Chapter 16

1.2K 97 17
                                    

TBIILWYM 16 | Apart

"Sa tingin ko…. Gusto na kita.." Nakatulala ako sa classroom namin, nakasandal sa bintana habang may sariling monologue.

Napabuntong hininga ako, oo gusto ko nga ata siya… Grabeng reyalidad sana hindi ko nalang na realized… Hindi sana ako nasasaktan ngayon. Grabeng sampal sa akin nung nangyari kahapon. Sinampal ako ng katotohanang gusto ko nga ata siya. Nagpakawala ako ng mas malalim na buntong hininga huwag na sigurong ipush. Kasabay ng pag-amin ko sa sarili siya ring pag-amin ni Xerxes na may gusto siya kay Charentina Odacine.

"Oh, bakit hindi ka sumunod kanina?" Tanong n'ya sa akin, nanatili lang akong tahimik habang yakap ang popcorn. "Sayang napakilala ko sana si Charentina sayo."

Bumuntong hininga ako, as if may balak akong makipagkilala. "Ahh.." Ani ko. Sinong tangang martyr ang ganoon? Kahit crush 'yan masakit pa rin.

Nagpatuloy lang kami sa paglakad pauwi, "nakita mo si Charentina Grace? Ang ganda n'ya noh? Shet." Napalingon ako sakaniya mukha s'yang kinikilig.

Hope everyone masaya...

"Pansin ko nga," pake ko sa Charentina mo baho ng pangalan. "Oo, tunog argentina corn beef, sus, bantot."

Naningkit ang nga mata nito. "May sinasabi ka?" Takang tanong  sa akin, napalakas ang bulong ko. Bilang sagot ay umiling.  Baka jombagin pa ako kapag narinig nitong  nilalait ko veve niya. "Oh, ayon na pala bahay n'yo. Goodbye na kahit scammer ka date mo.."

"Share mo lang?" Wala sa mood kong sabi, oo share n'ya lang. Kanina n'ya pa nga shine-share yung si argentina. Magsama sila, mukha silang corn beef.

"Sungit mo, chakabella. Inaano kita?"

"Wala. Uwi na ako. Thank you pala, isosoli ko nalang yung mga damit na pinahiram mo." Marami rin akong naisuot na damit ngayon ikaw ba naman mag change outfit ng dalawang beses.

"Hindi na, sayo na 'yon. Besides I brought it for you, dzuh." Tumalikod na ito ng malapit na kami sa bakod ng bahay ko, "bye na. Sana nagenjoy ka." Aniya bago tuluyang umalis. Nakatanaw lang ako sa papalayong bulto nito, nag-enjoy naman ako pero sana tuloy-tuloy kung hindi lang umeksena argentina veve mo.

"Oh, " napatingin ako sa nag-abot ng chuckie, inaraw-araw ang pagbili. Walang atubiling tinangap ko ito libre na nga aayaw ka pa? Arte mo naman kung ganoon. "Sorry.." Anito at umupo sa katabi kong silya.

Panay ang sorry n'ya ako nga hindi na dinadamdam yung nangyari kahapon. Wala naman din sa akin 'yon. "Kulit, ayos lang nga." Natatawa kong sabi, "panay sorry mo, unlimited?" Biro ko.

Pero mukhang seryoso talaga ito nakatitig siya sa akin at bigla nalang mamumula at mag-iiwas ng tingin. Para bang nahihiya na ewan. Mukha s'yang natatae na may tinatakasang bumbay. “A-Ahm, yesterday my mom got hospitalized. " Panimula n'yang kwento, "she a-ahm, she got overdosed for drinking too much drug that the doctors prescribed her. A-Ahm, she's suffering from depression that's why, I broke our day.. Yesterday.” Paliwanag niya na agad ko namang naintindihan hindi naman ako ganoon kababaw para magalit kay Zachariah. May dahilan ito at saka  mas magandang inuna n'ya muna ang mama niya kaysa sa sine.

Besides, hindi naman kami magjowa...

Ngumiti ako, “ayos lang 'yon ano ka ba. Mas maganda ngang inuna mo ‘yong mama mo atleast naalagaan mo s'ya mas kailangan ka ngayon.” Payo ko.

Tumango ito. “Yes, don't worry if I'm free babawi ako sayo.” Aniya na agad naming tinawanan pareho.

Abala kaming nagkukwentuhan hanggang sa mapatingin ako sa bintana doon ko nakitang papadaan si Xerxes kasama si Charentina habang masayang naghahampasan.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now