Chapter 40

771 60 5
                                    

TBIILWYM 40 |Beggining

"Sungit, terror, bruha.. Dami mo namang nicknames, sana all." Patuloy ang pang-aasar ni Shermaneous Salvador sa akin. "Grabe, kung ako 'yan magbabagong buhay na ako. Ehem, extra pay... Tangina, ehem, extra pay.." I shooked my head, turned away my gaze. I'm not in the mood, as if naman.

I'm living but without a purpose. Ano nga ba ang dahilan? Ah, gusto kong maging successful para makapagpatayo ng parlor at mabigyan ng magandang buhay si papa. Pero para saan pa? Ang taong inspirasyon ko wala na.

Five years had passed but the pain still remains. I hate everybody, I hate them.


"Architect Hernandez, may natanggap pala tayong notice noong isang araw. Tayo raw ang magha-handle sa isang project, ano, g na?"  He wiggled his eyebrows, siraulo. Bakit ko nga ba 'to tinanggap sa team ko? Ah, because of his skills. "Ano na, Architect? Medyo malaki rin 'to, tapos sikat yung nagpapagawa, magiging matunog ang pangalan ng firm natin kapag nakuha natin 'to. " Patuloy pa niyang sabi, I hate noisy people. Masyadong maingay.

"Yeah, yeah. Bahala ka." I irritated answered, I just wanna lay down on my bed and sleep. For eight years, I have the same feeling everyday. Para kang pagod lagi yung walang excitement, walang sense of happiness. I've tried consulted pyschiatrist but none of them helped me. Sarili ko lang daw ang makakatulong sa akin na, acceptance is the key.

I can't move on, the sight of my Papa Ganda bleeding saying his I love you to me was another level of torture. I walked away, I shut all the people I know. I cannot function well in the past few years.

But here I am, I managed to graduate. I managed to fulfill my promise to Papa Ganda that I will become a Architect. Wala man siya ngayon atleast may iilan sa mga pangako ko sakanya ang natupad ko. Like the parlor even though he's not here anymore. I gave the building to the Wonder Bekis, and I'm thankful they took a good care on it.

"Ilang taon ka na nga ulit?" Napalingon ako sakanya, nakadekwatro na itong naupo sa lamesa habang panay ang pindot sa cellphone. "Uy!"

Iritado kong ibinato sakanya ang lapis na hawak ko, "ang kulit mo! " Totoong makulit si Shermaneous palibhasa mag-iisang anak. Kalalaking tao maingay at makulit. " Twenty eight na ako ilang ulit mo na bang naitanong 'yan ah?"

Nagkibit balikat ito, "twenty eight ka na pala pero mukha ka ng eighty nine  years old." Pang-aasar na naman nito, "pero seryoso. Ilang taon na ang lumipas, Teya." Tinignan n'ya ako, "ayaw mo bang maging masaya?"

Natigilan ako sa tanong niya, ayaw ko bang maging masaya? Sino ba namang ayaw maging masaya? Sasaya lang ako kung maibabalik sa akin si Papa ganda. "Ewan," maikli kong sagot.

"Magmove on ka na kasi, hindi ka sasaya kung iipunin mo lang lahat ng sama ng loob mo at galit. " Aniya na para bang professional. "Learn to let go kasi, step by step para naman sumaya ka."

Napanguso ako, pinipilit ko. Pero hindi ko talaga magawa. I let out a heavy sighed. " I will try,"

"Kita mo si Zachariah, move on daw. May bucket list pa paano mag move on tapos makikita mong nag-iistalk sa Facebook o kaya naka-abang lagi sa gate para masilayan. Naku, marupok."

"Ah?"

Umiling ito, "wala, sabi ko kung ako rin naman nasa posisyon mo, badtrip talaga ako araw-araw lalo kapag sa mansyon uuwi. " Nangunot noo ako, masyado na s'yang maraming sinasabi at hindi ko na masundan. "Akalain mo 'yon, Angel  pangalan ng tita mo pero kabaliktaran naman ugali. Naku, deceiving talaga!" Napangiwi ako sa sinabi nito.

One thing why I let Shermaneous to be silly all around ay kaugali nito si Shamaine. Yes, my friend from Sitio Hiyaw Pa, ang huling balita ko'y nag-asawa na ito at masaya na kasama ang tatlong anak.

After the burial of my Papa Ganda, everything went so fast. Na para bang kumurap kalang at nandito na ako sa Manila, starting my new life.

I found out that Sandra and Artold Hernandez is my grandparents. The ones who helped my Papa Ganda in the jail. Sila yung matandang mag-asawa.

When I stopped mourning, they decided to helped me packed my things at lumipat sa mansyon nila. Where I met Aunt Angelica and her daughter Zain. Hindi maganda ang pakikitungo ng mag-ina sa akin, na halos araw-araw ay pinamumukha nilang sampid ako.

Kaya noong makatapos ako ng pag-aaral agad akong nagtrabaho at tumayo sa sarili kong paa, for now I'm categorize as an successful person pero may kulang pa rin.

I met Shermaneous when I'm studying, noong una'y nagulat pa ako ng mapag-alamang pinsan pala siya ni Zachariah na maging ito'y nasa Manila na rin.

Lumayo ako sa lahat, tanging si Shamaine, Wonder Bekis at Zachariah lang ang hindi ko kayang talikuran. Pero ang taong 'yon abot hanggang impyerno ang galit ko sakanya.

Dahil sakanya nawala ang papa ko, dahil sakanya.

─━────༺༻────━─━

["Kung ako sayo mag-bakasyon ka muna. Masyado ka ng tambak sa trabaho.." ]

"I can't, sayang ang mga projects, Mama La." I told her, "and you knew naman na this things kept me sane for the past few years."  I heard the words of her disapproval, narinig ko rin si Papa Lo na kinakalma ang asawa. "I'm sorry, Mama La."

["Generoso won't like what you're doing to yourself, iha. Unti-unti mong pinapatay ang sarili mo,"]

I looked away, guilty. "I'm sorry po, " I can't uttered another words. Baka kasi may masabi akong hindi dapat at masaktan sila. "I promise to visit you often we will do bonding.. Kung gusto n'yo isama natin sila Tita." Napangiwi ako sa huling sinabi.

Really Aunt Angelica and her daughter Zain? Goodluck, Galatea. Mag-inang kontrabida 'yan.

["If that's what you want, iha. Just remember we love you, always."]

I smiled, may kung ano mang kulang sa puso ko ng mawala si Papa Ganda naroon pa rin ang mga ala-ala nito. Hindi rin ako iniwan nina Mama La at Papa Lo na pilit bumabawi sa akin sa mga panahong hindi nila ako nakasama.

["By the way, Shermaneous told me na inapprove mo na yung project ?"]

"Yes, Mama La. " I answered.

["I know that you're good iha, but please do your very best lalo na't personally they asked me to gave you this project. "]

Nangunot noo ako, ganoon ba ka special ang project na 'to na para si Mama La pa ang magrefer? "Oh, sure Mama La. Don't worry, I won't let you down."

["Thank you iha, the Ylmarix and Guevaras will be ecstatic about this news."]

I froze when I heard that surname. What the fuck, after five years.

﹌﹌﹌﹌﹌
#Beggining

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareOnde histórias criam vida. Descubra agora