Chapter 34

746 62 7
                                    

TBIILWYM 34 |Orange colored sky

Nagising ako sa sinag ng araw sa aking kwarto biglang naalala ang nangyari kagabi. Napatayo ako at mabilis na bumaba sa kwarto nangangambang baka wala na naman si papa ganda baka umalis na naman s'ya..

"Oh, anong drama 'yan?" Anito, nakapameywang habang may hawak na sandok. "Mukha kang nagdadabog," pagkuwana'y hinarap n'ya ang kawali at nagluto na.

Nakahinga ako ng maluwag, akala ko umalis na naman s'ya. "Pa, aalis ka ba ngayon?" Tanong ko.

Umiling ito, nasa niluluto pa rin ang atensyon. "Hindi naman namiss ko ang baby girl ko kaya bonding tayo ngayon..." Napangiti ako, napanatag na umakyat sa aking kwarto upang mag-ayos.

Atleast narito na si papa namiss ko s'ya.

Naligo at nag-ayos na ako bakasyon ngayon. Ayos na rin ang mga requirements ko sa Academy na pinasahan ko ng scholarship form. Speaking of scholarship, na sabi na kaya ni Xerxes kina tita? At bakit hindi na s'ya tumawag kagabi? Baka siguro nag enjoy at nakalimutan akong i-text, pero ayos lang. Ang mahalaga ay nag enjoy s'ya.

Nakangiting bumaba ako sa salas sabay dumiretso sa kusina. Nadatnan ko si papa na naghahapag ng almusal. Naghugas ako ng kamay at naupo na sa silya pritong itlog, tuyo, sinangag at para sa sawsawan ay kamatis na may toyo syempre mas kumpleto ang almusal kung may kasama itong sili.

"Oh, kain na!" Aniya, umupo na rin sa silya. Nagsimula na kaming kumain hindi namin magawang magkwentuhan dala na rin siguro ng gutom.

Napatigil ako sa pagnguya ng maalalang dapat kaming mag-usap, "pa.." Tawag ko sakanya, inangat nito ang tingin sa akin. "Bakit nawala ka ng isang linggo? Nag-alala ako ng sobra sayo saan ka natulog? Kumain o nagbanyo? Anong nangyayari, pa?"

Nag-iwas ito ng tingin, bumuntong hininga. "W-Wala naman basta lahat ng ginagawa ko para sayo.." Aniya, bahagya pang nautal. "Lahat gagawin ko para sayo anak gusto kong maranasan mo ang masaganang buhay na para sayo..."

Animo'y isang palaisipang kulang ng isang parte. Hindi ako sumagot, naniniwala kay papa ganda. Dahil sa lahat ng tao nangunguna s'ya sa mga taong lubos kong pinagkakatiwalaan at alam konh hindi 'yon maisisra kagaya ng kay Xerxes. "Ganoon po ba, pa? Basta sana magsabi naman po kayo namiss ko kayo ng sobra. Ang dami ko pong kwento sa inyo!" Parang batang maliit na sabi ko.

Nailing ito, tumawa. "Ano naman ang chika natin ngayon aber?"

Saglit akong kumain at ngumuya, "parang ano pa.... Hmmm parang lalaking-lalaki na si Xerxes mahilig s'yang..."

Nangunot ang noo niya. "Mahilig?" Nanlaki ang mata, "makipag sex?! Nakipag sex ka sakanya?!" Histerikal na sabi nito.

"Papa!" Saway ko, jusmeyo! "Hindi ganoon! Mahilig na s'yang magsuot ng panglalaki at gumalaw na parang lalaki! Hindi sex! Hindi!" Halos pumutok na ang lalamunan ko sa sobrang sigaw, tangina anong sex?! Hanggang halik nga lang kami eh napaka conservative naming dalawa. Minsan nagkakahiyaan pa sinong hahalik.

At anong sex? Hindi 'yan mangyayari, hindi pa ako ready makipag meet and greet sa eiffel tower ni Xerxes!

At isa pa premitial sex is not alright with me kapag ikinasal na ako roon ko ibibigay 'yon. I value my virginity, sex can wait. I will give it to the man I will marry and love in my entire life.

"Ah, ganoon ba? Pasensya na! Tao lang, na shocked lang ako. " Aniya, tumango-tango. "Maganda naman 'yon atleast nababawasan na ng paunti-unti. Sakawala naman akong pake kung malambot s'ya ang mahalaga mahal ka n'ya at aalagaan. Hindi sasaktan," hinawakan ni Papa ang aking kamay. "Dahil ang baby girl ko hindi deserve masaktan."  Napangiti ako, ang swerte ko talaga kay Papa.

━─━────༺༻────━─━

Napagpasiyahan kong puntahan si Xerxes sakanila dinalhan s'ya ng pagkaing niluto namin nina Papa Ganda. Sinigurado ko ring hindi aalis si Papa Ganda, aba dapat lang!

Malapit na ako sa bahay nila Xerxes kahit ilang beses na akong pumunta rito hindi ko maiwasang mamangha. Malaki talaga ang bahay nila, siguro kung susumahin ay mas mayaman pa sila sa mayor dito.

Nakakapagtaka lang na rito sila sa Sitio Hiyaw Pa tumira, not that I don't like it pero nakakapagtaka lang. Naalala ko rin noong ilang beses ikwento ni tito ang mga kaibigan n'ya. Kaibigan n'ya si Ruther Marquez at Luther Marquez madalas ko silang makita sa internet. Kahit may edad na ay gwapo pa rin idagdag pang mayayaman ang mga ito at may asawang magaganda. Natawa nga ako sa isang interview kung nasaan present ang mag-asawang Ruther at Ingrid Marquez, halata kasing kalog ang babae.

"Hello, shawrawt sa mga pipol d'yan sa Sitio Tirik Mata! Ako nga pala 'to si Ingrid na dilig na dilig na!" Mga katagang sinabi ni Mrs. Marquez sa interview halatang taga probinsya rin. Natawa ako ng todo kahit na mayaman ito hindi s'ya nakakalimot sa pinagmulan.

"Oh, nandito ka pala?" Gulat na bungad ni kuya Xenver sa akin,"hala, pasok!" Aniya. Natatawa naman akong pumasok sa loob ng kabahayan nila walang pinagbago. Maganda pa rin. Sa kanilang magkakapatid si kuya Xenver ang close ko dahil na rin sa pagiging maloko nito though nakakausap ko naman si kuya Xenvri kapag may study session kami ni Xerxes lalo noong nagta-take pa kami ng scholarship.

"Nasaan si Xerxes kuya?" Tanong ko, nang nasa salas na. Napakamot batok ito.

"Ayon! Umuwi kanina, knock out hanggang ngayon! Tulog!" Sagot nito, mukha ngang nagkasiyahan sila ng todo nina Rossweisse. "Nakaka proud Teya alam mo yung feeling na makikita mong uuwi galing sa inuman yang kapatid kong malambot dati? Naks, nakaka proud magpapa misa ako mamaya!" Sabay tawa nito ng malakas. "Iba talaga kapag alagang Galatea Harmonia, " sabay kinindatan ako.

Napangiwi ako, wow ah. Pumunta muna kami sa kusina inayos ang mga pagkaing niluto namin ni papa. Buti nalang at medyo marami ang dinala ko dahil naramdaman kong mauuna pang lalamon si kuya Xenver sa tunay kong dinalhan. "O'sya kuya, puntahan ko lang si Xerxes sa kwarto ah?" Sabi ko, tumango ito.

"Buksan mo ang pinto, 'wag n'yong ilo-lock. Naks, sweet naman. Sana all may jowa."  Natawa ako sa kadramahan n'ya.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ni Xerxes dahan-dahan ko itong pinihit. Tumambad ang mahimbing na natutulog na si Xerxes nakadapa pa ito at walang pang itaas. Napangiwi ako ng makitang suot pa nito ang kanyang sapatos.

Inilapag ko sa study table nito ang mga pagkaing dala ko pagkuwana'y nilapitan s'ya. Kumuha ako ng bimbo sa closet at palanggana pupunasan ko lang naman para naman gumaan ang pakiramdam nito. "Ano ba 'yan Xerxes," reklamo ko ng maiharap na ito pero sumiksik naman sa akin. "Paano kita pupunasan n'yan?"  Pinunasan ko ang mukha nito, pababa sa leeg hanggang sa tiyan. Pinasuot s'ya ng manipis na tshirt at hinubad ang sapatos nitong suot.

Para s'yang baby! Nailing ako ng matapos. Hinaplos ko ang buhok n'ya nakasiksik pa rin ito sa akin habang ako'y nakasandal sa headboard ng kama niya pinagmamasdan ko itong matulog. Mahahaba ang pilik mata na rati'y nagiging kapansin-pansin dahil sa maskara nitong noon ay  inaapply palagi, ang matangos n'yang ilong na wala man lang bakas ng pimple, ang labi ng manipis pero mapula na mas lalong pumupula kapag naka lip tint ito. Hindi na rin gaanong mahaba ang buhok n'ya daily na s'yang nagpapa clean cut at syempre lagi n'ya akong kasama sa tuwing nagpapagupit ito.

Nagitla ako ng mapansing bumubuka ang bibig nito tila may sinasabi. Sleep talk? Hindi ko ma gets ang sinasabi niya, kaya pinagwalang bahala ko ito.

Ilang oras ko ring hinahaplos ang buhok nito at malalim talaga ang tulog. Nilibot ko ang tingin sa kwarto n'ya may isang painting na nakasabit doon. Painting ng isang langit na kulay orange at mga malalabong hindi ko ma i-indentify na bagay sa ilalim non. Basta ang alam ko, parang may kakaiba sa painting na 'yon.

﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Orange Colored Sky

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang