Prologue

3.1K 152 48
                                    

G A L A T E A

“Lezgo! Ilagay ang mga gamit na itey sa boxie! Tayo'y lalarga sa ibang kaharian!” Sigaw ni papa ganda sa akin habang nagbabalot kami ng mga gamit.
Napabuntong hininga ako. Sa ikalimang pagkakataon pinalayas na naman kami sa apartment na inuupahan namin kahit na ganoon nakagawa ng paraan si papa para may matuluyan kaming dalawa. Aniya'y may isang bahay siyang hinulugan noon ang kaso nga lang sa kabilang sitio pa.
Kalapit ng Sitio Tirik Mata na aming tinitirhan ang lilipat iyon ay ang Sitio Hiyaw Pa.

Ang mga ngiti ni papa ganda ang nakapagpawala ng kabang nararamdaman ko. "Doon na tayo titira protektahan ang Lireo laban kay aling Urla'ng mapaningil!" Natawa ako dahil sakaniya. Matagal na akong ulila, walang ina at ama.

Nakatira noon sa lansangan pero isang umaga nagbago ang buhay ko at instant nagka-papa na nga may mama pa. Nasa ilalim ako noon ng tulay natutulog ng may marinig na mga ingay. Ibang-iba sa mga nakasanayang ingay na lagi kong naririnig, ungol ata? Natakot nga ako kebata-bata ay makakarinig ng kababalaghan at nang magising ako kinaumagahan bumungad ang baklang lupaypay sa may kabilang dako ng tulay. Parang pagod na pagod ito. Pagod nga ata sa tabi ay binatilyo na parang malaki ang pinagdadaanan sa buhay. Nagtago muna ako nang maramdaman kong nagising na sila.

"Goodmorning in in the shalala! Hay buhay, pogi ito two hundred fifty dinagdagan ko na ng isang daan! "

"Salamat."

Iyan ang eksaktong sinabi n'ya noon. Pilit lang ako sa pagtatago habang nag-aayos naman ang taong iyon ng itsura.

"Hoy! Bata! "

Napangiti ako, hindi inakalang sa tawag na iyon ay magbabago ang dating malungkot na buhay. Dahil binayayaan ako ng isang katulad niya.

"Wala kang nanay at tatay? Anong ginagawa mo sa ilalim ng tulay? "

Ilang beses niya akong tinanong noon kung ayos lang ba ang buhay ko sa ilalim ng tulay——na sa totoo isang kahig, isang tuka.

"Gusto mo baby, akin nalang you? Oh my kipay! May barbie na ako! Omg, proud nanay here! Iniluwa ng imaginary kepyas ko ang batang ito!"

At doon isiniling ang babaeng anak ng binansagang mother earth na may mabahong pangalan pero sino ako para magreklamo? Ako lang naman ang biniyayaan ng pangalang Galatea Harmonia De Pako ang nagsusumikap maiahon sa kahirapan si Papa Ganda; taong nag-iisang liwanag at nagbigay kulay sa melodramang buhay na ito.

"Ready ka na aking baby girl? "

Binitbit ko ang mga bag, "opo! "

Ngumiti ito at nagdrama muna sa dati naming bahay na nirerentahan bago umalis, "let's go sa bagong kaharian!"

━─━────༺༻────━─━


Welcome to Sitio Hiyaw Pa

Ihiyaw mo lang!

Napaka weird ng mga pangalan ng sitio rito may Sitio Hiyaw Pa, Sitio Tirik Mata, Sitio Ibuka,Sitio Kapit, Sitio Nga-Nga at iba pa. Medyo parang kakaiba rin ang mga tao rito kailangan ko nang masanay dahil mula
ngayon ay dito na kami titira. Sa pasukan ay transferee ako ng Sitio High School paniguradong mapapasabak na naman ako sa pakikipag-kaibigan nito.

Naramdaman ko ang mahinang hampas ni Papa Ganda pagkababa namin sa owner jeep na inarkila para sa paglipat, "oh? Done na ba itey mga wonder, wonder sa surroundings? Oh my kipay! Sana'y magpaulan si papa God ng mga otoko para ma'y matuka akesh! " Napasimangot ako sakaniya kahit kailan talaga! "O'sya, tara let's go sa bagong kaharian! Protektahan ang Lireo! " Napailing ako. Ibinaba na ni manong ang mga kahon-kahong naming gamit pati ako'y tumulong na rin sa pagbubuhat. Maganda ang bahay ‘di man kalakihan pero pwede na para sa aming mag-ama. Dalawa naman kaming titira ang sabi nga ni papa at give up na siya sa paghahanap ng boyfriend dahil sa akin palang ay maswerte na siya.

"Salamat po manong, " ani ko kay manong habang inaabutan ko siya ng miryenda.

Punong-puno ng enerhiya si papa gansa ng tawagin ako. "Baby Galatea ko,” lumapit ako sakaniya. “Ito na ang bagong kaharian! Humanap ka naman ng mga friends in the rainbow bata ka! " Sermon niya habang kumakain  lagi n'yang pangaral sa akin na dapat raw ay tapatan ko ang mga kaibigan ni Jenina——isa sa mga kinaiinisan kong kaklase sa dating tinitirhan.

Hindi naman mahalaga sa akin ang sobrang daming kaibigan kahit isa o dalawa lang basta mapagka-katiwalaan ang kaso wala pa akong nahanap kahit isa. Kasi nga mapili ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagbayad na si papa ganda sa nagbabantay ng karinderya pagkuwanay umalis na rin si manong pagkatapos mabayaran at pakainin ni Papa.

Sa halip na dumiretso sa loob ng bagong bahay ay abala na ngayong makipag-chismisan si papa ganda sa mga newly found friends nito. Napakamot batok ako ‘di ba malapit lang dito ang mga tita kong dugo rin ang berde? Kung pagiging friendly lamang ang pag-uusapan siguro top one na si papa ganda walang kasarian ang makakapigil sakaniya.

Aba’y friendly.

Habang naghihintay ay nagmasid ako sa kabuuan ng bago naming lugar. Sa aking pagtitingin-tingin doon ko napansin sa hindi kalayuan ang isang lalaki——teka.. lalaki nga ba? Sabihin na nating kauri ni papa ganda na nagmula sa dugo ng mga sanggre base na rin sa pananamit at pagkilos nito.  Sayang gwapo pa naman at mukhang maamo.

Kapansin-pansin ang mapulang-mapula niyang labi na para bang pinanggigilan sa lipstick, kilay na palaban, eyeshadow na kinabog ang isang pageant organizer at ang pormahan niyang pants na kulay pink, t-shirt na pink din, at hindi pahuhuli ang scarf niyang kagaya ng damit ay pink.

Hindi halatang favorite nito ang pink.

Hawak ang kanyang pamaypay na mataray nitong iginagalaw, ang kilay niyang nakataas at ang mata nitong ang sama makatingin sa akin.

Anong ginagawa ko sa baklang 'to?

Mas lalo akong napanganga ng bigla niya akong irapan at sabat nag flip hair. Puno ng pagtataka ko siyang tinitigan. Ano ba talagang problema n'ya?

Sa ‘di kalayuan nagsilabasan ang mga sa tingin kong kaibigan nito. Kapwa niyang nagmula sa lahi ng mga sanggre.  “Hoy! Xaxa. Tara na besh gora na us may mga bagong make up si mother of
queens!” Sigaw ng isa sa kaniya saglit itong ngumiti sa tumawag bago umikot na akala mo'y si Catriona Gray. Tinignan ako mula ulo hanggang paa sabay inisnob at  umalis na. 

Naiwan akong tulala. Ano bang problema ng baklang 'yon?

﹌﹌﹌﹌﹌﹌ ᥫ᭡tksm ﹌﹌﹌﹌﹌﹌

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now