Chapter 8

1.2K 112 25
                                    

TBIILWYM 8| Hate

"Mag ex kasi sina Xaxa at Denver noong grade eight kaya siguro nagalit sa iyo. Balita nga namin patay na patay pa rin si Xaxa kay Denver pero nilinaw ni Denver na dare lang iyong relationship na nangyari. Iyan ang alam ko ewan ko lang kunv totoo nakichismis lang rin e."

Hanggang ngayon umiikot pa rin sa utak ko ang sinabi ni Alleah—isa sa mga kaklase kong parang bato ang ekspresyon pero may tinatago palang kalokohan. Hindi ako makatulog pabaling-baling sa higaan, malapit ng mag alas dose at hindi pa rin  dinadalaw ng antok.

Aaminin kong nasaktan ako sa mga sinabi ni Xerxes. Sino ba namang hindi? Tawagin niya ba naman akong malandi. Aba hindi pwede 'yon. Oo at napaka insensitive  sa part ko pero wala siyang karapatang bastusin ako at saka hindi naman nito sinabing ex pala noya si Denver. Manghuhula ba ako?

Ibig sabihin bakla rin si Denver?

Ang weird ng ganitong mga tanungan ko. Napangiwi ako sa na isip. Hindi ko ata maimagine na ang seat mates ko'y mag ex pala. Parang ang awkward kaya pala todo iwas si Denver kay Xaxa. Akala ko hindi lang nito feel pero may feelings pa ata.

Pero ano bakit ko ba sila iniisip? Wala akong pake! Edi magsama sila! Baklang 'yon! Nakakainis s'ya! Inis na napabangon ako sa higaan.  Hindi talaga ako makatulog. May pasok pa bukas at sa susunod na araw ay prom na namin.

Binuksan ko ang bintana at nag-iwan ng maliit na siwang upang makita ang mga bituin sa langit. Kung normal na araw lang ito malamang never kong gagawin ang ganito. Baka nga biglang may sumulpot na aswang at basta na lamang akong hablutin sa bintana. Pero hindi aswang ang problema ko mas malala pa sa aswang.

Gusto mo ba si Xerxes? Crush? At bakit sakanya pa?

Napailing ako sa naisip, sus, hinding-hindi ko 'yon magugustuhan malabo pa sa tubig kanal. Isinusumpa ko sa panty ni Aling bebang na noong 90's pa, hinding-hindi ako magkakagusto sakaniya.

I hate him basta ayaw ko sakaniya. Period, tapon susi, nilunok ko na, Darna.

━─━────༺༻────━─━

"Hindi pa rin kayo bati?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Seryoso kong binalatan ang biscuit na kakainin ko. "Lahat kami naninibago pati si Denver iniiwasan mo raw, " napabuntong hininga ako. "Nagsabi siya sa akin kanina. Anyways, malapit na  prom, may gown ka na bang susuotin?" Tanong niya ulit. Napailing ako bilang sagot. Wala ako sa mood para makipagdaldalan kay Shamaine. Siya ang naging kasa-kasama ko ngayong nakaraang araw. Buhat ng ayaw kong makita si Xerxes at Denver, gusto kong mapalayo sa kanila.  "Naku! Dapat sabihin mo na sa papa mo na may prom tayo para bongga ang ipapasuot sa iyo! Naks, boto kitang Queen of the Night." Anito sabay subo ng humburger at inom ng coke.

Umiling ako. "Wala naman akong balak pumunta." Ani ko dahilan para matigilan s'ya. Totoo 'yon, wala talaga akong balak pumunta. At saka anong gagawin ko roon? Manonood? Kakain? Sasayangin ko lang ang ilang oras ng gabi ko sa prom kaya 'wag nalang.

"Seryoso ka? Hindi pwede 'yon! Nakalista na tayong lahat e!" Panghihimutok nito, inilingan ko s'ya.

"Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan."

"Pake ko ba riyan? Basta ako ipupush kong aattend ka ng prom. Trust me like a condom." Sabay kindat nito sa akin kaya napatawa ako. Mukha siyang walang problema laging nakangiti, sana all.
Nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay panay din ang tukso nito sa akin na baka crush ko na daw si
Xerxes kaya sobrang tahimik ko.

"Ako magkakagusto sakanya? Hintayin nating maging perlas ang eiffel tower niyang 'yon bago ko soya magustuhan!" Inis kong sabi.

Napalatak ito at natawa, "perlas? Bakit hindi mo sabihing yung kipay, pepe, vagina? At saka anong  eiffel tower? Baka—” agad kong pinutol kung ano man ang sasabihin nito.

“Ang bunganga mo!” Saway ko dahil nakapalibot lang kami sa mga estudyante na nagre-recess.

"Eh? Totoo naman! Penis at vagina. O gusto mo tagalog like tit----"

Agad kong tinampal ang bastos n'yang bibig. "Kailangan na kitang buhusan ng holy wate at ng maging malinis iyang kaluluwa't bunganga mo!"

"Nyenye! Crush mo si Xaxa!" Sabay takbo papasok sa classroom namin  wala akong nagawa kundi habulin s'ya.

Akala n'ya ah!

"Uy, bakit ka tumigil?" Tanong ko nang mabangga ko ang likod nito tumigil kasi ito sa pagtakbo. Sinenyasan akong tumahimik. "Bakit? Anong nangyayari? Tara na pasok na tayo." Bulong ko, seryoso lang ito na para bang may pinapanood na kung ano sa may gilid ng classroom namin.

Ano bang pinapanood ng gagang ito sa direksyon na 'yon?

"Huwag kang maingay, makichismis tayo." Aniya at mas lumapit pa sa gilid. Doon ko nakita si Xerxes at Denver na nag uusap.

"Hindi ba sinabi ko sayong dare lang 'yon?!" Galit na sigaw ni Denver at namumula na sa galit. "Hindi ako bisexual o bakla! Hindi kita gusto! Alam naman nating lahat na dare lang 'yon 'di ba? At saka Xaxa isang araw lang 'yon! Sineryoso mo naman ata? " Dagdag nito. Tinignan ko si Xerxes nakayuko at tahimik lang. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko sa nakikita. "Nandidiri ako! Bakit ba pinagkakalat mong mag ex tayo at gusto kita?! Hindi mo ba naisip na ayaw ko sayo? Lalaki ako Xaxa! Straight! Hindi kagaya mong baliko! Bakla! Hindi ako pumapatol sa kauri ko! Mandiri ka nga!" Napakuyom ako ng kamao sa sinabi ni Denver. Naguguluhan kung bakit ako nakakaramdam ng inis sakaniya at sa mga sinasabi nito kay Xerxes. Napabuntong hininga ito at tinignan ulit si Xerxes na nakayuko. "At pwede ba Xaxa. Tigilan mo na ako hindi kita gusto. Hindi ako pumapatol sa bakla. Si Teya ang gusto ko siya lang at dahil sayo kung bakit  umiiwas sa akin. Si Teya lang ang gusto ko hindi ikaw. At hinding-hindi pa magiging ikaw." Sabay alis nito tinapik s'ya sa balikat ng kaibigan n'yang naghihintay pala.

Hindi ko alam kung bakit ganito nalulungkot, dismayado, galit at naiinis. Nakayuko pa rin s'ya bakit hindi ito magtaray? Doon naman kaya magaling si Xerxes! Naiinis akong nakikita ko itong kawawa. Naiinis talaga ako.

Ramdam ko ang paghila sa akin ni Shamaine. "Hala Teya, tara na. Nakatingin si Xaxa rito." Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Shamaine inaayang umalis na. Pero huli na, nasa harapan na namin si Xerxes.

Namamaga ang mata nito bakas ang pag-iyak. Tinignan ako mata sa mata. "Nakita mo 'di ba? Masaya ka na? Ikaw ang gusto at hindi ako… Kahit kailan hindi niya ako magugustuhan." Aniya na para bang isinusumbat sa akin ang lahat.
Naramdaman ko ang kapit ni Shamaine, tila ba pinapakalma ako. Tinignan ko lang s'ya at hindi sumagot. "Ikaw ang gusto," tumawa ito ng mapakla. "Alam mo Galatea Harmonia De Pako, I hate you. Simula ng makilala kita wala ng mangyari sa aking maganda. Puro kaguluhan dala mo." Sabay alis nito.

Napangiti ako ng mapait hindi ko alam kunh bakit napakabigat sa damdamin nang sinabi nito damang-dama ko ang bigat. "Xerxes Guevara, I hate you too. "

I really hate you but why the hell I'm hurting... Do I?

﹌﹌﹌
#Hate

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareOnde histórias criam vida. Descubra agora