Chapter 21

1.2K 83 28
                                    

TBIILWYM 21| Accident

"What if may manligaw sayo Teya," napaubo muna ito bago ituloy ang sasabihin. "Hahayaan mo ba?"

Umiling ako, "study first." Mabilis kong sagot, hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ng mga 'to at ako ang napiling guluhin.

Napakamot batok sila, "ay, uptight mo naman! Ako nga kapag nagka boyfriend gusto ko matapang, badboy, matalino, matangkad, gwapo at syempre malaki!" Anito dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Anong malaki? "M-Malaki?" Nautal na sabi ko.

Tumango ito, "oo, malaki. Gusto ko 'yon para masarap!"

"Bastos!" Ani ko.

Nangunot noo s'ya, "ah? Bakit?" Bigla itong natigilan, naisip ang mga sinabing salita kanina pagkuwana'y namula na kakatawa, "Teya anong iniisip mo ah?" Pang-aasar n'ya habang malisyosang nakangiti, "malaki! As in malaki ang puso at masarap as in masarap magmahal!"

Napapahiya naman akong nag-iwas ng tingin, akala ko kasi...

Tawa pa rin ito ng tawa, "parang ang dumi-dumi ata ng iniisip mo Teya! Pero sabi nila masarap pag ganon!" Panggagatong sa biro nito.

"Happy ka?" Kunwari'y napipikon kong sabi, "oh, bakit n'yo pala ako pinuntahan dito? Interviewhin?" Nagtataka kong tanong kina Shamaine at ang mga kasama nito. Abm sila himalang napadpad sa building ng mga stem student.

Ngumiti lang si Shamaine at naupo na sa kabilang row, "basta Teya isulat mo sa papel na 'yan yung ideal boyfriend mo ah?" Anito. "Kukunin ko mamaya," sabay labas at iniwan ang kanyang bag at ng mga kasama n'ya sa room namin.

Eh? Pagsasamahin ba ang stem at abm ngayong araw?

Napatango ako, "baka nga... Baka may absent na namang teacher," usap ko sa sarili. Napatingin ako sa notebook, ano nga ba ang ideal man ko? Ngumisi ako habang dinampot ang ballpen.

1. Kind and respectful. Ayos lang hindi gaanong kagwapuhan basta ba gusto ko s'ya tapos mabait at marespeto.

2. Brave, gusto ko tuwing natatakot ako yayakapin n'ya ako ng mahigpit too feel that I'm secured with him.

3. He should buy me lunch magandang maging practical though hindi naman lagi dapat may pagkakataaong dapat pera ko ang gagamitin. Be independent.

4. Simple, walang arte.

5. Basta, wala na akong maisip. Kapag nahulog ka sa tao wala ka namang magagawa.

Napatango-tango ako, tama naman. Kahit anong pilit mong ipagtulakan ang ng ideal things mo sa isang lalaki kapag nahulog ka, wala nahulog ka na talaga.

"Hoy, ano 'yan?" Napapitlag ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko, "oh? Tingin-tingin mo? Gusto mo? Luh, asa ka!" Panggagaya nito sa isang video sa tiktok. Inikutan ko s'ya ng mata, bakit nandito siya? "Anong klaseng tingin 'yan Chaka bella? Kaka offend ah!" Pabiro n'ya akong sinampal, mahina at marahan lang.

"Bakit kayo nandito sa classroom namin?" Nagtataka kong tanong.

Nangunot ang noo n'ya, "bakit bawal?" Mataray n'yang tanong pabalik. Tama bang sagutin ang tanong ko ng isa pang tanong? "K. Joke, absent teacher namin sa gen math, seat in muna kami. Inferness gwapo nung teacher n'yo." At napalakpak pa, "kaya siguro ginaganahan ka mag-aral."

Umiling ako, itinuon ang pansin sa notebook. "Hindi ah."

"Oo nga pala study first landi later.." Ramdam kong umupo ito sa bakanteng upuan katabi ko, "walang nakaupo rito?"

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now