Pang-lima

47 12 24
                                    

Maris PoV

Ang galit na pagtingin nila kala Jerome ay agad na lumipat sa akin.

Nagtaka ako kung paano ako tingnan ni Mom.

Galit ito na may halong pagkadismasya.

Lalo akong napaatras ng mabilis nya akong sinugod at sinampal sa magkabilaang pisngi.

Pak!

Pak!

Naguguluhan akong tumingin sa kanya habang hawak ko ang pisnging sinampal niya ng malakas.

"Mom bakit an-----"

"Ganito naba talaga kasama ang ugali mo Maris?!Noong una hindi ako naniniwala sa mga sinusumbong sa akin ng kakambal mo,na nag-iba ang ugali mo at lagi mo syang sinasaktan----"

No!

Hindi yan totoo!

"Mom hindi po yan totoo sya----"

Pak!

Halos mapaupo ako sa sahig ng malakas ulit akong sinampal ni mom.

Buti nalang ay naalalayan ako ni Dad sa likod

Kitang-kita ko naman kung gaano kasaya sila Josh sa gilid habang pinapanood nila akong sisihin sa hindi ko naman ginawang na kasalanan.

"Bastos ka ngang talaga hindi mo man lang ako pinapatapos magsalita tapos sinisigawan mo pa ako?!Bakit Maris?Anong nangyari sayo?Bakit pati kakambal mo kinaiinggitan mo?Simula ng bumalik sya dito galing bakasyon kaliwat kanan na ang sumbong niya sakin na hindi mo sya trinatrato ng tama at lagi mo syang pinagbubuhatan ng kamay,"

Sasampalin na naman sana ako ni mom pero pinigilan agad siya ni Dad.

"Lucille tama na yan wag mong saktan ang bata!"

"Hindi Greg sumusobra nayang anak mo!akala ko ba mahal na mahal mo ang kakambal mo pero bakit umabot na sa puntong kaya mo syang ipahiya ng ganito sa hanap ng boyfriend at kaibigan niya?"ha bakit?sumagot ka?!"

Nalilito ako sa mga sinasabi niya!

Binabaligtad ni Marissa ang lahat!

"M-mom promise wala po akong ginagawang masama sa katunayan siya po ang nananakit sa akin at---"

Wala na ba talaga akong karapatang ipaliwanag man ang nasa loob ko?

Bakit ganto!

Bakit ako ang nasisisi!

"Sinungaling!anak ba talaga kita?nasaan na ang mahinhin at mahiyain na Maris na kilala ko?Wag kanang magkaila pa dahil nakita mismo ng dalawa kong mata kung paano mo sinampal ng malakas si Marissa! Siguro pinahubad mo siya sa harap ng mga kaibigan ni Jerome kasi totoo talaga ang sinasabi ni Marissa sa akin na kinaiinggitan mo siya at nilalandi mo lahat ng lalaking nilalapitan siya!"

"Totoo ba yun Maris?"

Nabaling ang tingin ko kay Dad na ngayon ay galit na galit na rin na nakatingin sa akin.

Pati ba naman ikaw Dad maniniwala sa kasinungalingan ni Marissa?

Sa halip na sumagot ay pumasok ako sa loob ng kwarto ni Marissa.

Dahil kahit sabihin ko sa kanila ang totoo lalabas lang na sinungaling ako.

"Saan ka pupunta hindi pa tayo tapos mag-usap!"

Nakita ko siya na umiiyak sa kama niya habang nakasuot na ng Bath robe.

Bakit siya umiiyak?

Diba dapat ako kasi ako yung kinagagalitan ng lahat?

Ganyan na ba talaga siya kagaling magpaikot ng tao?

Hindi na kita kilala Marissa!

Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa magkabilaang balikat at niyugyog ko siya.

"Ano ba talagang gusto mo bakit mo to ginagawa sa akin!"

"W-wala a-akong a-alam s-sa s-sinasabi m-mo"

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya.

Napakagaling niyang umarte na parang takot na takot siya sa akin.

"Tumigil kana Maris sumosubra kana!"

Halos madurog ang puso ko ng si Dad mismo ang tumulak sa akin palayo kay Marissa.

Tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng luha ko at ramdam na ramdam ko ang sakit ng kalooban ko dahil sa nangyayari ngayon.

Ano bang ginawa kong kasalanan?

Bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin?

Napatayo ako bigla ng may bigla akong maalala.

Lumapit ako sa lamesa kung saan nakalagay kanina ang mga droga na ginagamit nila.

Magagamit ko itong----

Hindi!

Nang malapitan ko ang lamesa ay malinis Ito at wala akong makitang kahit na anong nakalagay dito.

Nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko sila mom at dad na abala sa pagpapakalma sa umiiyak na si Marissa.

Habang sila Jerome naman ay sayang-saya pang nakatingin sa akin.

Mga hayop kayo!

Hindi ko na matiis ang pamamalagi dito at mabilis na akong naglakad paalis ng impyernong kwartong ito.

Bago pa ako makaalis ay narinig ko pang may sinabi si Dave sa akin.

"Sinabi ko naman sayo Maris diba, mahirap kaming kalabanin kaya kung ako sayo manahimik ka nalang hahahaha"

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now