan dito sa club.

Napalingon ako ng may biglang humawak sa baywang ko pababa sa pwetan ko.

Handa ko na sana syang singhalan pero ng makita ko kung gaano siya kagwapo ay agad ko siyang nginitian ng pagkatamis-tamis.

Halata sa porma at kutis ng lalaki kung gaano ito kayaman.

At syempre halata rin sa mukha na babaero ito.

Pero wala akong pakialam!

Nandito ako para magsaya.

"Hi babe,I'm Marissa"

Malandi ko siyang hinawakan sa braso at dumeretso kami sa dance floor.

Salamat Marissa.

Hahaha!

Nang dahil sayo nakuha ko narin ang atensyon na matagal ko nang gustong-gustong makuha.

Hinding hindi ko na hahayaang mawala ito sa akin.

Walang maaaring bumangga sa akin.

Walang pwedeng kumalaban kay Catarina.

Tandaan nyo yan!

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now