Chapter 39

738 76 29
                                    

The most painful part was you can't even utter your goodbyes and ended up saying the word I love you..

Life is short, do things that you won't regret when the time comes.  Learn to accept, appriciate and be happy.

TBIILWYM 39| Papa Ganda

TBIILWYM 39| Papa Ganda

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

G E N E R O S O


Tarush ang blush on ng impaktitang pokpok.

Napapilantik ang mga daliri ko, at pilit pinipigilang paikutin ang mga mata sa nakikita. Dala-dala na naman ni Tatay ang kabit nitong naging official asawa na.

From kabit na pokpok to official asawang pokpok na, wow, promotion.

Napailing ako, hindi maikakailang tigasin si Papa. Maging ang pagiging bakla ko'y problema sakanya dahil puro kahihiyan na lamang daw ang dala ko sakanya. Hiyang-hiya naman ako sa tatlong babae niya at sa isang dosenang kapatid ko sa labas. Kung buhay lang si mother siguro may sasampal na mala telenovela kay Tatay.

Mainit ang dugo sa akin ni Tatay, na kapag nalalasing ito, hobby niya akong ipahiya at bugbugin sa harap ng mga kainuman niya. Idagdag pang hindi kami magkasundo ng mga kabit nito na tumitira sa bahay, ako ang legal na anak pero kung saktan at kantihin ako parang ako pa ang salot.

Siguro nga salot ako. Kasalanan ba ang pagiging bakla?

"Gago ka talaga! Wala ka ng ginawa kundi bigyan ako ng kahihiyang puta ka! Kung sanang naging lalaki ka nalang!" Napadaing ako sa bawat suntok ni Tatay. Nagsumbong na naman kasi ang asawa nito na gumanap akong babae sa may school play dahil naging representative ako.

Pilit kong sinalag ang bawat suntok at sipa niya, pero hindi ko rin nagawang iwasan bawat masasakit na salitang binitawan niya. Sakto sa akin, tagos na tagos. Akala ng iba madali lang makalimot, pero hindi eh. Yung ibang magulang na masasakit magbato ng mga salita kahit makalimutan nila 'yang mga sinabi nila hindi yung anak. Dadalhin sa paglaki ng anak lahat ng masasakit na salita, kahit saan, kahit kailan. Nakatatak na yung salitang 'yon.

Napangiti ako ng mapait, bakit ganito ang buhay? Unfair.

Sa edad na bente dos ay nagtrabaho na ako, hindi na tinapos ang college. Dahil pagtuntong ko pa lang ng bente anyos ay pinalayas na ako sa amin. Hindi na kasi ma-take ni Tatay ang kabaklaan, at kahihiyang dala ko sa pamilya niya. Patay na rin si Mama at ayaw ko ring maging sampid pa sa pamilya nito.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz