Balitang-balita, isang bakla aba'y nanligaw!Galatea Harmonia De—secret daw muna ang kaniyang apilyedo. Hindi inaasahan ng isang batang tulay na magbabago ang kaniyang buhay nang dumating ang isang Papa Ganda upang sagipin ito. Wala mang perlas, hindi man iniluwal sa matres atleast isinuka ng puso pak!
Sa paglipat sa Sitio Hiyaw Pa roo'y makikilala ang baklang masama kung makatingin pero mukhang may something!
Malalaman kaya ni Galatea ang dahilan nito? Ano kaya ang mangyayari ngayong madalas magkrus ang landas nila ng baklang kulang nalang ay sabunutan s'ya? Magba-bardugulan ba o mauuwi sa something?
Bali-balita, baklang maharot aba'y iba ang hinaharot!
Hindi fafi? Hindi fafa? Kundi chaka! Chaka ang hinaharot——vaklang toh!Alam n'yang sa sarili ang tunay na dugong nananalaytay sa kaniyang mga ugat. Nagmula pa kay Amaya na dumiretso sa mga sanggre na lumipad mula kay Darna at Dyesabelle ang awra. Sideline gamit ang liptint, pageant sa gabi at kung minsan kapag may free time a mag-aabang ng otokong fodji!
Presenting, Xerxes Guevara a.k.a Xaxa na katayo sa inyong harapan at may baong kasabihang, "Huwag isusubo kung iluluwa rin naman, huwag hihiyaw kung nasasarapan, ‘wag mag-inggit. Dahil mahal ang bigas! Huwag isubo kung mainit, huwag hihiyaw kung masarap ang pagkakaluto! Anong iniisip n'yo? Mukhang mas masarap 'yan!”

YOU ARE READING
Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You Mare
Romance[FIN] Sitio Series 1: Balitang-balita, isang bakla, aba'y nanligaw! Galatea Harmonia De-secret daw muna ang kaniyang apilyedo. Hindi inaasahan ng isang batang tulay na magbabago ang buhay nito ng dumating ang kanyang papa Ganda upang sagipin siya...