Chapter 13

1.2K 102 50
                                    

TBIILWYM 13 | Missing

Absent si Xerxes..

Ilang linggo na rin siyang absent hindi ko naman mapuntahan sakanila kasi hindi ko rin alam ang address kung saan siya nakatira.Parang noong nakaraan lang ay masaya kaming umuwi at sabay na pumasok nasa kalagitnaan na ng first quarter at saka pa ito lumiban.

"Hindi ka magre-recess?" Tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko, umiling ako at sumandal sa bintana, "oh." Inabot nito ang isang biscuit, "kain na.” Masasabi kong close na close na talaga kami ni Zachariah.

Marami ang nagtatanong kung M.U raw kami, napailing ako. Kalokohan, hindi ah, aaminin kong malakas ang appearance ni Zachariah sa akin idagdag pang parehas kami halos ng hilig, matalino, mahiyain na may pagka loko-loko, ah basta masarap itong kasama. Pero balik tayo bakit nga ba absent si Xerxes? Lokong bakla ano na naman ang pinagdadaanan.

"Na eexcite ako sa movie ng Kimetsu no Yaiba," nginuya nito ang kinakain, "gusto ko panoorin sa sine," binalingan n'ya ako, "nood tayo, libre ko." Ganiyan kami kaclose parang wala ng barrier. Well, gusto ko rin namang sumama, sayang naman. Tumango ako bilang sagot, "nice, chat kita kapag nakabili ako ng ticket. Excited na ako." Anito.

Nagkwentuhan kami na inabot ng ilang oras, pero paminsan-minsan ay lumilipad ang isip ko, si Xerxes ang laman nito.

━─━────༺༻────━─━

Naglalakad na ako ngayon pauwi sa amin kulay kahel na ang kalangitan. Dati rati'y kasama ko siyang umuuwi at naglolokohan pa.

"Hoy, mare. Narinig mo ba yung balita?"

"Anong balita?"

Napatingin ako sakanila mga notorious na chismosa sa sitio. Nakaupo sila sa pahabang upuan sa harap ng tindahan.

"Bigatin pala 'yong mga Guevara! Nakita nila kap Ngudngod may mamahaling kotse raw na nakaparada sa tapat ng bahay nila. May nakita rin silang matandang mayaman na mukhang may galit sa mundo, kinausap daw tatay ni Xaxa."

Doon na ako tuluyang napatigil, sina Xerxes? Iyong lolo ba na 'yon? Iyong tinutukoy nito noong nakaraana… Si tanders.

"Oh tapos? Kaya pala hindi na nagawi si Xaxa mukhang bigatin talaga. Kailan kaya tayo makakautang?"

"Same sis, kahit wan tawsan lang,"

Napangiwi ako, mga tao nga naman. Pero ano ang dahilan kung bakit nagkakaganoon si Xerxes? Inaway ba sila ng Lolo n'ya?  Kilala ko si Xerxes hindi mag-aabsent 'yon kung hindi mabigat ang problema, baka kailangan n'ya ng moral support.

Baka naman bukas okay na s'ya, siguro? Basta kung hindi pa, pupuntahan ko na talaga.

After all we're best of friends...

Kinaumagahan dali-dali akong nag-ayos. "Ang aga mo namang aalis papa," sita ko. May dala itong bag na malaki at pormadong-pormado, "saan punta mo?" Tanong ko.

Ngumiti ito ng malumanay, "naalala mo iyng trabaho na sinasabi ko noong nakaraang araw? Ita-try ko ngayon, oportunidad na 'to baby ko, " hinaplos nito ang buhok ko at inabutan ako ng pera, "baka late akong umuwii kung aalis ka i-lock mo ang pinto at kumain ka sa tamang oras ah? Uuwi rin ako kapag okay naman iyong trabaho, pabrika raw e alam mo naman si papa mo maraming orders noon kaya medyo may thinkerbells kahit papaano." Anito sabay bitbit na ng bag at lumabas, kumaway pa ito sa akin sinuklian ko rin iyon. Bago siya makalayo ay binigyan ko muna ng halik sa pisngi.

Pumasok ako sa bahay at tumunganga. Sabado ngayon. Pupuntahan ko na ba si Xerxes? Baka naman arte niya lang, ang OA kasi ng dating ko kung bigla akong susugod papunta sa kanila.  Baka akalain nitong nagkakagusto ako sa kanya.. Napailing ako, hinding-hindi mangyayari 'yon!

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now