Chapter 17

1K 92 38
                                    

TBIILWYM 17 | Invited


                 
“Sabay na tayo… Kanina pa kita hinahanap..” Ani ng isang boses na nakapagpalingon sa akin.

Akala ko umuwi na s'ya? Bakit s'ya nandito?

“B-Bakit?” Nauutal kong sabi pagkuwana'y pinunasan ang mga luhang nakatakas sa aking mata.

“Wala ka kasing kasabay,” bumuntong hininga ito at kinuha ang bag ko. Siya na ang nagbitbit, “at saka gabi na. Baka mapano ka pa sa daan.” Kagat nito anf pang-ibabang labi

Kahit wala ako sa mood pinilit ko pa ring suklian siya ng ngiti. “Salamat, Zachariah..”

“Akalain mo 'yon Galatea Harmonia De Pako is a crybaby, iyakin ka pala?” Biro nito, inirapan ko ito, hindi ako iyakin pero kay Xerxes lang ako naiiyak dahil lang sa mababaw na dahilan, “lets go. Ako na maghahatid sayo… Let's eat fishball. Libre ko,” aniya at hinawakan ang magkabila kong balikat habang tinutulak ng marahan..

Sa lahat pa ng tao si Zachariah ang hindi ko inaasahan.

━─━────༺༻────━─━


“Sus, sabihin mo karamihan sa ibang normies hentai lang alam, ” pakikipagtalo nito sa akin habang sumusubo ng fishball, “kasi ganito. May kaklase ako dati akala ko weeb tapos todo pasikat pa ng mga merch.. Kaso noong tinanong ko sinong creator ng Doreamon ang isinagot n'ya si Nobita.. Medyo turn off,” natawa ako sa sinabi nito.

Uminom ako ng palamig at itinapon ang plastic cup kong ubos na ang laman, “baka nalito lang..” Ani ko.

Kunot noo itong tumingin sa akin at may *seriously-you're-bitting-that-alibi* look, “dude, I clarified the question! Three times!” Winestra pa nito ang kamay.

“Oh, bakit ka affected? Pake mo kung mali?” Nagtataka kong tanong masyado naman ata s'yang affected.

Nag-iwas s'ya ng tingin sumubo ulit ng kikyam. “Crush ko eh, sayang lang..” Tinitigan nito ang plastic cup na may laman pang isang piraso ng kikyam nagpabaling-baling pa ito na tila gusto nitong itapon kasi busog na pero sa huli hindi n'ya rin ginawa at bumaling sa akin, “sayo na, promise nag toothbrush ako. Sayang kasi singkwenta pesos kung itatapon! Huwag ka ng maging maarte, kapag na rabis ka ako rin magkakaroon! Don't worry dude, I got your back!” Sabay isinubo sa akin ang kikyam wala akong nagawa kundi tanggapin ito.

Rabis daw, tangek..

Abala kami sa pagkukwentuhan ng iba't ibang chismis hindi ko aakalaing may iba pa palang side si Zachariah. Akala ko kasi s'ya yung tipo ng lalaki na mahiyain.. na tipikal na mahilig lang magkulong at parang walang bakas talaga ng kalokohan ng mundo. Pero nagkamali ako may mga ugali silang parehas ni Xerxe––hindi ko na s'ya dapat isipin.

Napabuntong hininga ako, tangina.
“Bakit?” Ani Zachariah, napansin ang pag-iiba ng mood ko. “Ganoon ka ba talaga ka affected sa hindi paghihintay ni Xerxes sayo?” Tanong n'ya, napatigil ako. Tila isang napakahirap na math equation ang tanong n'ya para magloading ako ng ilang minuto.

Ganon ba talaga ako ka-apektado? Bakit?

Sasagot na sana ako ng biglang may tumawag ng pangalan ko dahilan para matigil kami sa paglalakad ni Zach.
“Teya!” Kaway ni kuya Xenver sa 'di kalayuan patakbo itong lumapit sa amin. Napansin ko ang mga paper bag nitong dala, “hala oh? Sinong kasama mo?” Bulong nito sa akin habang nakakunot ang noo, “taksil ka ah, ” anito na hindi ko malaman kung biro hindi.

“Si Zachy kuya, kaklase ko.” Sagot ko.

Pinasadahan n'ya ito ng tingin mula ulo hanggang paa, “siya ba yung ka date mo?” Tanong n'ya, tumango naman ako. “Awit, mukhang sad boi.”

“Stop pestering them.”

Muli napalingon kami sa bagong dating. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa. Xerox, photocopy ba ito ni kuya Xenver?

“Huwag mo kong ma-English, English sa bansa ko, punyeta!” Galit na sigaw ni Kuya Xenver sa kamukha nito, agad s'yang tinapunan ng masamang tingin, “joke lang bro, mag aaudition kasi ako sa PBB, hehe.”

Lumingon ang kamukha ni Kuya sa akin, seryoso ito at nakasalamin. Malayong-malayo sa malokong mukha ni Kuya. “Xenvri Guevara, twin of Xenver. The eldest Guevara.” Tipid nitong pagpapakilala sa amin tinanguan n'ya ako kaya natataranta ko rin s'yang tinanguan.

Bakit wrong timming ata pagkikita namin?

Yung tingin ni Kuya Xenver akala mo may krimen akong ginawa tapos si Kuya Xenvri parang anytime maninigaw. “Ah, eh.. Si Zachariah Salvador po, kaklase ko.” Nakipag kamay si Zach sa dalawa. Kabado pa rin ako.

“Bakit s'ya ang kasama mo umuwi?” Diretsahang tanong ni Kuya Xenver, “hindi pa rin nakakauwi si Xerxes akala namin naglakwatsa ulit kayo. Pero iba pala kasama mo ngayon, ” usisa nito.

May parte sa aking parang ma offend na parang ang tingin n'ya kasi at yung paraan ng pananalita ay may ibang meaning.

“Don't scare her Ver, Teya he didn't mean to be rude.” Sabi ni Kuya Xenvri, nahalata ang pagiging uneasy ko, “stop.” Ulit n'yang sabi sa kakambal.

Nagkamot batok si Kuya Xenver, “hala! Teya hindi ko naman intensyon na ma offend ka,”itinaas nito ang kaliwang kamay, “framis lasang tomato. Seryoso lang akong nagtatanong.. Nakakabigla kasing iba yung kasama mo.” Sabay baling ulit kay Zach.

Sasabihin ko bang iniwanan ako ng kapatid nila?

“Xerxes waited for another girl. Kaya kasabay ko si Galatea kasi iniwan siya.. She waited almost an hour in the school. Hindi man lang nagbigay abiso or message si Xerxes na mauuna ng uwi,” natawa si Zach, “oh, let me rephrase it, may kasama s'yang umuwi. ” Anito, napayuko ako. Parang naging big deal tuloy bigla.

Ramdam ko ang tensyon, nakakatakot.

“Totoo ba 'yan?” Tanong ni Kuya Xenver habang nakakunot noo, “Galatea?” Baling n'ya. Hindi ko alam kung tatango ako o ano ayaw kong mapagalitan si Xerxes o kung ano pa man.

“Don't ask her, she might lie to protect Xerxes, ” ani Zach kaya sinamaan ko s'ya bg tingin. “If you're not convinced with my answer you can ask your brother. He left with Charentina,” gusto kong pilipitin ang leeg ni Zach, talagang detalyado pa!

Seryoso ang mukha ni kuya Xenver hindi ko alam kung galit o ano basta si kuya Xenvri seryoso talaga ang mukha.

“Ganoon ba? Sige una na kami,” nag-iigting ang pangang paalam ni kuya Xenver, ngumiti ng tipid si kuya Xenvri, “by the way. Invited kayong dalawa sa birthday ni mama,”

“Yes, mom is talking a lot about you Galatea she's eally expecting you to come.” Segunda naman ni Kuya Xenvri.

“S-Sige po,” na sagot ko na lamang.

Tumalikod na silang dalawa akala ko'y maglalakad na paalis pero lumingon si kuya Xenvri sa akin at kay Zachy. “Wear something matchy make sure you look like a couple when you attend mom's party.” Aniya at umalis na.

Matchy?

“I like how they think,” sabi ni Zach habang nakangiti, “lets go. I-chat mo sa akin kung anong isusuot mo,” anito at nagpatuloy na kami sa destinasyon. Malapad ang ngisi sa itsura nito’y mukha silang may nilulutong kalokohan.

“Ang gulo niyo,” sambit ko na lamang.

Anong pinaplano nila?

﹌﹌﹌﹌
#Invited

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You Mareحيث تعيش القصص. اكتشف الآن