Chapter 37

729 64 3
                                    

TBIILWYM 37| Cold Bars


"Generoso may dalaw ka!" Sigaw ng pulis. Matiyaga akong naghintay sa lamesa. Miss na miss ko na siya. Nanubig ang mga mata ko ng makita si Papa Ganda, walang kolorete sa mukha, pumayat din ito.. "Ilang oras lang ang binibigay para sa mga dalaw." Imporma niya sa akin. Nakaupo na si Papa Ganda, magkaharapan kami.

Bakit? Natatakot ba siya kasi alam ko na? Totoo ba? Lahat ba ng sinabi sa akin ay totoo?

Pinilit kong maging matapang, pinipigilang 'wag umiyak. "P-Pa.." Tawag ko sakanya, halos hindi ito makatingin sa akin. Sadyang nasa mesa lamang ang tingin. Nasasaktan ako. Hindi ko kayang tignan na nakikita s'yang nakayuko na para bang isa s'yang napakasamang tao. Dahil hindi, hindi masamang tao ang Papa Ganda ko. Alam kong may dahilan. "P-Pa.. A-Ayaw mo ba akong kausapin? N-Namiss kita, Pa.. Tapos hinanap kita," kita ko kung paano itong suminghap at ang pamumuo ng mga luha sakanyang mata. "Hindi ba sabi mo walang sikreto sa pagitan natin? Alam mo kami ni Xerxes hindi ko na alam.." Ngumiti ako ng mapait.. "Nakabuntis siya ng iba, Pa. Nakakaumay man sa mga telenovelas pero masakit pala... " Tuluyan na akong naiyak sa harapan niya.

"A-Anak ko.." Mga katagang sinabi niya dahilan kung bakit ako nahagulgol. "Bakit? Punyetang Xerxes 'yan, " mura nito pagkuwana'y nilapitan ako't niyakap. Yung mainit na yakap na nagsasabing, "Nandito lang ako para sayo anak"

"Pa.. Pwede mo bang sabihin? Bakit ka naging drug pusher? Sinet up ka ba?" Hindi ito sumagot, "please naman pa, gagawa ako ng paraan. Ilalabas kita rito, alam kong pinagbintangan ka lang.." Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay, alam ko iyon. Malakas ang kutob ko.

Imbes na sagutin niya ako'y ngumiti ito habang may luha pa rin sa mga mata. "Lahat ng ginagawa ko ay para sayo anak ko.. Hindi ko hahayaang  maagaw ang buhay napara sayo, anak ko.. Mahal na mahal kaya kita, forever baby girl eh.."

Alam kong hindi man niya sabihin ngayon, may panahon pa.

Naglalagay ako ng mga niluto kong pagkain sa bag, dinamihan ko na dahil baka gutom na gutom na si Papa Ganda niyan. Schedule kong bisitahin si Papa Ganda at routine ko na iyon araw-araw. Lagi ko siyang binibisita at lagi akong nakatambay doon bago magtrabaho.

Ng matapos na ang paglalagay ng mga gamit dali-dali kong isinukbit ang back pack at maingat na binitbit ang paper bag na may lamang pagkain. Inilock ko rin ang aming bahay at hindi inaasahang makikita ko roon si Shamaine na naghihintay.

"Teya!" Sigaw nito at umiiyak na lumapit sa akin kaya wala akong nagawa kundi maingat na ibaba ang paper bag. "Sorry! Hindi ko alam!" Iyak nito.

Naguguluhan ko naman s'yang pinagmasdan. Anong sorry? "Bakit?" Ani ko.

"Kasi hindi ba sabi ko irereport ko sayo at ako na mismo ang mananabunot sa mga linta kay Xerxes sa party?" Sa sinabi niya roon naalala ko ang nakalipas. Hindi pa pala ako okay. "I swear Teya, nasa party kami simpleng usap lang ang ginagawa nina Xerxes, Rossweisse, Gremory at Zachariah. Tapos noong lumalim na ang gabi na uuwi na sana si Xerxes ay humirit yung kasama ni Charentina na last shot nalang bago umuwi, syempre si Xerxes 'yon na ayaw tumanggi kaya hinayaan na. Pagkatapos noon ang akala ko umuwi na siya, pero natulog pala sa kwarto ng bahay nina Rossweisse kasama si Charentina..." Naging mababa ang boses nito ng banggitin niya si Charentina.

Napapikit ako, 'yon ba ang nangyari? Aksidente.

Putanginang aksidente.

Umiling ako kay Shamaine, "pinipigilan ko muna ang sarili kong problemahin si Xerxes at ang relasyon namin. Masyado na akong nahihirapan ngayon sa problema namin ni Papa Ganda at napagdesisyonan kong sakanya ako mag focus, at saka na siguro namin pag-uusapan ni Xerxes. " Sagot ko sakanya, aangal pa sana ito ngunit hindi na naituloy.

"Ganoon ba? Sige, saan ka ba pupunta? Samahan na kita ah, miss ko na si Tito!" Anito.

"Ikaw ang bahala.." Sagot ko, nagsimula na kaming maglakad papalabas. Kailangan pa naming mag commute para maging mabilis ang pagpunta roon.

Patuloy lamang kami sa pagkukwentuhan habang naglalakad, iniwasan naming maging topic si Charentina at Xerxes dahil baka masira ang araw ko. Pero sa
kinamalas-malasan nga naman nakasalubong pa namin sa daan si Charentina at ang lima nitong alalay.

Charentina corned beef with friends.

Mapanuyam, mapanghusga, mapagmalaki at iba pang emosyon ang pinapakita nito habang ibinibida ang kanyang baby bump. "Oh, well. Guys," anito sa mga kasamahan at itinuro ako. "The bitch." Aniya. Kung hindi lang 'to buntis ako na mismo ang mamalibag sakaniya. Pinigilan ko ring magsalita si Shamaine at baka ma depress pa 'tong si Charentina at kami pa ang may kasalanan. "Masyado kasing ambisyosa, porket niligawan at naging sila ni Xerxes ay masyadong mataas ang tingin sa sarili. " Natigilan ako, kailan pa tumaas ang tingin ko sa sarili? Imbento ang impaktang 'to. "But well, Xerxes will definitely eliminate her. Because I'm bearing Xerxes child. " Proud na proud pa ito.

Sadya sigurong napatid ang pasensya ko sa bawat pagkikita namin kaya hindi ko na napigilang pagsalitaan siya. "Meganon? Proud nabuntis at the age of 18 ng hindi pa tapos ng pag-aaral at certified malandi starter pack." Rinig ko ang pagpipigil tawa ni Shamaine at ang pagkabigla ng mga kasama ni Charentina. Magsasalita na sana ito pero naunahan ko. "At saka, huwag mo ngang ipagmalaki ang akin. Mind you, it's mine not yours. Keep on dreaming bitch."

Umalis na kami ni Shamaine at hindi na hinayaang makapagsalita pa ang Charentinang 'yon. Mas lalong natawa si Shamaine habang kinukwento kung paano raw pumangit si Charentina ngayong buntis. Ilang oras lang ang ginugol namin sa pagco-commute ay sa wakas na rating na rin namin ang presinto.

Agad kong hinanap ang isang officer para magtanong. Nagkrus ang kilay ko ng madatnan sa visiting table si Papa Ganda kausap ang dalawang may edad ng mag-asawa. Sino sila?

Halatang seryoso ang pag-uusap ng mga ito at kita ko ang paglamlam ng mga mata ni Papa at ang marahan nitong pagngiti. Siguro maganda ang topic nila.

Sinabihan ko muna si Shamaine na hayaan muna ang mga itong mag-usap at hintayin nalang silang matapos. Ilang minuto lang ay napansin ko ang pagtayo ng mga matanda at ngayon ko lang napansin ang abogadong kasama nila. "Tara, lapit na tayo." Ani ko kay Shamaine tumango ito. Naglakad kami papalapit, "Pa.." Tawag ko kay Papa pero pati ang mga bisita nito kanina ay lumingon.

Nagtaka ako ng nanlaki ang mga mata ng matanda, at napataupop. Hindi ko alam kung natakot ba sila o ano? Pinagmasdan nila akong mabuti, at nangilabot ako roon. Para namang isa akong kriminal na ini interrogate.

Tumango ako sakanilang dalawa na lalong nagpa-awang sa mga bibig nito. Pero hindi ko napinansin at nagtuloy-tuloy kay Papa. "Sino sila?" Bulong ko rito.

"Tutulong daw sa atin," napangiti ako. May mga mabubuting loob pa pala ngayon. Magpapasalamat sana ako pero huli na dahil naka alis na ang dalawa. Sayang.


Kung ano man ang intensyon nila sana huwag naming ikapahamak pareho ni Papa Ganda.

﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Cold Bars

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareDove le storie prendono vita. Scoprilo ora