Dalawampu't-isa

37 6 10
                                    

Marissa's Pov

Bawat naririnig ko ang pagtutol at paghingi ng tulong ng babaeng nasa video ay tila ba kinakapos ako ng hininga dahil maging ako man ay nalagay narin sa ganyang sitwasyon.

Mas mahirap pa ang pinagdaanan ko sa kamay ng mga demonyong ito.

Kahit ako man ay galit ang naramdaman ng malaman na pati pala kapatid na babae ni Dave na walang kamuwang muwang ay hindi rin pinalagpas ng kababuyan ni Josh.

Tahimik lang sa tabi ko si Maris ngunit halata rin sa mukha niya ang galit at pagkasuklam.

Naramdaman niya atang nakatingin  ako sa kanya,kaya naman humarap siya sa akin.

Tila ba may biglang kumirot sa dibdib ko ng makita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata kaya agaran ko itong pinalis gamit ang aking hinlalaki.

Marahil ay parehas kami ng nararamdaman ngayon.

Parehas kaming nagpipigil ng galit at baka mapatay namin kaagad ang mga demonyong ito.

Ngunit hindi pa pwede dahil kailangan muna nilang maranasan lahat ng hirap na naranasan namin ni Maris.

Dahil yun ang nararapat sa kanila!

Sisiguraduhin kung pagsisihan nilang lahat ang ginawa nila sa amin.

Sisiguraduhin ko yan!

"Pakawalan niyo ako dito!"

"Putang-ina mo Josh! papatayin kita"

"Paano mo to nagawa sa kapatid ko!p-paano.."

Natapos ang video ngunit si Dave ay hindi parin tapos sa pagwawala mula sa upuan kung saan siya ngayon nakatali ng mahigpit.

Hindi siya makapaniwala na magagawa siyang traydorin ng sarili niyang kaibigan.

Ngayon alam niya na ang pakiramdam.. alam niya na ang pakiramdam ng trinatraydor.

Lahat ng mga bantay dito sa loob ay tutok at handa sa maaaring mangyari.

Lahat ng kinuha kung tauhan ay sinigurado kung hindi ako bibiguin.

Ayoko kong pagdaanang muli ang pinagdadaan ko dati sa kamay nila Catarina.

Hindi na ako makakapayag.

"Pakawalan niyo ako!Josh paano mo to nagawa sa akin!"

Mula sa kinatatayuan ko ay sinenyasan ko ang aking mga tauhan na pakawalan si Dave mula sa pagkakatali at hinawakan nila ito ng maigi.

"Putang-ina pakawalan niyo ako!"

Hindi pa rin natitigil ang pagwawala niya dahil sa pagpupuyos ng galit kay Josh, ngunit hindi siya makawala sa kamay ng mga tauhan ko dahil malalaki at malalakas ito.

"Maris sa tingin ko ay oras na para ipunta niyo na dito ang demonyo na malaya pa ring nakakagawa ng kababuyan hanggang sa ngayon..oras na para dalhin na dito si Josh"

Agad umalis si Maris hindi para siya mismo ang kumuha kay Josh kung hindi para tawagan nito ang mga body guards ni Josh na binayaran na namin para sila mismo ang sumuko kay Josh sa amin.

Tig-iisang milyon ang suhol na tinanggap ng sampong body guards.

Kaya naman siguradong maya maya lang ay mapupunta na siya dito sa mga kamay namin ni Maris.

Kita ko rin ang pag-aabang ni Dave kay Josh kaya naman ako na mismo ang naglagay ng kutsilyo sa katapat niyang sahig.

Handa na ako.

Handa na akong makitang mamatay ang isa sa mga demonyo ngayon.

Pero sa susunod sisiguraduhin kong ako na mismo ang papatay sa iba pang natitira lalo na sayo.. Catarina!



A/N: Excited na ba kayo sa mga susunod pang mangyayari?

My kind of torture (BOOK TWO)Where stories live. Discover now