Chapter 28

840 63 7
                                    

TBIILWYM 28 | Basketball Tournament


"May game ngayon para sa Intrums ang bilis ng panahon! Ilang kembot nalang, hello college life na tayo!" Natatawang sabi ni Shamaine habang isinubo ang fishball, "bali-balita rito sa school 'yang manliligaw mo. Aba, ateng ilang months na rin. Sino ba kasing nilalaman n'yang puso't balunbalunan mo?" Pang-iintriga nito, napailing ako.

Ewan, sa ngayon magulo pa. "Atsaka ko nalang iisipin kapag alam ko na 'yung sagot," sabi ko. Kitang-kita kasi effort ni Zachariah. Alam mo ‘yon noong una sigurado na ako kay Xerxes pero sabi nga ni papa ganda.

“Baka spur of the moment lang. Malay mo marealize mong si Zachariah pala ang bet mo. Naku, Galatea ikaw ang nililigawan kaya pumili ka. Mga manliligaw mo nga ‘di basta-basta nanliligaw pumili muna iyan bago ka liligawan kaya ikaw na ang may power na pumili. Pumili ka ng maayos!”

Napakamot ulo nito."Hindi eh! Alam mo na 'yung sagot dati pa, " tinitigan n'ya ako sabay pinanningkitan ng mata. "Masyado ka lang natatakot na magsabi pero ayos lang 'yan ang life parang weather lang sabi nga ni kuya Kim. Hindi mo man piliin ang isa makaka move on at mahahanap naman nun yung para sakanya." Pag-aadvice nito na para bang may love life. "Ako sayo, bilisan mo mamili. Baka kumontra pa si Charentina mukha pa namang malakas ang tama kay Xerxes." Napailing ako, Charentina corned beef  pagkalat daw bang sila yung magkakatuluyan."

Napabuntong hininga ako, "hayaan mo s'ya. Ang problema huwag mong problemahin hayaan mong siya ang momoblema sayo.."

Nagkibit balikat ito, "basta ako Teya ah. Sinabihan kita payong kaibigan lang ah. Mas magandang huwag mong patagalin ang pagpili kung alam mo rin lang naman kung sinong gusto mo para iwas masaktan yung isa. " Anito sabay napatingin sa gate ng school namin.

Ngumiti ako ng marahan, "oo, salamat sa advise."

"Nakita ko kanina si Rossweisse Seth Victoria iyong kaibigan ata ni Xaxa na basketball player?" Napatigil ako sa pag nguya naalala yung time na may kasama ni Xerxes ang mga alagad nito maliban sa mga beking cheerleader sa pageant, mga abm liptint girls, sila ata yung kasama n'ya noon sa prom. Tumango ako, "..oo, pati nga yung si Gremory Santillan narinig ko na sasali ata si Xaxa sa basketball game." Anito.

Nagtataka naman akong napatingin kay Shamaine, "marunong 'yon? "

"Ewan," at nagkibit-balikat ito.

Pagkatapos naming kumain agad kaming dumiretso sa kanya-kanya naming classroom walang klaseng magaganap kasi try out pero depende rin sa teacher. May mga teacher talagang sadyang masisipag magturo. Suot ang P.E uniform pumasok ako sa classroom namin at doon nadatnan ang mga kaklase kong lalaki na kapwa naka jersey.

SteMalakas, Matcho, MgaGwapo... Ang nakasulat sa banner na masayang binibitbit ng mga kaklase kong babae.

Napansin ko rin si Zachariah, "maglalaro s'ya?" Taka kong bulong. Oh? Sporty type ba si Zachariah? Mukha namang hindi, napangiwi ako. Don't judge nga pala, bawal 'yan sa langit.

"Teya!" Sigaw ng mga ito habang nangingiting iwinagayway ang banner, "dali rito! May sasabihin kami!" Ani Patrick.

Naglakad ako papunta sa kanila, nagtataka. Anong pakulo 'to? Badtrip pa ako kay Patrick dahil sa nangyari sa bola. Tanginang bola 'yan, nawala tuloy pers kes ko. "oh?"

"Chill, Teya, chill! Mukha mo mukhang kakatay ng baboy.." Anito, "anyway, cheer mo mamaya si Zachariah ah? Sasali ng basketball mamaya kailangan namin ng suporta mo ng magka gana itong bata namin. Star player pa naman." At tumango-tango pa.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now