Chapter 36

729 61 1
                                    

TBIILWYM 36| The Heartless and the Beggar


"When unknown mistakes destroy everything.."

Hindi ko alam kung paano kakalma, ano bang mali? Bakit? Hindi ko magawang magsalita, gusto kong humagulgol at umalis na pero ano bang ginagawa ko? Ngumingiti habang nakatingin sa kanila.

Kahit explanation lang, 'yon lang. Ipaintindi mo sa akin dahil nasasaktan na ako.

"Where are you going?" Tanong ng Don sa kambal, hindi na kasi nila ipinagpatuloy ang pagkain. Maging si Tita ay tahimik na umalis, tanging si Xerxes at Tito lamang ang natitira sa hapag kainan kasama ang Don at pamilya ni Charentina.

"Busog na kami Lo, " walang emosyong sabi ni Kuya Xenver. "Wala na rin akong ganang kumain, putangina." Anito pagkuwana'y tumalikod.

Nagsalubong ang paningin namin, malungkot s'yang ngumiti. Sinenyasan n'ya akong lapitan s'ya, tumango ako. Tangina, ang sakit eh.

Sabay kaming tatlong umalis sa hapagkainan, pumunta sa garden doon nakita si Tita na naiiyak.. "Galatea iha," anito at sinalubong ako ng yakap. Hindi ko na napigilang maiyak, hindi ko inaasahang ganito. "I-I'm sorry iha, hindi namin alam... Wala kaming alam, " umiling ako, umiiyak pa rin. Isinubsob ko ang aking mukha sakanyang balikat.

Totoo ba 'to? Panaginip lang ba? Prank? Hindi nakakatawa, ang sakit.

"I will punch his face, don't worry.." Dinig kong sabi ni Kuya Xenvri, ramdam ko ang galit sa boses nito..

"B..Bakit k..kaya?” Natawa ako ng mahina. “P-Paliwanag lang ang gusto ko m-marinig," pumiyok ako, hindi alam kung paano tatahan.."E-Explanation lang.. P-Paano? B-Bakit? H-Hindi ko kasi a-alam saan m-mangangapa..." Umiiyak kong sabi, nagiyakan kami nila Tita. "U-Uuwi na p-po ako, g-gusto ko nang u-umuwi," mga salitang lumabas sa aking bibig.. "G-Gusto ko ng umuwi," pilit kong pinipigilan ang pag-iyak, inalis ang mukha sa balikat ni Tita.. Umiiyak din ito, hindi magkamayaw sa pag-iling. Pinilit kong tumayo at magpaalam sakaniya. "T-Tita.. Salamat po sa pagkain, mauuna na po ako." Ani ko at kinuha ang bag pagkuwana'y umalis.

Rinig ko pa ang pag-ayaw nito pero wala na rin nagawa kundi ihatid ako palabas. Gusto pa nga sana nina Kuya Xenver at Xenvri na ihatid ako pero nagmaakaawa akong huwag muna..

Hayaan n'yo lang muna akong mag-isa.. Masyadong akong nabigla sa lahat.

Natatawa ako habang lumalakad na pauwi, hindi alintana ang lamig ng gabi.  Paano nangyari? Gusto kong mag-wala, gusto kong sugurin si Charentina. Gusto ko s'yang ipahiya at saktan pero para saan pa? Para saan pa at gagawin ko 'yon eh nangyari na ang lahat?

Kasabay ng madilim na gabi at malamig na simoy ng hangin ang pagpatak ng bawat luha ko. Hindi ko na alam sinong tatakbuhan, wala si Papa ganda... A-Akala ko si Xerxes ang magiging sandalan ko habang iniisip si Papa Ganda, akala ko kasi kakampi ko siya. Masyado akong naging komportable at dependent sakanya, natawa ako. "A-Ang tanga mo Galatea..."

Sa bawat hakbang ko'y patindi na ng patindi ang sakit, palakas na ng palakas ang hagulgol. Nag-iisa ako ngayon, walang kasama.

Bakit ang bilis naman yata? May nagawa ba akong mali?

"Don't cry, everything will be alright.." Napatingala ako sa nagsalita, mula sa pagkatayo nito'y lumuhod s'ya para mapantayan ako."Please," pakiusap n'ya. Wala akong nagawa kundi ngumawa, umiyak.. Kahit nga ata sipon ay nagsisituluan na sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Na para bang sa pamamagitan ng yakap na iyon ay maiibsan ang sakit at kaguluhang nararamdaman ko.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now