Chapter10

1.3K 107 53
                                    

TBIILWYM 10 | Dance with the beki

"Yes ma'am? " Hindi na ipit ang boses nito malalim at baritono ang boses. "Siya ba partner ko ma'am?" Turo nito sa akin sabay hawak sa bewang ko. "Tara na malapit na tayo sa entrance."

Nanlalaki ang mata kong napatitig sakaniya. Gulantang na gulantang ako sa mga pangyayari.  Hindi ko alam kung anong sumapi rito at ako agad ang inakay hindi ba't galit siya sa akin? Ano namang masamang hangin ang umihip sa ulo ng baklang 'to? O baka gaganti siya?

Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad, nakayakap ang braso ko sa braso nito at sabay na lumakad sa kahabaan ng entrance.

Abala ako sa pagkalma nang tumikhim at peke itong naubo. "A-Ahm.. A-Ano.." Napakamot batok ito, nag-iwas ng tingin at hindi matuloy-tuloy ang sasabihin. "G-Galatea.." Utal na sambit sa pangalan ko, hindi ko maiwasang mapakunot noo, anong drama na naman ba ito.

Hindi ako sanay na hindi ipit ang boses ni Xerxes hindi ako sanay na nauutal at parang lalaki siya kung manamit at higit sa lahat… Hindi ako sanay sa pagtawag nito sa pangalan ko.

"Ano?" Tipid kong tanong. Diretso pa rin ang tingin. Nasilaw ako sa bawat flash ng camera sa entrance, oo nga pala. May pa photoshoot muna bago maka-upo sa venue at siguradong ipopost ito sa school page namin.

"Nakakainis naman." Aniya, binalingan ko ito mg tingin handa ng sigawan pero kusang lumambot ang tingin ko ng makita ang mukha ni Xerxes. "S-Sorry na kasi… H-Hindi ko naman sinasadya. A-Ang gago ko sa part na 'yon. S-Sorry na.. "
Mangiyak-ngiyak n'yang sabi habang napapaiwas tingin. Mahina ang pagkakasabi  pero dinig ko pa rin para bang bata ito kung magsalita na pinagalitan ng nanay. Hindi ko alam kung bakit kusa akong napangiti, bwiset na bakla. "Pwede mo akong sabihang malandi for revenge porposes pero i-suggest na umisip ka ng bago. Huwag malandi kasi akin ang trademark na 'yon. S-Sorry, gusto kitang lapitan nitong mga nakaraang linggo para kausapin kaso naunahan ako ng hiya. Hiya na sinabihan kita ng masasama kahit na malinaw naman sa paningin kong wala kang ginawang kagagahan. " Gumalaw ang adams apple nito para talagang lalaki si Xerxes ngayon. "Alam mo bang hindi ako makatulog? Bawat galaw ko naiisip ko yung kagaguhan ko noong nakaraan." Nadrama nitong sabi.

Napabuntong hininga ako, nag-iinit ang pisngi sa naiisip. Humugot ako ng buntong hininga. Hindi 'yon mangyayari sa mga teleserye lang magkakaroon ng spark between the frienemies.. Napansin kong malapit na kami sa unahan… Malapit ng maghiwalay para sa unang part ng program kung saan magtatabi-tabi ang babae sa lalaki at uumpisahan ang mga habilin.

Tipid akong ngumiti bagamat nasa harapan pa rin ang tingin. “Ah,”

Binalot ulit kami ng katahimikan at ng kami na ang nasa harapan naramdaman ko ang mainit nitong hininga sa aking tenga. Matangkad man sa aki’y naabot naman ako nito. "I must admit…” Natulos ako sa kinatatayuan. “You're the most beautiful girl here at our prom. A girl wearing a gray gown,” nagsitayuan ang mga balahibo ko sa tono at sa paraan ng pagsasalita niya,
“ damn you look like a woman who's walking down the aisle." Anito bago kami maghiwalay.

Wala sa sarili akong natulala hindi ko inaasahang sasabihin niya 'yon.Masyado na akong nalilito, masyadong naliligaw. Naliligaw sa daang alam kong bawal tahakin. Napailing ako ng maalala yung nangyari sa entrance kanina masyadong malabo. O baka naman hindi talaga ako ang sinabihan n'yang ganoon or yet palabas lang ulit para magkabati na kami.

"Pero girl," tawag pansin sa akin ni Shamaine habang kumakain ito. "Para kayong bride and groom kanina ni Xaxa, imagine kayong dalawa lang ang naiiba—I mean parehas kayong naka gray tapos close to white pa yung kulay. Para talaga kayong ikinakasal!" Aniya sabay tili na para bang kinikilig. "Ang dami ngang nagulat kanina kasi hindi natin inexpect na si Xaxa ay mag tutux and to add a cherry on top! Ikaw pa ang naging kapartner nito to think of na andami n'yong walang partner kanina!"

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareOnde histórias criam vida. Descubra agora